Chapter 10

9.7K 340 22
                                    

"Good morning Ms. Salcedo!" bati ng mga katrabaho ko habang naglalakad ako papunta sa aking opisina.

"Good morning!" nakangiti kong bati sakanila. Binuksan ko ang pintuan ng bagong renovate ko na opisina, pumasok ako sa loob at nilanghap ang amoy vanilla na hangin.

Tatlong taon narin ang nakalipas ng makagraduate ako ng College. Ngayon ay isa na akong Senior Architect sa pinapasukan ko na Architecturefirm dahil sa sipag at tyaga, dugo at pawis.

"Mabuti at nandito ka na," bungad ni Big boss Anton. Sya lang naman ang presidente ng aming kumpanya. "We have urgent meeting at 10 am so please kindly prepare your presentation for our new project design,"

"Will do Sir," nilapag ko ang aking bag sa lamesa at hinarap si Big boss. "I won't disappoint you," paninigurado ko.

"Aasahan ko yan! Mataas ang expectation ko sayo Reese," yan ang huli nyang salita bago ito umalis.

Simula ng magtrabaho ako dito ay si Sir. Anton na ang naging teacher ko sa lahat ng bagay. Hindi lang naman sa pagaaral pwede kang matuto, kundi sa trabaho rin.

Naupo ako at binasa ang aking report para sa presentation. Kapag naimpress ko ang board member, maaari nila akong ipromote bilang Project Manager sa susunod na proyekto na gagawin namin.

"Cofee,"

Napatingin ako sa nagmamayari ng tinig na nakatayo sa pintuan ng aking opisina habang may hawak itong mainit na kape.

"Sure! Thanks!" nakangiti ko na sagot. Naglakad ito palapit sa akin at nilapag ang baso ng kape. "Mukhang hindi ka pa nakakatulog Ethan," napansin ko ang namumula nitong mga mata.

"Tinapos ko yung design na pinagagawa ni Sr. Bogs. Alam mo naman yun gusto ay laging early than the deadline ang submission,"

Napatawa lang ako at niligpit ang mga papeles na nasaking harapan at kinuha ang kape bago ako tumayo. "Sr. Bogs is very..."

"Demanding.." maagap na dagdag ni Ethan. "Pwede ba akong lumipat sa team mo? Please? At least kabisado ko na si Big boss Anton," kinuha ni Ethan ang mga folder sa akin at sya na ang nagbitbit.

Well, hanggang ngayon hindi parin sumusuko si Ethan at Color sa panliligaw sakin kahit na ilang beses ko pang sabihin na hanggang kaibigan lang kami.

"Hi, Ethan!" bati ni Cindy. "Good morning Maam Reese," kumaway pa ito kay Ethan sabay beautiful eyes.

"Good morning Cindy. You look gorgeous today," nakangiti ko na bati sakanya. Maganda naman si Cindy kung hindi lang sya mahilig magsuot ng itim at magmake up ng itim.

"Thank you Maam!"

"Ikaw naman Ethan hindi mo pinapansin si Cindy," mahinang bulong ko sa kaibigan ko na parang walang narinig at nakita. "Anyway. Kung mapromote ako bilang project manager ay kukuhain kita para sa team ko,"

"Good luck!" bulong ni Ethan bago ako pumasok sa loob ng conference room. Kahit ilang beses na ako nakapasok sa kwarto na ito hindi ko patin maiwasan kabahan lalo na kung ang lahat ng nagmamay ari ng mata na nakatingin sakin ay pinakamatataas sa aming kumpanya.

"Let's start," excited na sabi ni Big boss nang makatayo ako sa gitna.

Pinatay na ang mga ilaw at nagbukas ang polycom na aking gagamitin para sa presentation.

"Good evening ladies and gentlemen," tumingin ako sa mga taong nakapalibot sakin. "Let me please represent to you," pinindot ko ang controller ng polycom kung saan pinapakita ang mga larawan na pinaghirapan ko ng ilang buwan. "The Village which inspired by Colonial revival architecture,"

Pretty Woman ( Lesbian )Where stories live. Discover now