Chapter 8

8.8K 379 38
                                    


Ang bilis ng panahon kung dati ay hinagangad ko lamang ay makatapos ng pagaaral at matupad ang aking mga pangarap ngayon ay isa na akong asawa at ina sa dalawang makukulit na bata. Pero syempre joke lang yon. Kung pwede nga lang na parang hangin na lumipas ang natitirang dalawang taon ko dito sa UP.

"Malalim nanaman ang iniisip mo," bulong ni Color nang umupo sya sa aking tabi sa damuhan ng campus. "Pagkakaperahan ba yan?"

Hindi ko mapigilang mapangiti at sumulyap sa napaka gandang babae sa aking tabi. Humangin ng malakas para liparin ang kanyang mahabang buhok. "I'm planning to rob a bank so I don't have to study anymore,"

"Kailangan mong planuhing mabuti yan para hindi masayang ang lahat kung sa kulungan lang rin ang bagsak mo," payo ni Color. Tinanggal nito ang suot nyang varsity jacket at inilagay sa aking likod. "Bakit ba hindi ka nagdadala ng sweater o jacket man lang, alam mo namang napakalamig ngayon,"

Naamoy ko mula sa jacket nya ang pamilyar na amoy ng kanyang pabango. "Nakalimutan ko dahil nagmamadali akong umalis ng bahay kanina. Wala ka bang practice ngayon?"

Nag unat ng kamay at braso si Color at naghikab. Kahit gaano kaganda si Color minsan pagkumilos sya daig nya pa lalaki.

Matagal ng ipinagtapat sakin ni Color na lesbian sya. Akala nya kasi wala akong alam. Gayunpaman hindi ko parin magawang ikwento ang tungkol kay Ginger. I want to keep it private, sina Chloe at Nadia lang ang nakakaalam. At kahit ilang taon narin ang lumipas pakiramdam ko sariwa parin ang sakit at hapdi na dulot ng kanyang paglisan.

"Wala, bukas pa. Last year ko na ngayon kaya sana kahit man lang final four makapasok kami," sumulyap si Color sakin. "Reese," bulong nito sa hangin.

"Hmm?" huni ko pero hindi ako tumitingin sakanya. Nakaconcentrate lang ako sa pagtingin sa popular Oblation. Ito ay isang kongkretong rebulto ng Filipino artist na si Guillermo E. Tolentino na nagsisilbing simbolo ng icon ng University of the Philippines. Inilalarawan nito ang isang lalaking nakaharap sa itaas na may mga kamay na nakabukas, na sumasagisag sa pag-aalay ng sarili sa kanyang bansa.

"Are you and Ethan dating?"

Bigla akong napatingin kay Color. Inoobserbahan ko kanyang mukha. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan nanggaling ang tanong nya. Oo, matagal na akong nililigawan ni Ethan simula freshmen hanggang ngayong nasa third year na kami pero sa una pa lang sinabi ko na hanggang kaibigan lang ang tingin ko sakanya.

"Hindi," nakakunot noo ko na sagot. "Para ko lang syang kapatid," hindi kumibo si Color at tila napakalalim ng kanyang iniisip. "Bakit mo natanong?"

Agad syang umiling at bumuntong hininga ng malalim. "Natanong ko kasi lately lagi kayong magkasama at lumalabas sa gabi,"

"Ooh, kasi nagpapatulong si Ethan sa thesis nya,"

"I see," napakagat labi si Color. Hindi ko alam kung ako lang ba ito pero parang may gusto syang sabihin sakin pero hindi nya alam kung paano sisimulan.

Humarap ako kay Color at tinignan ang aking kaibigan. "Are you going to say something?"

Ngumiti si Color at dahan dahang inilapit ang kanyang mukha sakin. Naamoy ko ang kanyang mabango at mainit na hininga. "Ilang taon ka na dito sa UP pero kahit isa wala kang sinagot sa dami ng nanligaw sayo,"

Umiwas ako ng tingin. "I'm not yet ready to any kind of relationship. Nangako ako sa pamilya ko na uunahin ko muna ang pagaaral ko at makagraduate,"

"Ang lalim ng pinaghugutan mo, parang sobra sobra kang sinaktan ng taong una mong minahal," usal ni Color. May mga pagkakataon na hindi ko mapigilang magisip na nakakabasa ng puso at damdamin si Color. "Anong ginawa nya sayo?"

Pretty Woman ( Lesbian )Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora