Chapter 5

14.7K 449 35
                                    


Sa buhay ng tao marami talagang bagay ang hindi natin lubusang maintindihan at hindi inaasahan mangyari. Kaya ang una nating mararamdaman ay pagkalito at takot. Hindi na tayo makakapagisip ng maayos at kadalasan ay mas pinipili natin takbuhan at talikuran ang resulta ng ating nagawa.

At paano kaya namin malukusutan ang sitwasyon na ito.

Sobrang higpit ng pagkakahawak ni Ginger sa aking kamay habang pareho kaming tila naging yelo sa pagkakatayo sa harapan ng galit na galit na si Señora Amanda.

"What is the meaning of this!?" nanlilisik ang mga mata ni Señora habang nakatingin samin ni Ginger.

Pinagsalikop ni Ginger ang aming mga daliri. Ramdam ko ang binibigay nyang suporta sakin, na hindi nya ako pababayaan at hindi iiwan.

"Mom," bulong ni Ginger. Dinig ko ang takot sa kanyang boses. Pero pilit sya nagpapakatatag para sakin. "Mahal ko si Reese," hindi na sya nagpatumpik tumpik pa.

Kahit madilim ay kita ko ang pamumula ng mukha ni Señora sa galit. Lumapit sya kay Ginger. "Anong pinagsasabi mo Ginger? Hindi kita pinalaki ng ganyan at lalong lalo ng wala akong anak na magdadala sa aki ng kahihiyan,"

Alam ko sa puso ko na nasaktan ng husto si Ginger sa sinabi ni Señora. Pero wala ako ni kapirasong tapang at lakas para magsalita.

"But I love-"

Hindi pa natatapos magsalita si Ginger ay isang malutong na sampal ang dumapo sakanyang pisngi.

"I don't want to hear any of your stupid excuses," nagngingitngit ang mga ngipin ni Señora. Alam ko na strikto sya pero hindi ko akalain na ganito nya itratratuhin ang kanyang anak. Bigla akong nanlamig ng dumapo ang paningin ni Señora sakin. "At ikaw Reese, akala ko magiging mabuti kang impluwensta kay Ginger dahil matalino ka pero anong ginawa mo? Ginawa mo syang kahihiyan sa pamilyang ito!"

"MOM!" umiiyak na sigaw ni Ginger kay Señora. "It was not her fault!" depensa nya sakin. Hindi ko mapigilan ang luha na kumawala sa aking mga mata. "It's me,"

Marahas na hinatak ni Señora Amanda si Ginger kaya napabitaw sya sakin. "Nababaliw ka na! Hindi kita pinagaral at pinalaki para maging ganyan!"

"Nasasaktan ako!" ingit ni Ginger habang pilit inaalis ang kamay ni Señora sa kanyang braso. "Bakit ba ayaw mo tanggapin na ganito ako? Na lesbian ako!"

"Dahil hindi ka ganyan! Nilalason lang ng babae na yan ang pagiisip mo!" angil ni Señora. "Josh! Vincent!" tawag ni Señora. Biglang may dalawang lalaking sumulpot. Body guard sila ni Mayor. "Dalhin nyo si Ginger sa kwarto nya at wag na wag nyong papalabasin!" utos ni Señora. Agad namang sumunod ang mga ito at parang papel na dinala si Ginger palayo sakin.

"Bitiwan nyo ako, mga hayop kayo!" sigaw ni Ginger sa dalawang lalaking bumibitibit sakanya. "Reese!" tawag nito sa aking pangalan pero wala, wala akong magawa.

Pakiramdam ko katapusan na ng mundo ng mawala na si Ginger sa aking paningin. Ako dapat ang sisihin sa lahat ng ito kung hindi sana ako nagtapat ng tunay kung nararamdaman kay Ginger edi sana walang pangyayaring ganito, walang sakit at walang pagpipighati.

Huminga ng malalim si Señora bago tumingin sakin. Ang bilis magbago ng kanyang mukha, kanina lang ay hindi ko na sya makilala sa sobrang galit ngayon naman ay para syang Anghel.

"Reese Iha," nakangiti na tawag ni Señora sa aking pangalan. "Palalagpasin ko ang lahat ng ito  basta layuan mo si Ginger. Ayaw mo naman siguro pagtawanan sya ng mga tao dahil sa sinasabi nyang pagmamahal nya sayo,"

"Pero mahal po namin ang isa't isa," buong lakas ng loob ko na sabi kay Señora.

Natawa ito na para bang nagjoke ako sakanya. "Ang babata nyo pa, anong alam nyo sa pagmamahal?"

Pretty Woman ( Lesbian )Where stories live. Discover now