Chapter 11

9.3K 458 81
                                    

Sabi nga nila, kahit saan ka pa makarating ay babalik at babalik ka parin sa pinagmulan mo. At ngayong nakabalik na ako sa Probinsya namin hindi ko mapigilang makaramdam ng saya at kaba. Masaya dahil ang trabaho ko pa mismo ang gumawa ng paraan para makauwi ako kina Nanay at kaba dahil sa mga naiwang alaala.

Bumaba ako ng sasakyan at inalis ang suot kong salamin para pagmasdan ang aming bahay. Kung dati ay maliit lamang ito at gawa sa kahoy ngayon ay gawa na ito sa bato, may gate at dalawang palapag na.

"Reese?" sambit ni Tatay sa aking pangalan ng makita nya akong nakatayo sa labas ng bahay. "Ester, tara dali at dumating ang anak mong si Reese," sigaw ni Tatay sa loob ng bahay at nagmamadali nitong binuksan ang gate sabay yakap sakin. "Bakit hindi mo sinabi na darating ka!"

"Biglaan lang po Tay," sagot ko na sya namang labas ni Nanay mula sa bahay. "Nanay!"

Nagulat si Nanay ng makita ako. "Jusko Anak, bakit hindi ka man lang nagpasabi na darating ka,"

Inakbayan ko sina Nanay at Tatay. "Yung totoo po, dito po ako ngayon nakadestino para pangunahan ang paggawa ng Hospital na ipapatayo ni Governor,"

"Aba mabuti yan, at least makakasama ka namin ng matagal ng Nanay mo," masayang sabi ni Tatay.

"Kumain ka na ba? Tara at kumain," aya ni Nanay at pumasok na kami sa loob ng bahay. Kung sa labas ay napakalaki ng pinagbago ng bahay namin lalo na ang loob. Moderno ang pagkakagawa, malaki ang espayo at kumpleto ang gamit. Nakita ko ang pinaghirapan naming magkakapatid. "Kailan nyo uumpisahan ang paggawa ng Hospita?"

"Bukas na bukas din po, kailangan lang namin kausapin si Governor para pagusapan ang mga plano," sagot ko. Naupo ako at hinainan ako ng pagkain ni Nanay. Sa totoo lang kanina pa ako gutom na gutom. Lalong nagalit ang tiyan ko ng aking makita ang paborito ko na adobo at laing. "Bukas parin po ang dating ng mga kasama ko sa trabaho nauna lang ako dito para makita kayo,"

Umupo si Tatay sa aking tabi. "Sobrang saya namin at sa wakas pagkatapos ng mahigit siyam na taon e nakauwi ka na rin dito satin,"

"Ang laki ng pinagbago ng bayan natin, muntik na akong maligaw kung hindi pa ako nagtanong tanong," naiiling na pagtatapat ko. Sa dami ng nadagdag ng mga gusali at mga bahay hindi ko na makilala ang bayan na aking kinalakihan.

Naupo si Nanay at sabay sabay kaming kumain. Ang dami naming  napagkwentuhan tungkol sa probinsya, kay Kuya Iñigo na nasa Europe ngayon, tungkol kay Sai na anak ni Kuya Aljun. Syempre tungkol sa mga Mercado pero hindi naman nababanggit ni Nanay si Ginger kaya sigurado ako na hindi parin ito umuwi mula sa Amerika. Baka mas nahanap nya ang kalayaan nya doon, dahil dito lagi lang syang babantayan  ni Señora.

Pagkatapos kumain ay binisita ko  ang aking kwarto. Syempre lahat bago dahil itinapon na ni Nanay ang lahat ng bagay na bahagi ng aking nakaraan. Sumilip ako sa bintana kung saan tanaw ang Hacienda Mercado. Lalo itong lumaki at naging magarbo, isa itong simbolismo ng kanilang impluwensya, kapangyarihan at pera.

Napukaw ang aking atensyon ng biglang tumunog ang cellphone ko. Si Ethan lang pala. Sinagot ko ang tawag pagkaraan ng ilang ring.

"Hello Reese? Bakit hindi mo sinabi na aalis ka at pupunta sa probinsya nyo?" agad na tanong ni Ethan.

Binuksan ko ang bintana ng aking kwarto at nilanghap ang sariwang hangin. Namiss ko talaga ito. Ibang iba ang hangin dito sa probinsya kumpara sa Maynila.

"Sa pagkakantada ko Ethan hindi Ester ang pangalan mo para ipaalam ko sayo ang lahat ng gagawin ko," pilosopo na sabi ko sakanya. "Bakit ka ba tumawag?"

Merong musika na tumutugtog mula sa kabilang linya. Baka nasa bar sya o kung saan man.

"Wala naman, excited na kasi ako makapunta sa probinsya nyo at gusto ko lang magpasalamat dahil kinuha mo ako para sa team mo kaya nakawala na ako kay Sir Bogs," masayang sabi ni Ethan. Kulang nalang ay magtatalon ito sa tuwa. Alam ko kasi kung gaano kahirap at demanding si Sir Bogs buti nalang nga at si Big boss Anton ang kumuha sakin.

Pretty Woman ( Lesbian )Where stories live. Discover now