Chapter 4

13K 440 23
                                    


Nagumpisa ang Birthday party ni Ginger nang makarating ako sa Mansion. Maraming pamilyar na mukha, may mga maimpluwensyahang tao, mayayamang pamilya at syempre simpleng mamayan katulad ko.

Kanina ko pa hinahanap si Ginger pero hindi ko sya makita. Baka abala pa sya sa dami ng kanyang bisita. Gusto ko sana personal na iabot sakanya ang regalo ko, medyo nahihiya ako dahil simple lang ito at hindi mamahalin.

"Reese? Ikaw ba yan?"

Napalingon ako sa dalawang babae na nakanganga habang nakatingin sakin. Sina Chloe at Nadia. Close friends namin sila ni Ginger, classmate at eating body rin. Kasama  silang dalawa sa 18th candles.

"Kanina ko pa kayo hinahanap," masaya kong sabi sa mga kaibigan ko. Finally, may kasama narin ako. Akala ko magisa nalang ako hanggang sa mag umpisa at matapos ang debut ni Ginger. Nahihiya narin kasi ako dahil para akong tanga na palakad lakad na pinagtitinginan ng mga mapanuring mga mata.

Lumapit si Chloe sakin at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. "Oh gosh, ikaw nga yan! Muntik ka nanaming hindi makilala. Sobrang ibang iba ka!"

Napakunot noo nalang ako. "Anong kakaiba?"

Natatawang lumapit si Nadia sa aking tabi at saka kami naglakad papunta sa isang bakanteng lamesa. "Sobrang ganda mo kasi ngayon Reese,"

"So dati panget ako? Grabe kayo sakin," nahihiyang sagot ko at saka kami naupo.

Napansin ko ang may nakapalibot na mga puti at pulang petals ng rosas sa maliit na stage, may mga metallic balloon na nagkalat sa sahig na natatakpan ng usok. "Nakita nyo na ba si Ginger?"

Kinuha ni Chloe ang baso ng tubig. "Hindi pa, baka maya maya ay bumaba narin sya dahil maguumpisa narin ang party nya," napatingin sya kay Nadia. "Sino katext mo?"

Napataas kilay si Nadia kay Chloe. "You are not my mother para tanungin kung ano ang ginagawa ko kada minuto," pagtataray nito sa kanyang katabi. Para silang aso at pusa kapag nagtatabi. "Well, I texted Ginger kaya lang hindi naman sya sumasagot,"

Biglang namatay ang ilaw at ang nagbigay liwanag ang strobe lights na umiikot sa loob ng Mansion. Lahat kami ay napatingin sa bumukas na ilaw sa tutok ng hagdan sa second floor. Napasinghap ako ng makita ko si Ginger na nakatayo sa hagdan at maingat na bumaba habang tumutunog ang piano.

Lalo syang gumanda sa kanyang blue fairytale like na gown. Tamang tama ang kanyang make up, hindi makapal hindi manipis sadyang pinalabas ang kanyang ganda samantalang ang buhok nya ay malayang sumasayaw  sa kanyang kutis porselanang balikat.

"Sya na nga talaga ang Pretty Woman," narinig ko na bulong ni Chloe habang buong paghangang pinanunuod si Ginger.

"Sinabi mo pa," buntong hininga ni Nadia. "Ang ganda na nga nya, pero mas lalo pa syang gumanda ngayon,"

Ngumiti ng matamis si Ginger sakin ng magtama ang aming paningin. Sa dami ng tao sa loob ng Mansion ay nahagilap nya parin ako. Inalalayan sya ni Mayor sa pagbaba ng hagdan at dumaretcho sa maliit na entablado.

"18th Candles please stand up," anang ng event organizer. Agad namang kaming tumayo at isa isang lumapit kay Ginger habang nakaupo sa malatronong upuan na yari sa ratan na pinalibutan ng mga petals ng rosas.

"Kinakabahan ako," bulong ni Nadia sakin dahil sya na ang susunod, samantalang ako ang pinakahuli.

Tinapik ko ang kanyang balikat. "Relax lang," at naglakad na sya papunta kay Ginger. Parang ako naman ata ang kinabahan, lalo pa at lahat ng mata ay nakatingin sakin. Nang maiabot ko ang huling kandila kay Ginger ay agad kaming pinabalik sa upuan ng event organizer. Nakita ko na medyo napasimangot si Ginger dahil hindi man lang kami nakapagusap.

Pretty Woman ( Lesbian )Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα