Chapter 6

8.6K 373 32
                                    


Ilang araw at gabi na akong naghihintay, nagungulila na muling makita si Ginger. Wala na akong balita sakanya simula ng ilayo sya sakin ni Señora ng araw na yon. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sakanya pero ipinagdarasal ko na sana ay mabuti sya.

Napudpod na ang daliri ko sa kakatext at tawag sakanya pero kahit isang letra wala akong natanggap na sagot mula kay Ginger. Sinubukan ko ring maghintay sa Crisna, nagbabaka sakaling makita sya pero kahit ni anino nya ay wala.

"Reese Anak," tawag ni Nanay sa labas ng kwarto ko. "Nandito sina Nadia at Chloe,"

Pero tila wala akong naririnig. Nakatingin lang ako sa taas at hinihintay maging kulay puti ang rosas na kisame.

Narinig ko na bumukas ang pintuan pero hindi ko ito nilingon. Wala naman kasi akong ganang makipagkwentuhan kahit kanino.

"Hoy Reese!" tapik ni Nadia sa balikat ko. Naupo sila sa kama. "Text kami ng text sayo pero wala kang paramdam,"

Huminga ako ng malalim bago humarap sa mga kaibigan ko.

"Oh gosh Reese. Anong nangyari sayo? Bakit ka nagkaganyan?" titig na titig si Chloe sa mukha ko. "Kailan ka pa huling naligo?"

"Bakit kayo nagpunta dito?" walang gana ko na tanong sakanila.

Inayos ni Nadia ang suot nyang salamin sa mata. "Kasi nga nagaalala kami sayo," hinawi nya ang aking buhok para makita ang aking mata. "Anong problema?"

Umiling lang ako at nahiga ulit. Humarap ako sa pader kung saan may bintana at nakikita ko ang langit. Buti pa ang mga ibon malayang lumilipad, wala silang problema.

"Isa din pala sa dahilan kung bakit kami nagpunta dito para ipaalam sayo yung balita na nasagap ko," naramdaman ko na may tumayo. Gumapang si Chloe sa kabilang bahagi ng kama kung saan ako nakaharap. "Si Ginger,"

Biglang sumikip ang dibdib ko ng marinig ko ang pangalan ni Ginger. Para itong asukal nasusunog sa aking dila na magiging mapait ang lasa.

"Magaaral na si Ginger sa Amerika!" malungkot na balita sakin ni Chloe.

Bigla akong napabangon. Hindi pwede ito. Hindi pa ba sapat na pinaglayo kaming dalawa at ngayon ay mas lalayo pa sya sakin, hindi ko na sya makikita.

"Saan mo nabalitaan yan?" bulol na tanong ko. Sobrang bilis ng tibok ng pusp ko..

"Yung body guard ni Señora ay boyfriend ng pinsan ko. Nasabi nga nito na ipapadala si Ginger sa Amerika para doon na magaral ng College," paliwanag ni Nadia.

"Hindi pwede," naluha ang aking mata. Para akong pinagtakluban ng langit at lupa sa mga narinig ko. Anong gagawin ko? Pero may magagawa nga ba ako? "Kelan sya aalis?"

Napatingin si Nadia sa cellphone nya para tignan ang oras. "Mamayang Alas dos ng tanghali ang flight nya pero aalis sila dito sa bayan natin
ngayong Alas diyes ng umaga,"  Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa pader ng aking kwarto, menus bente bago mag Alas diyes na.

Agad akong tumayo at lumabas ng aking kwarto. Wala na akong pakialam kung ano ang itsura ko basta ang mahalaga nakita ko si Ginger kahit anong mangyari.

"Reese saan ka pupunta?" natatarantang tanong ni Nadia at Chloe.

Napatayo si Nanay at lumapit sakin. Nababasa ko sa kanyang mukha na alam nya na ipapadala si Ginger sa Amerika pero wala syang sinabi sakin. Gayunpaman hindi ko kayang magalit sakanya. Pamilya ko sya at alam ko na sya at sya lang din ang magiging kakampi ko.

Tumakbo ako palabas ng bahay. Halos madapa ako sa mabatong daanan pero wala akong pakialam. Takbo parin ako ng takbo kahit na wala akong makita dahil nahihilam ang aking mukha sa luha.

Pretty Woman ( Lesbian )Where stories live. Discover now