"Ha? hindi kita magets, ano ba kasing pinagtalunan niyo?" nakakahiya man pero.. "kiss sa cheeks" ayan! inamin ko na tuloy. "Ha-ha-ha-ha, ang babaw naman. kiss sa cheeks nagkaganyan ka? nagkaganyan kayo?" tumawa na naman siya na parang si Kris Aquino.

 

"You know what, hindi naman kasi yung kiss yung problema eh. Ganito, kunware nasa sitwasyon ka na mahal mo na si Eric then out of nowhere you'll hear him saying to other people na 'hinding hindi siya mahuhulog sa'yo tulad ng napag-usapan nila ng friends niya'" pagdidiin ko sa kanya.

"Alam mo yun, yung parang malalaman mo na he's trying to get all your emotions for him not because he's feeling the same way for you but because there's something na parang bet or may napag-usapan sila nung kausap niya?" nakita kong napataas yung kilay niya base sa mga sinabi ko. Anong meaning non? hindi siya convinced sa situation na binigay ko? hindi siya naniniwala na pwedeng mangyari yung ganun?

"So what are you pointing out? you mean, Gabriel is only playing things with you and he's not serious in every bit of his action towards you?" I nodded. Di ba ganun naman talaga? hindi naman ako bingi e, rinig na rinig ko yung sinabi niya nun sa kausap niya.

"Anong ebidensya mo para magconclude ng ganyan? Ang pagkakaalam ko, sa teleserye lang karaniwan nangyayari yung mga ganyang eksena eh" ewan ko ba, pero parang hindi kumbinsido si Monic sa mga kinukwento ko sa kanya. Naiinis ako dahil parang pinagtatawanan niya pa yung nangyari sa akin.

"Kanina, I heard him. Remember when we separated ways after kong magbihis? I went to the parking lot and I saw him talking again to someone over his cellphone. take note, AGAIN"

"and?" nabibitin niyang tanong. "and napansin ko na everytime he's talking to someone over his phone kailangan niya pa talaga lumayo sa akin"

"so what? e kabastusan naman di ba kung sa harap mo niya sasagutin yung tawag? normal naman yun ah?" sabi na eh! pero.. grabe na to, sino ba kaibigan ni Monic? bakit mukhang kay Gabriel pa siya kumakampi?

"Well, girl okay, may kausap siya phone, lalayo siya sa akin pag may tumatawag sa kanya, given na yun pero girl, the way nung paglayo niya sa akin parang he's having a secret na may kinalaman sa akin at ayaw niyang matuklasan ko. And one time I remember, he's talking to someone and when he saw me going near him, bigla na lang niyang binababa yung phone niya. Hindi ba kahina-hinala yun?"

"Okay, Dennise sa'yo na nanggaling, sabi mo hinala palang, so where's the evidence nga?" pangungulit niya sa'kin. "fudge! girl, I just told you I heard him.." medyo naguguluhan na yung mukha ni Monic, napataas yung kilay niya, actually, nagsalubong na ang kilay niya.

"Yeah, I know you heard him, pero wala kang sinabi kung ano yung narinig mo sa kanya that's why hindi ko maintindihan yung totoong nangyayari sa inyo. Ang gulo girl!"

"ay! sorry naman, kasi ganito. dumating ako sa parking lot na nakatalikod siya and may kausap siya sa phone, then I heard him.."

"Heard him, what?" nabibitin na tanong ni Monic na may tonong naiinis

 

"Hindi man eto yung exact pero sinabi niya, hindi ko nga siya mahal, hinding hindi ako mahuhulog kay Pangilinan. then, marunong daw siyang tumupad sa usapan basta ganun. Hearing Pangilinan, syempre ako na yun di ba?" out of nowhere, gustong pumatak ng luha sa mata ko habang nakatingin sa daan na tinatahak ng kotse na sinasakyan namin, ang sakit kasi nung pagkakarinig ko nung mga salitang 'yun na nanggaling mismo sa bibig niya at seryoso pa siya nun. Ang unfair sa part ko e.

My Personal "BODY" Guard by spunchbobWhere stories live. Discover now