"Ayan! Kainin mo yan Ella." Sabi ni Mommy. Inilapag niya sa harapan ko ang breakfast ko.

"Pagkain ba yan ng Magaganda? Oh-my Pignesh!"

"Mommy, kasing dami naman yan ng Kinakain ng aso kong si Mimong." Reklamo ko. Ikaw ba naman bigyan ng brown rice tapos half rice and one slice of ham, One banana and Lemon juice.

"Tama lang yan Ella. Para makapagdiet ka." Sagot ni Mommy.

"Hindi ko pinangarap na maging beauty Queen na katulad mo. I love my self. Kaya please! Mommy wag niyo akong gutumin." Mangiyak-ngiyak kong sabi.

Nagcros-arm si Mommy at taas kilay siyang. "Sa ayaw at gusto mo hindi ka makakain ng marami!"

Pabulong-bulong ako habang kumakain. Ang sama ng loob ko dahil ginugutom ako ni Mommy at Daddy. Akala ko pa naman mahal nila ako. Gusto kong magprotesta at ipaglaban ang karapatan ko. Pero kung gagawin ko iyon pati allowance ko mawala pa. Kaya naman malungkot akong tinapos ang pagtikim ng pagkain ng almusal. Tikim lang ang tawag ko sa kinain ko dahil hindi umabot sa tummy ko hanggang leeg lang.

"Mommy and Daddy papasok na po ako." Paalam ko sa kanila.

"Sige, Oo nga pala Ella, Yung Puting kotse ang gagamitin ni manong David. Gagamitin ko ang pulang kotse." Sabi ni Mommy.

"No way!" sigaw ko.
Nagkatinginan si Mommy at Daddy.

"Lagot na!"

"Bakit naman Ella?" Tinitigan pa ako ni Mommy ng deretso. Gusto niyang basahin ang nasa isip ko. Kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"Dahil dooon nakatago ang mga pagkain ko."

"E-eh, kasi po Mommy, may bago akong kaibigan at wala silang kotse. Kaya naisip kong isabay siya sa pagpasok sa school. Ang alam kasi niya kulay pula ang kotse na palaging dala ko." Alibay ko.

"Tawagan mo siya." Sagot ni Mommy.

"Wala po siyang Cellphone." Napangiwi ako sa alibay ko. "Nag-aaral sa private school walang cellphone. Sana maniwala si Mommy. Please!"

Pinagmasdan ako nilang dalawa ako naman nakipagtitigan sa kanila upang malaman nilang nagsasabi ako ng totoo kapag umiwas kasi ako ng tingin sa kanila mabubuking nila ako.

"Okay sige. 'Yung puting kotse na lang ang gagamitin ko. Sige na puntahan mo na si Mang David at pumasok ka na."

"Hindi po kayo pupunta sa school?" tanong ko sa kanila.

"May ibang business meeting kaming pupuntahan." Sagot ni Daddy.

"Yes! alleluyah!" sigaw ko sa sobrang tuwa. Naitaas ko pa ang kamay ko sa kaligayahan. Wala kasing magbabantay sa pagkain ko kaya masaya ako. Huli na para bawiin ko ang saya ko dahil salubong na ang kilay nilang dalawa.

"Nandoon ang Kuya Calixto mo. Magtuturo siya doon." Sabad ni Daddy.

Sumimangot ako. Akala ko malaya na ako nadoon pala ang half brother kong si Kuya Calixto. Anak siya ni Daddy sa pagkabinata niya. Kaya anim na tao ang agwat niya sa'kin. Isa siyang chef at propessor sa school namin. At dahil culinary arts ang kinuha ko. Nagiging professor ko siya. Bihira lang siyang pumunta dito dahil palagi siyang busy sa business niyang bagong tayong restaurant. Kaya madalas sa condo unit siya palagi tumutuloy. "Talagang ayaw niyo akong maging masaya Mommy at Daddy!"

"Gusto lang namin mabawasan ang timbang mo." Sagot ni Daddy.

"Aalis na po ako. Bye!" lugo-lugo akong lumabas ng bahay. Agad kong hinanap si Mang David upang makaalis na.

"Ma'am may bag po sa loob." Sagot ng driver naming si Mang David.

"Sshh! Wag kang maingay mang David please! Sa'kin po iyan."

MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Where stories live. Discover now