I take a step back, "Chill, dude. Hindi ako bibili ng yelo."

Sinamaan niya ako ng tingin pero bigla niyang tinulak ang noo ko at pinapasok ako sa kwarto niya.

"Punyemas, anong klaseng buhay 'to pare, boring!"

Nakita ko kasing busy siya sa pag-e-edit ng pictures.

"Tanga, kumikitang kabuhayan tawag diyan." Humarap siyang muli sa desktop at nagpatuloy sa ginagawa niya.

Pabagsak akong nahiga sa kama niya. "Tara bakasyon tayo."

"Saan?" tanong niya na hindi man lang ako tinitignan.

"Sa'n ba maganda?" Nag-isip pa ako muna ng kaunti, "Sa Batangas kaya?"

"Kailan?" tanong niya na focus pa rin sa ginagawa niya. Ganda kausap nitong isang 'to ah.

"Sino-sino tayo?"

"Ikaw, ako... ah si Casimir malamang sasama 'yon kasi aayain ni Des si Alex eh." Medyo wala na rin naman 'yung pagkainis ko kay Casimir eh. Wala naman akong magagawa kung likas na siyang gago. Bahala na si Belle. Basta ako, balik sa normal na buhay. Walang babae na pino-problema.

"Kasama si Des?" bigla siyang humarap sa akin. Ay buti naman alam niyang andito 'yung kausap niya.

"Oo, bakit, ayaw mo?"

"Ah... hindi. Kailan ba 'yan para maayos ko schedule ko."

Napaupo naman ako bigla, "Angas, schedule, artista?"

"Gago!" binato niya ako ng lapis na nasa computer table niya.

At tinawagan namin si Casimir at himala pumayag siya na hindi man lang nagdadalawang-isip. Eh kasi sabi namin sasama si Alex kahit hindi pa namin nako-confirm kung sasama nga talaga girlfriend niya.

Tinawagan ko na rin si Des kung nagawa ba niya at sabi niya pag-iisipan pa raw ni Alex tapos ang nakakainis lang pati si Belle inaya niya!! Alam naman niyang iniiwasan ko 'yung babaeng 'yon eh!

The DestroyerWhere stories live. Discover now