Niligpit ko na ang mga gamit ko at lumabas na ako ng classroom ni Prof Lona. I started to walk when someone approached me. Kaklase ko yata?

"Hi! Ikaw 'yung babaeng nagtatanong kanina kay Prof Lona, diba?" Nakangiting sabi niya. Nakasuot siya ng thick-rimmed eyeglasses. Mukhang siya 'yung kaklase kong nasa pinaka-unahan talaga at tahimik siya palagikaya hindi ko siya napapansin masyado.

"Uhh, yeah, ako 'yun. Bakit?"

"Ang lakas-lakas ng loob mo! Dahil 'don, idol na kita!" Sabi niya na ikinagulat ko.

"Nagtanong lang naman ako. It's no big deal."

"Kasi ako, hindi ako pala-tanong kasi natatakot ako. Tapos ikaw? Ang confident mo!"

"Umm... okay? Thank you, I guess." Sabi ko na lang. Ang weird naman nitong babae. Hindi naman kasi talaga big deal 'yun. I just asked.

"By the way ako pala si Reena Atrevala. Nice to meet you." Nakangiti niyang sabi at nag-angat pa siya ng kamay.

"Nice to meet you, Reena," Sabi ko at inabot ang aking kamay at nakipag-hand shake sa kanya. "I better get going."

"May next class ka pa?"

"Oo eh. Ayaw kong ma-late." Sagot ko.

"Ano bang next class mo?"

"Calculus kay Leonsio," Sagot ko na ikinagulat niya.

"Omg, magkaklase tayo!" Hagikhik niya. "Sabay na tayo... uhh, ano nga 'yung first name mo?"

"Zaya,"

"Sabay na tayo, Zaya. Tutal naman diba, magkaklase tayo." Sabi niya at wala na akong nagawa pa kundi ang sumang-ayon since I don't want to be rude kung tatanggi ako.

Nang makapasok na kami sa room ni Prof Leonsio, hinablot niya ang braso ko at dinala niya ako sa dalawang bakanteng upuan sa unahan.

"Dito tayo, Zaya."

Shit, I don't want to sit in the front! "No, I won't sit here. Sa likod ako."

"Occupied na riyan mamaya. Dito ka na lang sa tabi ko." Sabi niya pa. Totoo nga. Nagsidatingan na ang mga kaklase namin at umupo na sa likuran. Wala na akong choice kundi umupo na lang dito sa unahan.

Habang nagle-lecture si Prof, si Reena ay sagot ng sagot. Matalino pala siya. Kaya pala confident siya at sa unahan siya umuupo palagi dahil prepared na prepared siya sa mga tanong. Siya naman pala ang mas confident saming dalawa. And I think ang isa pang dahilankung bakit siya sa unahan umuupo dahil siguro kahit may eyeglasses siya, hindi pa rin siya makakita ng maayos.

*****

Natapos na ang mind-wrecking na pagle-lecture ni Prof Leonsio at lumabas na kaming mga estudyante mula sa classroom niya. Salamat naman at isang klase na lang ang papasukan ko ngayong araw!

"Ano next subject mo?" Nabigla ako kay Reena.

"Research kay Mrs. Magallanes,"

"Ay sayang, hindi tayo magkaklase. English sakin eh." Ngumuso siya.

"Sige, alis na 'ko." I said with a smile.

"Sige, bye!" Nakangiti niya ring tugon. Umalis na ako at dumiretso na sa last period class ko.

Kaya mo 'to, Zaya. Bukas, vacant ang first period class mo. Agad kong naalala si Julia. Siya 'yung nag-inform sa akin na wala akong klase sa first period class bukas. I wonder, kumusta na kaya siya? Sana okay lang siya at sana bumalik na siya sa dorm.

Death UniversityWhere stories live. Discover now