Ngayon ay mas lalo siyang kinabahan. Tahimik na ipinalangin na wala sanang ibang nangyayari sa loob---- kasama ang ex-girlfriend kuno nito.

"Ako na ang bahala Luna." Aniya dito at tumalikod na.

Naglakad na siya papasok nang opisina ni Arthur. Paulit-ulit na sinasambit sa isip na sana ay mali ang iniisip niya.

Dumadagundong ang dibdib niya nang pihitin ang seradura nang private office nito. Nagpasalamat na bukas naman iyon pero parang gusto niyang himatayin sa tagpong naabutan.

Hindi lang isa kundi dalawang babae ang kasama ni Arthur sa loob. Nakakandong ang isa at nakahilig sa dibdib nito ang isa.

Nagkalat din ang mga pinagkainan at botelya nang alak sa lamesa doon. Para bang hindi iyon opisina.

Nagtatawanan pa ito na mas lalong ikinalito niya. Ano bang nangyayari dito? Hindi na niya napigilang magsalita.

"A-Arthur?! Anong ibig sabihin nito?!" May kalakip na galit sa boses niya.

Nang tumingin ito sa gawi niya ay hindi man lang ito nagulat bagkus ay hinapit pa nito ang katawan nang babaeng nakakandong dito palapit dito.

"Oh shweetheart nan-dyan kana pala! Come join us! We're having a party!" Halatang lasing na ito dahil sa hindi tuwid na pagsasalita.

Namumula na din ang mukha nito. Marahil ay marami na itong nainom. Pati ang mga kasama nito ay ganoon na din. Ni hindi na makaupo nang maayos at nakasandig nalang sa asawa niya.

Akmang susugurin niya ang mga babaeng iyon nang hapitin nito ang mukha nang babae at halikan ni Arthur ang labi nang nakakandong dito na ginantihan naman nang mas mapusok nang babae. Hindi na niya napansin ang pagkagulat sa mukha nang kayakap ni Arthur.

Napasinghap siya sa nasaksihan at parang may kutsilyong tumusok sa dibdib niya. Literal na sumakit at nanikip ang dibdib niya sa nakikitang paghahalikan nang mga ito.

Bigala siyang pumihit patalikod at nagmamadaling lumabas para hindi nito makita ang mga luhang masaganang namalisbis sa mukha niya. Walang pakialam na malakas na isinara ang pinto doon at nagtatatakbo palayo sa lugar na iyon.

Wala na siyang dahilan para magtagal pa doon. Sapat na ang mga nasaksihan niya para itigil ang kahibangan niya dito. Dilat ang mga mata niya pero hindi niya nakikitang kailanman ay hindi siya mamahalin ni Arthur. Pinakasalan lang siya nito dahil sa anak nila at wala nang ibang dahilan pa.

Nagmamadaling tinakbo niya ang elevator at hindi man lang nilingon ang tumatawag na si Luna.

Bumuhos ang masaganang luha sa kanyang mga mata nang maisip ang hitsura nang mga babaeng kalumpungan ni Arthur. Halata ang kalagayan nang mga babaeng iyon at hindi kung sino-sino lang na nadampot ni Arthur sa kung saan. Napakaganda nang mga ito at halatang galing sa mayayamang pamilya at wala siyang panama doon.

Bakit ba umasa pa siyang baka natutuhan na din siyang mahilin ni Arthur dahil sa mga ginawa nito sa kanya. Sa pagpapaligaya at pagtatanggol nito sa kanya. Ipinaramdam nito sa kanya na mahal siya nito--- O baka iyon lang ang naiisip niya dahil gusto niyang maramdaman na mahal siya ni Arthur.

Kaya ba nitong mga huling araw ay ito na ang sumusuko sa pagniniig nila dahil nagsawa na ito sa kanya? Pinagtakahan niya ang kilos na iyon ni Arthur pero ngayon ay alam na niya kung bakit nanlalamig ang asawa sa kanya. Pinagsawaan na siya nito at ibang babae na naman ang pinagkakaabalahan nito.

Pagkalabas ay diretso na niyang tinungo ang parking lot kung saan naroon ang sasakyan ni Arthur. Agad niyang binuhay ang makina niyon at iminaniobra palabas nang gusali.

Habang nasa daan ay umiiyak pa rin siya sa sakit nang dibdib niya. Hindi niya makalma ang sarili kahit anong gawin niyang pagpipigil ay naiiyak pa din siya.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now