"Sorry naman teh. E pano na ngayon yan?" -Eunice

"Sus, okay lang yan. Andito ka pa naman nkatira sa tita mu e." -hya

"Yun na nga e. Aalis na nga pala si tita next month. Kukunin na siya nung asawa nyang 'Kano. Ibebenta pa 'tong bahay. Buti pa nga siya e, di na mamomroblema. Haay, ako na lang mag-isa. May bahay nga ako, may iba namang nakatira." T.T

"Teka Ces, baka naman mali ung address nung bahay? Nasubukan mo na bang bumalik dun sa agency?" -Hya

"Nako, wag mo sabihing naloko ka? WAAAA!" -Eunice

"Eee! Wag naman kayong ganyan.. Pwede nyo ba ko samahan bukas dun sa agency? Magrereklamo 'ko."

"Osige sige. "

Evo’s POV

“Hi Babe.” Sabi ko sa babaeng katabi ko na hindi ko man lang alam ang pangalan. Ayos no? (^^)

”Hello, Babe. So, saan tayo after nito?“ sagot naman niya.

This is my routine. After school, punta sa bar with my tropa. Kaligayahan namin ang mga babae. Obvious naman diba? Kaya nga madalas kami sa bar,eh. Oops. Nakalimutan ko yata magpakilala. Ako si EVO, nabanggit na nga pala na POV ko to diba?  . Gwapo ako ^^ at wala kayong pake kung out of the blue ko sinabi iyan sa inyo. Dahil para sakin, mahalagang malaman niyo iyan readers!

(A/N: wooohhh... ang hangin! :P)

Leshe! Huwag ka nga sumingit author!

O sige, itutuloy ko na. Hm, pwede niyo na nga rin pala kalimutan na lang yung pangalan ko, just call me EVO and I’ll be there right away. Basta, make sure maganda at hot ka and I’ll make you happy. 

Teka, linawin ko lang din you I’ll make you happy na ‘yan. FYI, virgin pa din naman ako. Plano ko kasi, ang bagay na iyon ay ibibigay ko lang sa taong mahal ko at syempre, dapat lang na mahal din ako ng taong iyon. Actually, naiinip na nga ako, eh. Hanggang ngayon ba naman eh di pa siya dumadating.

(A/.N: Sows. Baka naman ako lang yang hinihintay mo? (*u*) )

Huwag niyo na lang pansinin yang makulit na author na iyan. Sadyang hirap lang iyan mag-isip kung ano ang ittype.

Basta, Hm Naiinip lang ako kaya siguro nagpaka-playboy na lang ako. Isa din akong Cassanova sabi nila. First year pa lang ako pero sikat na ako sa School. Cool, right?

“Hi, Sweetie.” Hm.. sabi iyan ni Justin. Justin Anderson is the name. Familiar ba? Well, kung nabasa niyo yung I’M OFFICIALLY YOURS na sinulat ni Eunice under LOVE OUR BLOG POST, kilala niyo na siya. Siya lang naman yung lalaki dun na pinaraya ang babaeng mahal niya. Saklap no? Nahanap na nga niya yung mahal niya, pinakawalan pa. Psh, kung ako yun di ko na pakakawalan pa ang babaeng mahal ko. Pero kung sabagay, eh hindi naman na kasi siya mahal nung babae.

Hoy, Author. Masaya ka na? Nai-plug ko isang story mo. Kaya puwede, quiet na please?

(A/N: Aye! Aye! Kamsahmnida! Quiet na ko ^_____^V )

Naging playboy na rin yan simula ng mag-college siya at napasama sa tropa. 

“Oh.. Hi there, Sweetie.” Sabi ni Babe. 

“Hoy, Justin, Akin to. Maghanap ka ng iba mo dun.” Sabay turo ko sa mga nagsasayawang babae.

Hinawakan ko na lang ang kamay ni Babe, pagkatapos ay kinaladkad ito palabas ng bar. 

“Teka, wag mo naman ako kaladkadin, babe. Sasama naman ako sa’yo, eh.” Sabi niya sa malanding boses. 

Bigla kong napatitig sa kanya. May kamukha siya. Kamukha niya yung....

First love ko. 

Oo, may first love ako pero wala na siya at wala na kong balak hanapin o intayin pa siya. One-sided nga lang ito, eh. Alam ko namang hindi ako mahal nun. Dahil kung mahal niya ko, hindi niya ko magagawang iwan. Okay! Tama na Senti! Mukhang e-enjoy-in ko muna company nitong si Babe. 

“Sorry, babe.” Sabi ko na lang, Isinakay ko na siya sa kotse ko at sa bahay ko na lang siya iuuwi. 

--- Sa bahay 

Ces’ POV

Nakapunta na ko sa naturang agency pero wala kong nadatnan na tao, dun sa opisina. Ang weird nga, eh. Pagpunta ko dun may binigay lang sakin na letter yung guard. Ang sabi ni manong, iyan daw ang magpapatunay na sa akin yung bahay. Pero wag na wag ko daw bubuksan yung letter na iyon. Ibigay ko lang daw dun sa lalaking sinasabi kong andun din sa bahay. 

Mmmm.. nakapagtataka…………………………………………

Umuwi na rin ako sa bahay ni Auntie. Ang sabi niya, magbalot-balot na din ako. parang pinapalayas na nga ko,eh. Dadating daw kasi yung asawa niyang foreigner at dun muna titira tapos aalis na din naman daw sila .. sa States na titira. Eh, yun ayaw naman niyang malaman nung foreigner na may inaalagaan pala siyang bata. Teka.. Di na ko bata nu ! :/ 

At yung bahay, gaya ng sabi ko kanina.. yon .. binenta na. So, no choice ako. Nagbalot na ko tapos plano ko na din doon na nga sa bahay na napanalunan ko tumira. 

Ang sabi naman ni Manong guard, eh. Magtiwala daw ako, dahil once na nabasa ni dazzling creature yung letter, papatirahin na daw talaga ko dun sa bahay. 

Hay.. Sana nga.

So, andito na ko. Papasok na ko sa bahay \(*v*)/ . Kumatok naman ako, eh. Pero wala naman nasagot, so pumasok na ko. 

Sa pagpasok ko.. O___________O nakita ko si dazzling creature! At.. at…

May kahalikan na babae!! >_____< shemmmmmmy! Ano’ng gagawin ko????

FOUR CORNERS OF LOVE by Princes & EuniceWhere stories live. Discover now