29: Mira

232K 3.5K 133
                                    

"Come on, Mira. You have to try this!" pamimilit sa akin ni Alexia.

"Yeah, I think it suits you. You should always wear pink. It highlights your fair complexion," linya naman ni Hannah.

"Ang ganda mo talaga, Mira. Kaya ka type ni Doc Vince, eh," sabat naman ni Mavi na may kasamang kinikilig na ekspresyon. Hindi naman siya gaanong fan ng Mira-Vince loveteam, 'no?

I never knew na ganito pala kakukulit ang mga kaibigan ko. Yup, we are officially a group — me, Hannah, Mavi, and Alexia. Kaming tatlo nina Mavi at Hannah ang Powerpuff Girls. Tapos, si Alexia naman ang Powerpuff Gay. That made us the PPGNG — Powerpuff Girls 'N Gay. Or at least, that's what Alexia said.

Kasalukuyan kaming nasa isang boutique, at pinipilit ako ng tatlo na bilhin ang isang pink casual dress na sabay-sabay naming nai-spot-an habang nagwi-window shopping. It's the end of the month, which meant we just got our salary. Kaya heto, nagkayayaan kaming magpalipas ng oras sa isang mall na 'di kalayuan sa Medialink. Ang ending, nalilito ako kung bibilhin ko ba o hindi ang dress na ipinipilit nila sa akin.

"Sige, kukunin ko 'to, pero kayo ang magbayad ha? Tingnan niyo naman ang presyo — pwede nang ipambili ng bente pirasong mga damit sa Divisoria."

"Napakakuripot mo naman, Mira!" Hannah rolled her eyes. "Ikumpara ba naman 'yan sa mga damit na nabibili sa Divisoria? Hello, this is an investment! It's made of quality material! And besides, you look like a little princess while wearing it. Kaya kunin mo na, friend."

Little princess? Tuktukan ko kaya itong si Hannah?

"Naku, ayoko. Tara na nga, kumain na lang tayo at manood ng sine," pagyaya ko sa kanila.

Pero imbes na sang-ayunan ako ay kinaladkad ako ni Alexia papunta sa fitting room, bitbit ang dress. At habang nasa loob ako ng masikip na cubicle, pinilit ako ng bruha na isuot ito dahil kung hindi, never na raw akong makakalabas sa boutique na ito.

May choice pa ba ako? Ikaw ba naman ang pagbantaan ng isang warfreak na bakla.

Nang maisuot ko na ang dress ay kinatok ko ang pinto at sinabi kay Alexia na suot-suot ko na ang pinagpipilitan nila sa aking damit.

"Sigurado ka ba, Mirathea? Baka naman niloloko mo lang ako, ha? Sasabunutan kita riyan!" muling pagbabanta ni Baklita.

"Hindi kita niloloko! Palabasin mo na ako rito dahil hindi na ako makahinga. Napakasikip ng fitting room na 'to."

Sa wakas ay pinayagan na akong lumabas ni Alexia, at mukha namang naka-spot ng gwapong lalaki ang bruha nang makita niya ako.

"Masaya ka na? Pwede na ulit hubarin?" nakasimangot na tanong ko sa kanya.

Nang hindi siya kumibo ay muli akong nagsalita. "Hoy, Alessandro Pinpin! Alam ko namang maganda ako pero please lang, 'wag mo akong titigan nang ganyan dahil kinikilabutan ako. Parang nagiging lalaki ka na ulit nang dahil sa akin."

Sa sinabi kong iyon ay natauhan si Alexia. "Gaga! Naiinggit lang ako dahil napakaganda ng fit ng dress na 'yan sa'yo. Kung ako sa'yo, araw-araw ko na 'yang isusuot para lagi akong magmukhang tao."

Aba, at nilait pa ako?

"Ipakita mo na do'n sa dalawang bruha, dali!" utos ni Alexia.

"Ano ba 'yan... Hindi pa ba okay na ikaw lang ang nakakita? Tsaka hindi ko naman talaga bibilhin ito, 'no? Pinagbigyan lang kita para makaalis na tayo rito. Tara nang kumain dahil gutom na gutom na ako!"

"'Wag kang KJ!" Muli akong kinaladkad ni Baklita, ngayon naman ay pabalik sa kinaroroonan nina Mavi at Hannah.

Napapalakpak naman ang dalawa naming kaibigan nang makita nila ako.

"That's what I'm trying to tell you, Mira! You and that dress — a perfect combination!" Hannah said approvingly.

"True! May isusuot ka na kapag niyaya ka ni Doc Vince na mag-date, Mira," kinikilig muling sabi ni Mavi.

"Bilhin mo na kasi, girl!" Kinurot ni Alexia ang tagiliran ko. "'Wag nang mag-inarte, please? Akala mo naman, hindi pang-department head ang sweldo mo!"

Bibilhin ko ba? O hindi?

Habang nag-iisip kung papatulan ko ba ang pamimilit ng mga kaibigan ko ay napatingin ako sa entrance ng boutique, hindi kalayuan sa kinatatayuan naming apat ngayon. At labis ko namang pinagsisihan ang paggala ko ng paningin, dahil nakita ko lang naman ang boss namin na noon ay nakatitig sa akin na animo'y sinisipat ang buong pagkatao ko.

Sir Vren was carrying a black shopping bag on one hand, from a men's apparel brand which I happened to know, only because it was famous for its outrageously high prices. With a smirk, he entered the boutique.

Gulat namang sinundan siya ng tingin nina Mavi, Hannah, at Alexia.

"You look good, Ms. Custodio," he said. "Are you planning to buy that dress?"

Did Sir Vren actually compliment me?

Umiling naman ako nang maka-get-over ako sa sinabi niya. "Sinukat ko lang, sir. Kinukulit po kasi ako nitong mga kaibigan ko. Pero hindi makatarungan ang presyo, kaya, no thanks."

He sniggered. "You're a penny-pincher, I see. Shame — you actually look human with that dress on."

I glared at him. Si Alexia naman, tatawa-tawang siniko ako. "Told you, mukha kang tao. Boss na mismo natin ang nagsabi," bulong ni Baklita sa akin.

"Anyway. It was nice bumping into you." Mukhang good mood ang loko ngayong gabi, kaya binigyan niya kaming magkakaibigan ng tipid na ngiti. "See you tomorrow at work."

Tumalikod na si Mr. Montevilla para lumabas ng boutique. Kami namang magkakaibigan, muling nag-mini huddle para pagtalunan kung bibilhin ko ba o hindi ang suot kong damit.

Natigil lang ang pagtatalo namin nang lapitan kami ng isang nakangiting sales lady. "Ma'am, bayad na po ang dress na suot mo. Pakidala na lang po sa counter mamaya, para mailagay namin sa shopping bag. Meron pa po ba kayong gustong i-fit?"

"Sorry?" I gave her a befuddled look. "Bayad na kamo 'tong dress na 'to? May nagbayad para sa akin?"

Tumango naman ang sales lady. "Yes, ma'am. Binayaran na po no'ng gwapong lalaki na kumausap sa inyo kanina." She giggled. "Boyfriend mo po ba 'yon, ma'am? Ang swerte mo po."

"Ay, hindi!" kaagad kong pagtanggi. "Sige, salamat. Dadalhin ko na lang itong dress sa counter."

When the sales lady left us, our group exchanged confused and surprised looks. Or, rather, ako lang ang mukhang gulat, habang mapang-intriga naman ang tingin na ibinigay sa akin nina Mavi, Alexia, at Hannah.

"OMG, girl!" Hinampas ako ni Hannah. "Nilibre ka ni Sir Vren ng expensive dress! What could that possibly mean?"

"Aba, malay ko." Nag-iwas ako ng tingin dahil ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. "Sadya lang sigurong walang mapaglagyan ng pera ang lalaking 'yon."

"'Yon lang ba talaga?" nakataas ang kilay na linya ni Alexia. "Akala ko ba, Mirathea, si Doc Vince ang interesado sa'yo?"

"'Wag kayong mag-assume ng kung anu-ano riyan," pagtataray ko. "Hintayin niyo na lang ako rito dahil magpapalit na ako ng damit. Tapos, kumain na tayo. Baka kung sinong maligno na naman ang ma-meet natin dito."

"As long as nanlilibre ng dress ang maligno, I'm game," sabi ni Hannah na may kalakip na nakakalokong ngiti. "Iba talaga ang beauty mo, Mira."

I rolled my eyes lightheartedly at the teasing. But deep inside, I was still in shock.

'Yong paglibre sa akin ni Sir Vren ng dress — was that really necessary?

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon