STHQ #32: Arrival

2.4K 68 77
                                    

Dedicated to: ROXASNOLOS thanks bhe for being their! STHQ's Fulltime commenter! Mamats! Haha :)

Dedicated to: faithroxasmagahis hi faith! She's a Certified abangers daw ng STHQ :)

She's The Heartless Queen
#32: Arrival

- Szarielle Nathalie Marie Lee -

Nakita kong nanlaki ang mata ni Stacey nang makita niya ang nilapag ni Satana sa table. Nagulat rin ako dahil hindi ko inaasahan na makaka-kuha siya ng ganoon.

Napangisi nalang ako habang hawak ang silver bullet ko. It's costumize at ako lang ang may-ari nito. Nakapangalan rin ito saakin. Makikita ang M.Q. sa gilid ng bala, isang palatandaan na si Merciless Queen ang may-ari nito.

Nakita kong kinuha ni Sabrina ang Dagger niyang may bahid pa ng dugo habang nakatingin kay Satana.

Kinuha rin ni Stacey ang arrow niya saka ito ininspeksyon at nung makita niya ang Initial niya na naka-curve sa kahoy ay nanlaki ang mata niya habang nakatingin kay Satana.

"Heart." Saad ko kaya napatingin siya saakin. Nakita kong napatingin rin si Sab saakin dahil tinawag kong 'Heart' si Satana.

"Em..." Nakangising bati niya. Em short for Merciless. Kinuha niya sa first letter.

"I never imagined that you'll be you." Nakangising sabi ko sakanya.

"I know, mukhang hindi talaga kapanipaniwalang papasok ako sa eskwelahan ng ganun ang istado." Nakangiting saad niya.

"I even exclude you to my list. Ikaw nalang ang hinahanap ko at naunahan mo pa ako." Saad ko dahil iyon ang totoo. Hindi ko na naisip na isali siya sa listahan ng pwedeng maging si Heart.

Who knows na ang isang nerd na classmate ko ay isa palang miyembro ng Black Katana katulad ko.

"Cous?" Narinig kong tanong ni Sabrina mukhang nagulat rin siya dahil ang mismong pinsan pala niya ang taong hinahanap rin niya.

Parehas lang kaming dalawa ni Sabrina na si Heartless Queen nalang ang hinahanap. Si Ruthless, hindi na kami nahirapang hanapin dahil halata naman samantalang nakita ko ang kunai ni Sabrina sa bag niya. May tatak itong F.Q which stands for Fearless Queen kaya alam ko kung kanino ito.

Nakita niya rin ang baril ko nung kinalkal niya ang closet ko sa office kaya nalaman niya ang identity ko.

"Hi Rielle! Sino yung babae kanina? Nakita ko kasing nasa kanya yung dagger mo." Sagot ni Satana habang nakangiti. Kumuha siya ng fries sa plate ni Stacey saka itong isinubo.

"Cous? Ah, si Devon-yita. Isang sugo ni Lucifer para maghasik ng kasamaan sa buhay namin ni Nathalie." Nakasimangot na sagot ni Sab habang pinupunasan ng tissue yung dagger niya.

"Ate Satana? Wow! Hindi ko akalaing ikaw pala si Heart! Ang cool mo talaga! Kaya siguro naging friends tayo dito kasi friends talaga tayo in the Underworld! Nga pala saan mo galing itong pana ko?"

Oo nga. Saan niya galing itong bala ng baril ko? Pati yung dagger ni Sabrina?

Napatingin tuloy kami sakanya pero nagkibit balikat lang ang huli. Hay naku Heart! Ikaw nga iyan. Tamad magkwento!

"Nevermind nalang!" Sabi ni Sab nung napansin niyang walang balak magkwento ang pinsan niya. "Anyways, ilalagay ko na ba sa Profile ng Black Katana na ikaw ang leader? Since ikaw ang nakakita saming lahat eh." Tanong ni Sab habang nilalabas ang laptop niya.

She's The Heartless QueenUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum