STHQ #12: The Bitch Is Back

3.5K 109 11
                                    

She's The Heartless Queen
#12: The Bitch Is Back

- Satana Demonise Ayesha Park -

4 days have already past. At sa loob ng apat na araw na iyon ay wala paring pinagbago. Nadagdagan nga lang ang kakilala ko dahil pinakilala na saakin ni Rielle si Nathalie, ang bestfriend daw niya and . . .

According to my research, Szarielle Nathalie Marie Lee was her full name. Same age as me. Live in a very nice mansion with her parents and little sister. They own a well-known winery company which make them rich, but not as rich as us.

"Hey Ms Genuis, kamusta? Saan ka pupunta?" Sabi ng isang lalaking biglang umakbay saakin. Tinignan ko lang siya at nakita kong nakangiti ito habang kumakain ng chocolate bar. I want some!

"Didn't I told you to stop calling me 'Ms. Genuis' cause my name was definitely much more nicer than that Mr. Ace Yvan Thunder Ree." Sabi ko saka ko siya siniko sa tagiliran kaya natanggal ang pagkaka-akbay niya saakin.

"Ouch naman Ms. Geni-- Satana pala, hehe. Sige na nga . . . Pupuntahan ko nalang si Crystal. Buti pa siya hindi ako sinasaktan." Sabi niya habang hinihimas parin ang tagiliran saka siya lumakad paalis.

~~* ~~* ~~*
- Kyle Xyrus Sky Jin -

"Thanks Ace. I didn't know that you're good at this." Sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Pwede ka ng snatcher." Sabi ko kay Ace pagkaabot niya saakin sa isang kwintas--- Satana's Necklace.

"Tch! Ang sakit kaya. Siniko ako ni Ms. Genius noh, saka tol may bayad yan. Wala ng libre sa mundo, lahat may kapalit sa panahong ito. Dapat bilhan mo ako ng chocolates, 1 year supply for my effort. Ginawa mo pa akong snatcher ng wala sa oras. Sa gwapo kong ito mang-iisnatch ako?" Sabi niya habang hinihimas ang tagiliran niya. Kaya nga sakanya ko yun pinagawa kasi kapag ako ang kumuha paniguradong mas malala pa dyan ang aabutin ko, sadista yun eh.

"1 year supply? Di kaya magka-diabetes ka niyan? Saka alangan namang hiramin mo sakanya yan, malamang kailangan mong kunin ng patago." Sabi ko saka ako umupo sa railings. Nandito kami ngayon sa rooftop.

"Ewan ko sayo, maka-alis na nga. Bahala ka dito. Magpaka-lonely ka. Solohin mo na yang rooftop." Sabi niya saka tumakbo pababa ng hagdan.

Tinignan ko yung kwintas na nasa kamay ko ngayon. Isa itong gold necklace na may pendant na emerald.

 Isa itong gold necklace na may pendant na emerald

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang ganda . . . . Nakita kong lagi niya itong sinusuot kaya paniguradong importante ito sakanya. Pero parang pamilyar saakin ang kwintas na ito, parang nakita ko na dati pero hindi ko matandaan. Teka! Impossible naman na may koneksyon ako diyan sa babaeng iyan! Ngayon ko lang naman siya nakita kaya baka nagkamali lang ako.

Nagpalipas muna saglit ako dito ng ilang oras tutal wala namang klase dahil may pagpupulong ang mga guro kanina pero nang makaramdam ako ng inip ay napagpasyahan ko ng bumaba ng rooftop. Bumaba ako sa pagkakaupo ko sa railings saka naglakad papunta sa pinto. Binuksan ko ito saka naglakad pababa ng hagdan. Oras na ng uwian kaya marami ng tao sa hallway. Nakita ko din sila Ice at Sabrina na nagsisigawan habang naghahampasan ng bag.

She's The Heartless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon