STHQ #31: Game Over

2.5K 63 26
                                    

Dedicated to: D-Queen_01

She's The Heartless Queen
#31: Game Over

- Stacey Brianna Crystal Ford -

Hinahanap ko si Ate Satana pero hindi ko siya makita, narinig ko kasi yung nangyari sakanya kaya gusto kong malaman kung ayos lang siya pero she's nowhere to be found.

Ate Satana... Where are you? Yuhooo?

Hmm. Nasaan kaya siya? Thirty minutes ko na siyang hinahanap pero wala talaga. Napagpasyahan ko na kumain muna sa cafeteria dahil nagugutom na ako at lunch time na rin.

Habang naglalakad at nakasalubong ko si Gio, yung kaibigan nila Ace. Binati ko siya pero parang di niya ako naririnig. Parang pinagsakluban ng langit ang itsura niya habang dire-diretso lang na naglalakad. Anyare dun?

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa cafeteria. Pumasok ako sa loob at nadatnan ko sila Ms. Nathalie, Sabrina, Ace at Ice doon. Naglakad ako papunta sa kanila kaya unti-unti ko ng naririnig ang mga pinag-uusapan nila at mukhang hindi maganda.

Bago ako makaabot doon ay naglakad na din palabas ng cafeteria si Ice. Parehas yata silang pinagsakluban ng langit at lupa ni Gio?

"Anong nangyayari Ace? Bakit parang hindi maganda ang atmosphere dito?" Bulong ko kay Ace ng makaupo na ako sa tabi niya.

Nginitian ko muna yung dalawa as a sign ng pagbati. Ngumiti pabalik si Ate Sabrina pero mukhang wala sa mood si Ms. Nathalie.

"Buti nandito kana. Nag-away yata sila Gio at Nathalie. Pati din si bro saka Sab nag-away din yata eh." Mahinang bulong ni Ace.

Nagkibit-balikat nalang ako saka sinimulang kumain ng pagkain sa table. Mukhang kay Ace itong mga ito. Masyadong madami saka puro paborito niya eh. Kaya close kami nito kasi paborito ko rin ang sakanya. We shared many similarities.

As time past by ay napapansin ko na patingin-tingin sakin itong si Ace nung una di ko pinapansin pero kanina pa siya eh kaya kumunot ang noo ko, may mali ba sakin?

"Ano bang problema mo Ace? Kanina ko pa napapansing tingin ka ng tingin sa akin ah! May problema ba?" Concerned na tanong ko. Baka kasi kung ano ng nangyayari eh.

"Wala naman, naninibago lang ako sa itsura mo. Hindi ka kasi color-coded ngayon di tulad dati. Dati kasi kung hindi full pink, full blue ang suot mo. Minsan overall green or violet din. Ngayon nakasuot ka na ng matinong damit." Sabi niya habang tinuturo pa ang suot ko.

"Ahh. Akala ko naman kung ano, si Mama kasi. Sinermunan ba naman ang suot ko, sabi niya ang pangit daw kaya pinalitan niya yung laman ng closet ko ng mga ganito."

Nakasuot kasi ako ng Dark-blue sleveless fitted dress na pinatungan ko ng light-blue coat. Nagdala din ako ng white sling bag and I wear a cream colored heels. Yep, di na nga color-codded.

 Yep, di na nga color-codded

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
She's The Heartless QueenWhere stories live. Discover now