STHQ #35: The Search

1.7K 36 3
                                    

Dedicated to:
lmine_                     legendaryco-leader
islanika                   XXSkyPrincessXX
enna_ravilob22      kimliannepark
msSarahYanga10

Hi Underworld Gangsters!
      I would like to express my gratitude to all of you by Dedicating this chapter!
     Thank you for your flood votes, thanks for the support! I'm really happy.

~~ • ~~ • ~~

She's The Heartless Queen
#35: The Search

- Harriette Driana Choi -

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala dahil masyadong mabilis ang pangyayari.

Pumunta lang ako sa Underworld City para subukang hanapin doon si Ate Thana at hindi ako binigo ng kapalaran dahil nakita ko siya doon. Ang mas hindi ko inaasahan ay ganoon ko kadaling matutunton si Ate Hariela. Nagbabakasakali lang rin ako sa pagpunta rito dahil dito ko huling natrace si Ate. Akalain mo nga palang kilala rin siya nila Ate Thana.

Naririto ako ngayon sa kotse ni Ate Thana, wala akong dalang sasakyan kaya ang mga sasakyan niya sa rest house ang napagdiskitahan ko, peace nalang ate! Haha. Papunta na ako sa Gangster Lair na sinasabi niya at excited na akong makita ulit si Ate Hariela. It's been more than 5 years since I last saw her. Namimiss rin ba kaya niya ako?

Nagpatuloy nalang ako sa pagda-drive hanggang sa makapasok ako sa loob at nagpark nalang ako sa parking lot. Pagkababa ko ng kotse ay naglakad-lakad lang ako hanggang sa makarating ako sa Main Building. Nagtanong ako sa isang studyante kung saan ang Cafeteria dahil nandoon daw sila Ate Thana at Ate Sab kaya doon na ako didiretso.

Palingon-lingon ako dahil baka makita ko si Ate pero nakarating na ako sa cafeteria at lahat-lahat ay ni anino niya ay hindi ko parin nakita. Huwag kang mag-alala, sa laki ba naman ng Academy ay baka nasa ka bilang parte lang siya. Bulong ko sa sarili.

Pagkapasok ko sa loob ay walang gaanong tao dahil maaga pa naman. Sa kaliwang banda malapit sa glass wall ay nakita ko si Ate Thana at Ate Sab pero nagulat ako dahil may nakita pa akong isang babae. Hindi pala-kaibigan si Ate Thana kaya nagulat ako pero mas nagulat ako dahil naka-cling yung babae kay Ate Thana pero normal paring tignan si Ate Thana at hindi niya inaalis ang pagkakakapit nung babae. Mukhang nagkakaroon na ng kaibigan si Ate ah.

Ang dami nga talagang nagbabago sa paglipas ng panahon.

Lumapit ako doon at nung makita ako ni Ate Sab ay nginitian niya ako at pinaupo. "Good Morning! Hi!" Bati ko sa kanila pati sa isa pang babae.

Four seater lang ang table na ito at si Ate Sab ang katabi ko, nasa tapat namin sila Ate Thana.

"Hi! Stacey nga pala!" Naka-ngiting bati nung babae kaya nagpakilala narin ako at nginitian siya.

She's The Heartless QueenOnde histórias criam vida. Descubra agora