Chapter 4: Love Triangle?

Start from the beginning
                                    

"Oi Scarlett? Hahahaha." Di ko pa rin mapaigil yung pagtawa ko.

"Tapos ka nang tumawa?!" Umuusok na ilong niya sa galit samantalang ako nakahawak na sa tiyan ko dahils sa sobrang tawa. Hahahahaha!

"Hahahahaa. Sorry na. Nahalata ko kasi na ganun eh kaya gumawa ako ng paraan para mapaamin ka kung ganun nga talaga. Hahahahaha. At di ko akalain na uubra yung plano ko. Grabe." Sabay hampas ng mahina sa balikat niya. Kinabahan siya dun ah!

"Kung ganun hindi mo talaga siya crush?" Ayan, seryoso na siya.

Inayos ko yung sarili ko para masagot ko siya ng walang halong pagtawa. "Hindi. Alam mo namang bata pa lang tayo magkaiba na tayo ng taste sa lahat ng bagay. Ginawa lang naman natin yung kasunduan na yun kung sakaling may mangyaring ganun eh. Dahil walang makakapaghiwalay satin."

"Tammy. Thank you!" Sabay hug sakin. Hinug ko rin siya hanggang sa may narealize ako.

"Oi, wait lang." Inalis ko yung kamay ko at humiwalay siya sakin. "May kasalanan ka sakin."

"Ha? Ano?"

"Bakit hindi mo sinabing crush mo siya? Best friend mo ko ah!" Nagtampo ako dun ah.

"Hindi pa kasi ako sure. Hindi ko naman alam kung crush ko siya bilang Race eh. Malay ko ba kung dahil lang kay Ryoma? Di ba?" May point naman siya.

"Hmm. May tama ka diyan. Kung ganun kailangan nating gumawa ng paraan para malaman natin kung crush mo siya bilang Race o kung dahil kay Ryoba lang." Sabay ngiti ko sa kanya. Yung maganda ngiti. Pero siya hindi maipinta mukha niya. Bakit? May mali ba sa sinabi ko?

"Ryoba?!" Napatakip ako sa tenga ko dahil sa sudden outburst niya. Makasigaw naman.

"Oo. Ano ba?" Sabay kamot ko sa batok.

"Tammy. Ryoma. Ryoma. Ryoma." Dahan dahan niyang bigkas.

"Sige. Sorry." Ryoma? Magkatunog lang naman eh. "Uwi na tayo?" Aya niya.

"Hahahaha. Sige!" Siya naman ang masaya ngayon. Tss. If I know, masaya yan kasi di ko crush si Race. Kinabahan yun, alam ko!

Pero sabi na nga ba eh. Tama ako! Hindi ko naman talaga crush si Race. Pero totoo yung naramdaman ko kanina. Talagang bumibilis yung tibok ni heartbeat kapag tinititigan ko siya. Pero nung inamin na ni Scarlett yung totoo eh wala akong naramdamang pagkaselos. Dun ko napatunayan na hindi ko siya crush. Nagkaroon lang siguro ng abnormalities yung pana ni Cupid kaya ganun. Natuwa pa nga ako dahil may crush na si Scarlett na hindi anime! First time 'to.

*kinabukasan*

Sean's POV

Magkakaroon daw ng laban ngaun sa pagitan ng isang regular at hindi. Si Senpai Kale at Senpai Aaron.

"Sean!" Tawag sakin ng matabang babaeng si Tammy.

"Bakit?"

"Anong nangyayari?"

"Maglalaban si Senpai Kale at Senpai Aaron. Ayan, magsisimula na!" Nakatutok akong maigi sa panunuod. Dapat madagdagan na ang two years tennis experience ko.

My Prince of TennisWhere stories live. Discover now