DU: C60 Tricked

470 11 0
                                    

A/N: Hopefully matatapos ko na ang story na to this week. Ito nalang naiwan na uncompleted eh. Hakhak.

-MAY BOOK 2 PO BA?
Sadly, no. Standalone story ko po ito. :)

AMETHYST

Pagpasok namin, akala ko mga malalaking machines ang bubungkad sa akin pero nagkamali kami.

Isang blangkong kwarto ang sumalubong sa amin.

Nagukat ako ng biglang nagmura si Ezekiel. "Fucking shit!"

Kaagad kaming napatingin sa kanya.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ko.

"They tricked us." sambit nya.

What? Tricked? Sino?

"They intentionally left the necklace you found. Mukhang alam nilang pupunta tayo dito." sambit ni Sayru at blangkong nakatingin sa kabuuan ng kwarto.

"Those bastards. Tsk. Bumalik na muna tayo sa eskwelahan." sambit ni Ezekiel at tumalikod tsaka nauna ng maglakad paalis.

Anong nangyari don? Bakit ganun sya ka-affected na malamang hindi dito nagtra-trabaho ang kumuha kay Jin?

Nagkatinginan kaming tatlo bago sumunod kay Ezekiel.

Nang makababa kami, nagulat ako ng madatnang wala yung tatlong guards na iyon. Asan sila?

"Let's go." sambit ni Ezekiel na parang binalewala ang pagkawala ng tatlong guards at dire-diretsong lumabas ng building.

Sumunod nalang kami sa kanya hanggang nakarating kami sa sasakyan nya. Akmang sasakay na ako ng bigla akong kinalabit ni Sayru at mau tinuro sya.

"A-amethyst! Look!" sambit nya at tinuro ang direksiyon ng building.

Kaagad naman ako napatigin at halos mapanganga ako ng makitang lumilipad yung building. Pero ang mas nakakagulat ay hindi man lang ito nag iwan ng marka sa lupa.

Napatingin ako sa itaas, sa bandang tore ng building. Pinasingkit ko ang mga mata ko para makita ang taong parang nagmamasid sa amin.

Nakatingin sya sa akin. Hindi ko alam kung lalaki sya o babae pero nakangisi sya sa akin.

***

Nakabalik naman kami ng maayos sa Detective University at dumiretso kaming lahat sa office ni tita Yumi.

Nakaupo kaming lahat sa sofa at nagiisip ng malalim. Habang naghahanda naman ng makakain si tita Yumi.

Napabuntong hininga nalang ako at sumandal sa sofa. Bigla ko tuloy naisip ang nangyari kanina.

Sino kaya yun?

bakit nya ako tinitignan?

At higit sa lahat, kilala ko ba sya? Bakit ngumisi sya sa akin? Yung tipong parang makikita mo ang saya sa mukha nya ng nakamasid sya sa akin.

Masaya nga ba sya ng makita ako?

Napahawak ako sa ulo ko at ipinikit ng maigi ang mga mata ko. Ano ba itong naiisip ko.

Mayamaya dumating si tita na may dalang cookies at milk. Uhm, okay na sana yung cookies pero parang ang bata naman kung may kasama pang gatas hindi ba?

Kinuha ni Sayru yung cookies at milk nya tsaka uminom. "T-thanks, tita." naiilang nyang wika. Mukhang naiisip nya rin ang naisip ko.

Ngumiti naman sa kanya si tita Yumi. "You're welcome, Sayru."

Kumuha na din si Ezekiel pero nanatili akong nakatingin sa cookies.

Mukhang napansin ni tita na nakatulala ako sa cookies. "Amethyst, my dear. Kumain ka na. May problema ba?" nakangiting wika ni tita Yumi kaya napatingin ako sa kanya.

Detective University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon