DU: W2 Guy

11.9K 300 20
                                    

**********

AMETHYST

Masaya akong pumasok sa eroplano lalo na't na-miss ko ng sumakay dito. Ilang beses narin kasi akong nakasakay dito. Maliit palang kasi kami ni bessy Avah, ay nakasakay na kami dito kasama ang mga pamilya namin.

At oo, anak din ng mayamang hapon si Avah, yun ngalang hindi sya filipino. Half chinese half japanese sya. Avah Chui Tadama ang full name nya.

Katulad din si Avah saakin, pinaampon din sya katulad ko. Pagkatapos nun umiba ang ugali niya. Umiinom na sya sa bar, na minsan ay hindi nya nagawa.

Minsan nga nakaka-apat na boyfriend na sya sa mga bar. Broken hearted lang ang Iba sa kanya. Pano ba naman kasi, paiba-iba ang kasama nya sa bar kaya brineak sya ng mga naging boyfriend nya.

Ganoon na ka-desperada si bessy ngayon. But thanks to me at bumalik na sya sa pagu-ugali nya. May boyfriend na sya ngayon pero loyal na sya dun. Mahal na mahal nila ang isa't isa.

Sa katunayan nga eh, engaged na yang dalawang yan. Kaka-propose lang ni Kuya Marko kay bessy Avah last 6 months.

Mahaba rin ang pinagsamahan nilang dalawa. Halos 5 years and 6 months na silang magsama dahil last 5 years ay nag-confess si Kuya Marko kay bessy Avah noong nasa City Manila pa ako.

Nagpatulong pa nga saakin si Kuya Marko manligaw dahil first time nya daw manligaw sa isang babae.

Matalino si Kuya Marko yun ngalang hindi sya marunong manligaw ng babae. Pero sweet at caring person yang si Kuya Marko.

Naiingit nga ako sa kanila. Sa sobrang sweet nilang dalawa. Nalalangam tuloy ako. Haha.

********************

Habang nasa airplane ako ay walang tigil na kakadaldal itong nasa tabi ko. Lalaki sya, gwapo, hambog, masayahin, pero mukhang masungit din, slight lang!

And he's talking about Conan Doyle's mystery stories, Sherlock Holmes, at kung ano-ano pang related sa mystery. Hay nako! Ang adik nya sa mystery!

"Not just that, but I also idolized Gosho Aoyama's story. Do you know Detective Conan? That was so awesome." masayang sabi nya. Ganda ng eyesmile nya ha. Ang cute at gwapo pa nya. Ang swerte ko naman.

"Ah, Kuya? Kanina pa po kasi kayo salita ng salita about mystery, eh di nyo pa nga po kilala ang kausap nyo? Narinig nyo po ba ang katagang "Don't talk to strangers"?" sabi ko sa kanya kaya napatigil naman sya.

May kinuha sya sa tenga nya "Excuse me miss? But I am not talking to you. And maybe you are the one who doesn't know that word. Tss." masungit na sabi nya at nagpatuloy sa pagsasalita. Langya englishero si kuya. Dumudugo ata yung ilong ko.

Napaupo naman ako ng maayos. Napahiya ako dun ah.

Mayamaya ay dumating ang isang stewardess na merong dala ng mga foods, coke-in-can, at kung ano ano pa.

"Pabili nga nito ng coke-in-can nauuhaw kasi ako eh." sabi ko at kukuhanin ko na sana ang coke-in-can ng may humawak rin nito at kinuha.

"Ito bayad ko miss oh" sabi noong lalaking katabi ko at agad na ininom ang coke-in-can.

Aba't! Loko to ah?! Ako ang nakauna pero sya ang kumuha?! Nambwi-bwisit ba sya?

"Hoy lalake! Anong trip mo at kanina ka pa nambwi-bwisit?! Di mo ba alam na ayang coke-in-can na iniinom mo ay nakuha ko na?!" sigaw ko kaya kuha pansin agad ako.

Pero kainis lang dahil dinedma nya ako. Kapal ng mukha.

"Aba! Sumagot ka nga! May bunganga ka naman dba?!" sabi ko

Kinuha nya ang headset nya at tinignan ako ng nakataas ang kilay "Excuse me miss? Ako ang nakabayad dito sa coke-in-can at ako rin ang tumawag sa stewardess na ito. At alam mo? Ang ingay ingay mo. Tignan mo nga ang mga pasahero dito naiingayan na sayo. Tiklopin mo nga yang bunganga mo. Kung anong sinasabi! Yang bunganga mo. Tss" sabi nya at nagpatuloy sa pagkaka-usap sa kausap nya sa whatever na taong yun.

Once again napahiya na naman ako. Buti nalang at hindi sya nag-english.

Nag-peace sign ako sa mga tao at umupo uli.

"A-ah eh.. Thank you sir and ma'am" sabi ng stewardess at umalis na

Hindi naako nagsalita at natulog nalang, mahaba pa ang byahe.

Kingina ng lalaking yon. Akala ko pa naman ang swerte swerte ko ng makatabi ko sya, sya pa pala ang magiging dahilan para malasin ako.

A/N: EDITED.

Detective University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon