DU: W20 Position

4.6K 165 14
                                    

AMETHYST

Habang naglalakad kami sa hallway ng 2nd floor may narinig kaming yabag kaya napahinto kaming apat sa paglalakad.

"Hey guys, did you hear that sound?" tanong ni Avy

"Yea were not deaf." mataray na sagot naman ni Avah

"Psh." mahinang bulong naman ni Avy sa sarili ngunit narinig ko parin ito.

Anong sound 'yon? At saan nanggagaling yung tunog? Nacu-curious tuloy ako.

'Curiosity kills a cat'

Muntik na akong napatalon dahil sa may parang bumulong sa akin.

Curiousity kills a cat? Huh? Hindi ko maintindihan.

"Let's go na girls. Meron pa tayong 10 minutes to spare bago mag-start ang party!" biglang sabi ni Avis

We all nodded at isina-walang bahala ang tunog na narinig namin.

Tinignan ko ang relos ko. Hmm, 8:50 PM palang pala. Tama nga si Avis 10 minutes nalang ang natitira.

When we finally reach the Grand Hall kung saan magaganap ang party. Nakita ko naman si Ezekiel, Serena, at Shane kasama si Officer Travis na ngayon ay nasa gilid ng entrance.

Naka ash gray na suit si Ezekiel with matching black neck tie habang pataas naman ang buhok nito.

Napansin ko namang naka-fitted silver dress si Serena na may slit sa may paanan nito. Kaya halata ang curves nya. Hindi ata sya na-inform na hindi sya makakapag-takbo sa ganoong suot? -_-

Habang si Shane naman ay naka pink ball gown na meron maliit na blazer. Like mine meron syang white ribbon na nakatali sa may bewang nya. Strapless din ang dress na sinusuot nya ngayon.

Napansin ko din si Officer Travis na naka royal blue suit with matching white neck tie. And as always pababa parin ang hairstyle ng buhok nyang kulay gray.

Sinita naman ako ni Avah. "Uy, Seven. Kanina ka pa nakatingin sa kanila. Kilala mo ba sila?" tanong nya

I smiled, awkwardly. "P-parang ganun na nga. Hehe."

"Not to mention ang gaganda at gwa-gwapo rin sila ha. But mas maganda ka if we all compare. Right girls?" sabi naman ni Avis kaya natawa kaming tatlo.

Nakapagbihis narin sila. Pare-pareho ang suot nila ngunit iba ibang kulay.

Si Avah naka red cocktail dress kaya ang hot nyang tignan. Si Avy naman naka white cocktail dress na bumagay sa hawak hawak nyang puting bag. Habang si Avis naman ay naka mint green cocktail dress with matching her mint green butterfly headband.

"Ay teka nga pala, Seven. Nakalimutan kong ipasuot to sayo." biglang saad ni Avis at binigay sakin ang ruby necklace.

"Wow ang ganda naman nito." puri ko

"Haha, glad you like it. Galing London yan. Binigay rin sakin ng client namin noon actually kaming tatlo meron nyan." sagot nya

Oh Em Gee. Galing London? Imported na necklace to ah.

"Ha? Eh baka kailanganin mo pa to. Wag kang magalala ibabalik ko to sayo mamaya---" she cut me

"No need, Seven. That's our gift for you. Actually meron akong isa pa dito. So don't worry a lot. It's fine." nakangiti nyang sambit

Nanlaki ang mga mata ko. "Wow. Really. Thank you so much." mabilis kong sabi at nilgay ang necklace sa leeg ko.

Ngumiti sila sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik.

Detective University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon