DU: W5 Late

7.1K 214 4
                                    

**********

AMETHYST

*Krring!!!*

"Ame-neechan! Wake up na po!" naramdaman kong may yumuyogyog sakin kaya napadilat ako.

"Hmm? Ayumi? Bakit gising ka pa? Gabi pa ah?" sabi ko sa kanya sabay kusot ng mga mata. Napagod ata talaga ako sa byahe.

"Eh? Magse-seven na po kaya." agad lumaki ang mga mata ko at instantly napatingin ako kay Ayumi.

"MAGSE-SEVEN NA?!!! Bakit di man lang nyo ako ginising??!!!" sigaw ko

Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at niluwa si bessy Avah na tumatawa "Hihihi, pasensya ka na ha? Huli narin kasi akong nagising" sabay kamot nya ng ulo.

"EH BA'T DI MO PINA-ALARM ANG CELLPHONE MO??!! ANONG PAKINABANG NG ALARM CLOCK MO DYAN SA CELLPHONE KUNG DI MO GAGAMITIN HA?! ALAM MO BANG LATE NA LATE NA AKO DAHIL MAGHAHANAP PA AKO NG MAPAPASUKAN HA??!!! NAIINTINDIHAN MO BA AKO??!!" sigaw ko sa kanya

"EH GANUN NAMAN PALA EH!!! MAY CELPHONE KA NAMAN BA'T DI MO RIN GAMITIN?!!! AT BAKIT AKO ANG SINISISI MO?!! KE LAYO LAYO NG KWARTO NATIN TAPOS AKO PA ANG SISISHIN MO KUNG LATE KANG NAGISING?!" sigaw nya pabalik.

"TUMAHIMIK NA PO KAYO! AME-NEECHAN! AVAH-NEECHAN!" sigaw ni Ayumi-chan kaya napatigil kami sa pag-aaway.

Napahawak nalang ako sa bewang ko na parang naiinis parin katulad rin ni bessy Avah. "Oneechan wag na po kayong mag-away, DAHIL LATE NA LATE NA PO KAMI SA KLASE!!! KAYA BAGO PO YANG AWAY NYO, IHATID NYO NA PO KAMI SA PAARALAN!!!" agad kaming napa-hawak sa tenga sa pag-sigaw ni Ayumi-chan.

Hashtag: First day sa City Manila- RUINED.

*****

Pagkatapos naming ihatid ang mga bata sa kanilang eskwelahan, agad naman akong pumunta sa mga bentahan ng newspaper para malaman kung merong available na eskwelahan na pwede akong makakuha ng Scholarship.

At oo nga pala, kaka-transfer lang namin sa mga bata sa kanilang eskwelahan. Swerte nila at nakakita kami ng Free Learning School dito sa City Manila. Free narin ang mga gamit nila except nalang sa bag dahil kami talaga dapat ang bibili.

Swerte ko rin at naitago ko pa yung mamahalin kong mga bags noong bata pa ako. Unisex rin ang mga napili kong bag kaya pwede iyun sa babae o lalaki.

*****

"ANO?! Wala po talaga kayong eskwelahan dito na pwede kong pagkuhanan ng scholarship?" nadismaya ako ng malaman kong wala palang pwedeng pagkuhanan ng scholarship dito.

"Opo, sa iba kasi kailangan mo pang magbayad ng malaki bago ka makakuha ng Scholarship." sabi ng matanda saakin.

Umalis nalang ako dun at naupo muna sa ibang bench malapit sa isang malaking puno.

Hay, saan kaya ako makakapag-aral ng walang bayad? Hays, naman oh! Buhay nga naman!

Di bale na nga uuwi nalang muna ako, ipapagpatuloy ko nalang ang paghahanap bukas. Tatayo na sana ako na sakto namang may lumipad na papel papapunta sa mukha ko.

As in sa mukha ko talaga.

Nays naman.

Kinuha ko ito at akmang itatapon na ng may makita akong sulat doon. Agad naman akong na-curios kaya binuksan ko ito at binasa.

Kung nababasa mo ito, swerte ka.

Paano naman ako magiging swerte? Eh di nga ako naka-hanap ng mapapasukan tapos sini-swerte paako? Jinojoke time ata ako nito eh -_-

Pero sayang naman, mabasa na nga.

Detective University- Free Scholar test. There would be a upcoming test at River Road Block 1412. The Free Scholar Test will be on 20__. Don't bring anything.

Agad lumaki ang mga mata ko at nagkaroon ng star. FREE SCHOLAR TEST?!

Ang swerte ko naman!

Tumalon talon ako naparang wala sa sarili dahil sa masayang masaya ako. Sino bang hindi mapapatalon sa tuwa kung nahanap mo na ang free scholar test na iyun?

But I wonder, Detective University? Anong uring school naman iyun? Di bale na nga! Basta! Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko! Si Amethyst Sapphire Aoyama ata to!

A/N: EDITED.

Detective University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon