DU: E32

2.9K 68 8
                                    

A/N: At dahil Concert ng BTS ngayon, may update ako! At dahil Team Bahay slash Team Twitter lang ako, isang update lang nyahaha!😆

AMETHYST

"Ya! Talo na naman ako! Aish! Ayaw ko na, kayo nalang dyan." inis na wika ni Keen.

"Wahahaha! Asar talo! Nyahaha!--AY SHET aray!" agad namang pinalo ni Keen si Jinnie sa ulo.

"Serves you right?" nangangasar naman na sabi ni Sayru.

"Ya! Ya! Ya! Hinto nyo na yan. May dala akong snacks!" nakangiti kong wika kaya agad nilang iwinaksi ang mga hawak nilang cards at bigla nalang nawala sa mga kamay ko ang hawak kong tray na puno ng pagkain at pinag-agawan nila iyon.

"Keen! Akin yan! Ano ba!?"

"Ulol! Kumuha ka ng sayo marami pa dyan oh!"

Aigoo. Para silang mga bata kung umasta. Tsk tsk tsk.

Napatingin naman ako sa hospital room ni Ezekiel.

Nakakalat ang cards sa sahig, merong nasa CR, sa mukha ni Ezekiel, sa dextrose nya.

Dapak.

NARRATOR

**SA INFORMATION DESK NG HOSPITAL**

"KEEN, SAYRU, JINNIE. CLEAN THIS UP KUNG AYAW NYONG MATULOG SA LABAS! HALA SIGE LAYAS!"

Nagulat ang nga nurse at doctor's dahil sa sigaw na narinig nila.

"AY! Mam!" nataranta ang nurse ng biglang gumalaw ang wheel chair na sinasakyan ng matandang babae at tumakbo ang sinasakyang wheel chair sa hagdan.

Epic Fail -_-

AMETHYST

"Keen ikaw dun maglinis sa CR ah?"

"Huh? Bakit naman? Eh halos ako na nga lang ang naglilinis dito eh."

"Ehh kasi... Merong tae dun sa restroom. Pakilinis naman oh."

Napailingiling nalang ako habang pinapanuod silang maglinis. Ang aarte ng mga babaeng to (kasama ni si beks, babae daw yon eh), sabagay mga anak mayaman. -_-

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumapit doon sa kanila. "Ako na nga lang ang maglilinis. Bumuli nalang kayo ng pagkain, tsaka mga prutas. Siguraduhin nyong i-check nyo ang label ng pagkain na bibilhin nyo ah. Sige na alis na."

Napangiti silang tatlo at sabay sabay nagsalital "TALAGA!? YEYY!!" isang iglap lang ay wala na agad sila sa paningin ko.

"Hoy anong----" napatigil ako ng makita ang mga walis na nakakalat sa sahig.

Hay! Nakakastress. 😣😣😣

JINNIE

"Nasundan ba nya tayo?" hinihingal na tanong ni Sayru.

"Natakasan ba natin sya?" tanong naman ni Keen na hinihingal din.

Itanong ba naman sakin? Bakit? Alam ko ba kung asan si Sapphire?

I rolled my beautiful eyes at them. "Guys, hindi ako tagahanap ng nawawalang bundok-girl okay? Duh."

"Anong bundok-girl?" tanong ni Keen

"Iba ang tumatakbo sa isip ko, hehehe." agad ko namang kinurot si Sayru sa tagiliran nya. Naku, ang babaeng is diz talaga. Ang Gre-green!

"Bundok-girl means yung mga taong slow, mahirap, mahina, walang common sense, walang pinag-aralan ganun----AWW! Bakit mo ba ako hinampas ha?"

"Grabe ka ha, makainsulto 'to. May pinag-aralan si Sapphire ano! Duh, makakapasok kaya sya sa Detective University kung wala syang pinag-aral---"

"AYY! YUNG WALLET KO! TULOOOONG!" napatigil kami at napalingon sa sumigaw na babae na di kalayuan lang sa parang pilar na tinataguan namin.

Wallet lang sumigaw agad? Duh.

"Tara girls, tulungan natin sya." wika ni Sayru

Bago pa ako magsalita ay hinigit na nila ako doon sa babae.

"Miss, anong ninakaw sayo?"

"Yung salamin, Sayru, yung salamin. Duh! Malamang yung wallet nya! Sumigaw pa nga sya eh." hay! Ang vovo ni Sayru. Vovo means 'bobo' in case you don't know. Duh.

"Ay sarih, oki? Sarih? (A/N: Sarih pronouced as 'Sa-ri')"

"Ehem, by the way. Anong laman ng wallet mo?" tanong naman ni Keen.

Isa pa to, ang vovo din. -_-

"Malamang pera! Kuuu! Ang vo-vovo nyo! Ako na nga lang ang kakausap!" pagpre-presinta ko

"Ehem, excuse me Miss. Mahalaga ba ang wallet mo kaya ka sumigaw? Baka nga bente pesos lang ang laman non, mag-cornetto ka nalang kaya." ay char, libreng advirtisement pa oh.

Maluhaluhang sumagot ang babae. Drama ni gurl. "*sniff* *sniff* H-hindi lang pera ang nandoon, p-pati narin ang passport ng anak ko papuntang Korea."

"MAY ANAK KA NA!???" sabay sabay naming tanong kaya nagulat yung babae at pinagtitinginan nadin kami.

"Grabe kayo ah, mukha ba akong nanay? Well, meron pero hindi ko kadugo. Meaning meron akong ampon na anak." sagot naman noong babae.

Wow ha, ampon? Uso parin pala yon ngayon eh no?

"Ah ganun? Eh passport lang pala yon eh---HMM HMM HMM!" agad kong tinakpan ang bibig ni Sayru.

"Alam mo ba kung ilang month, years mo pwedeng makuha ang passport mo at kung ilang papeles pa ang kailangan kong permahan para lang maka-alis ka ng bansa, ha? Alam mo ba yon?" wika ko

"Tsk, tama na yan. Miss, nakita mo ba ang itsura noong taong nagnakaw ng passport mo?" tanong ni Keen.

"Medyo, habang naghihintay kasi ako ng taxi nasa gilid ko lang sya. Hindi ako masyadong nakatingin sa kanya pero naka black pants sya at dark blue na sweater. Naka-cap din syang kulay black." sagot ng babae

"Black pants, dark blue sweater, with black cap... Hmm.. Hindi natin makikilala sa ganon lang. Since maraming taong naka-sweater ngayon, tag-ulan pa naman ngayon. Pero may iba pa bang nakakita sa taong nagnakaw ng wallet mo?" tanong ko

Huminto sya ng ilang sandali bago sumagot. "Ah! Yung dalawang batang hindi gaanong malayo sa pwesto ko. Sa tingin ko nag-aaral ang dalawang iyon dahil parang mga koreana ang school uniform nila." koreana ang school uniform nila?

Teka...

"Nakita mo ba ang logo ng school uniform nila?" tanong ko uli

"Oo, kulay green na merong bilog na may nakaukit na 'Deng Dong Sity' ata yon eh." Deng Dong Sity? Wat da pak?

"Pfft. Detective University ata ang nakaukit doon, Miss." natatawang sabi ni Sayru.

Tinignan ko sya ng masama. "Clench your teeth." wika ko kaya agad nya rin itong sinunod.

"Wait, teka. Detective University? Malapit lang dito yon eh, mga 1 km lang ay dadating na tayo don." sabi ni Keen

"Angong ngangait? Ngengong ngangayo ngaya!" wika naman ni Sayru pero hindi namin sya maintindihan.

Ay oo nga pala. "Pwede ka ng magsalita ng maayos." sabi ko

"Yes! Ang sabi ko, anong malapit? Medyo malayo kaya! Yon yung sinabi ko"

"Ah! Oo baka yon nga, hindi kasi ako masyadong tumingin sa kanila eh." wika naman noong babae.

"Nagbabasakali lang ako kung alam mo kung gaano kataas yung taong nagnakaw ng wallet mo?" tanong ni Keen

"Uhm.. mga kasing taas niya." sabay turo kay Sayru na hanggang tenga ko lang.

"Kung ganoon, tara na! Hanapin na natin yung dalawang babae na tinutukoy mo." wika ni Keen

Sabay sabay kaming pumara ng jeep, hindi kami kasya sa taxi eh. XD

A/N: EDITED.

Detective University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon