DU: E53 The Escape

629 20 4
                                    

A/N: Nagdadalawang isip ako, hanggang dito nalang ba yung DU or magkakaroon pa ng series 3? What do you guys think? Utang na loob magcomment kayo huhu. May naisip na kasi ako para sa ending e kaso mas may naisip akong bagong adventure para sa series 3. Kaya guys I NEED YOUR UHM WHAT'CHA CALL THIS UHM... SUGGESTION GANON! Yun, so hehe. Anyway, Nagmamadali ako ng sinulat ko to so expect typos okay? ill edit them soon.

P.S THIS ISN'T EXACTLY WHAT HAPPENED ON BTS 3RD MUSTER OKAY?! FICTION LANG PO ITO. Thank you. =)

AMETHYST

Nandito ako ngayon sa loob ng hotel room ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon dahil madaming bawal gawin.

Bawal lumabas, bawal pumunta sa BigHit Ent. dahil banned daw ako dun lol, bawal pumunta sa BTS 3rd Muster, bawal makita si Taehyung, bawal makita ang Bangtan, puro nalang bawal huhu. :( Sad nu?

Napabuntong hininga na lang ako at tumayo para kunin ang cellphone ko na nasa gilid ng lampshade.

Kinuha ko iyon at in-on.

You have received 2 messages.

2 messages? Sino naman to?

Wala naman akong katext mate a?

In open ko nalang ito at binasa ang isang message from the unknown number.

Unknown Number

S R P P H R W V, 4017. X M W V: APTXS24R16

Received: 11:11 PM

Nung isang gabi pa to a? Ba't hindi ko naramdaman na may nagtext? Ay oo nga pala, madalas ko nalang nao-open yung phone ko. Ano naman gagawin ko sa phone ko e Nokia lang naman yan, magkakagames ba sa cellphone ko?

In-open ko naman yung isang message. Ay ang galing, unknown number din! Ameyzing.

Unknown Number

Open the window.

Received: 5:47 PM

Open the window? Teka, anong oras na ba?

Time check: 5:50 PM

0_0 Humaygad.

Agad akong napatingin sa window ng hotel room ko. Bakit ko naman ioopen yung window ko?

Hindi ko alam pero may nagsasabi saking buksan ko ang bintana ng kwarto ko. Mayamaya nakikita ko nalang ang sarili ko sa harapan ng bintana.

Tinignan ko ito, wala naman akong nakikita mula sa labas. Yung magandang view lang ang nakikita ko.

Napakibit balikat nalang ako at binuksan ang bintana. Wala naman masama kung---

"AHHHHHHHHHHHHHH! TANGINA. MAY BUHOK! MAHABA ANG BABA! OMYGOD!"

Yesterday before BTS 3RD Muster...

JINNIE

"What the hell, Exequiel!" sambit ko bago ko syang isinuntok para mapasalampak sa sahig.

"Jinnie!" biglang dumating sila Keen at Sayru para pigilan ako.

Tinuro ko si Exequiel na pinunasan ang dugong galing sa labi nya. "Hindi ko alam kug anong problema mo pero hindi mo naman kailangan manakit ng mga tao gamit ang matatalim mong salita. Pero kung si Amethyst na ang pinaguusapan, hindi ko na kayang pigilan ang sarili kong harapin ka. Hindi ko kayang makita na sinasaktan mo sya ng harapharapan!"

Naging blangko naman ang expresyon ni Exequiel. "Hindi mo naiintindihan."

Umigting ang bagang ko. "Hanggang kaya ko pang kontrolin ang sarili ko, pakiusap umalis ka na." sabi ko at tinignan sya ng matalim.

Detective University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon