DU: W3 Meeting

8.9K 250 5
                                    

**********

AMETHYST

Pagkababa ko ng eroplano ay agad akong sumakay sa isang taxi. Pinara ko yung isang taxi na dumaan.

Hindi na ako nakaganti sa englisherong lalaki kanina. Bigla nalang kasing nawala ng pumunta sya sa restroom. Ano yun? Magic?

"Manong! Sa Kalipay Street nga ho." sabi ko at sumakay na sa taxi.

Dumaan kami sa maraming puno at magagandang gusali, hay. Nakakamiss tuloy ang probinsya. Hindi ko lang namiss sila Auntie at Claire. Nakakainis yung dalawang yun. Nakakapanira ng araw!

Bigla nalang kaming huminto sa harap ng para bang waiting shade. "Manong nawalan po ba tayo ng gasolina?" tanong ko kay Manong Driver.

"Hindi po ma'am, sa katunayan nga po eh nandito na tayo sa Kalipayan City." sabi noong driver kaya napakamot ako sa ulo. Nasanay na kasi ako sa probinsya na palaging nawawalan ng gasolina yung sinasakyan kong Jeep.

"Ah sige po, manong. Ito po ang bayad ko. Salamat po!" sabi ko na at bumaba na sa loob ng taxi. Nang makaalis na yung taxi agad akong napasinghap sa likod, kanan, at kaliwa. Hindi ko kasi alam kung saan yung block 1412.

Malay ko ba eh, Kalipay Street ito hindi Ligaya Province. Sa Ligaya Province kasi ang bahay namin ni bessy Avah noong nasa City Manila kami. Magara pa ang buhay namin noon, pero nawala din ng tuluyan.

"Hay! Nakakainis naman! Matawagan nga si bessy Avah!" inis kong sambit at kinuha ang cp ko. Mabuti at hindi ko nagamit ito sa eroplano. Sino namang weirdo ang gagamit ng cellphone sa eroplano? Balita ko bawal mag cellphone dun.

De bale na nga! Mai-text nga si bessy Avah at magpapasundo nalang ako. Ayaw ko kasing mag mukhang tanga sa daan.

*Calling bessy Avah*

"Hello bess? Ba't napatawag ka? Stranded ba flight mo?" sabi nya sakin

"Hello! Hindi ba ako tatawag kung hindi naako nakarating sa City Manila? Malamang nandito naako!" sabi ko

"Yea, yea. Sorry na okay? Sya nga pala ba't ka napatawag? Naiinis pa ko e." Sabi nya. Halata nga.

"Kalma. Baka meron ka."

"PUTA. SERYOSOHIN MO NGA AKO."

"May plano ka bang sirain ang eardrums ko? Teka, ano ba talaga ang problema mo?" tanong ko. Nacu-curious ako eh. Alam nyo na, isa akong dakilang tsismosa.

"Eh yang Marko na yan eh! Ilang oras akong pinaghihintay dito sa Madrigal Restaurant. Sabi nya dalian ko daw, kaya naman halos magkandarapa na akong pumunta dito."

"Alam mo bess? Kalma ka------" bigla nalang naputol ang sasabihin ko ng sumigaw sya.

"ANONG KUMALMA?! IKAW KAYA 2HRS KANG HUMINTAY TAPOS GUTOM NA GUTOM KA NA PLUS YUNG KA-DATE MO MUKHANG NAPASARAP PA! SABIHIN MO NGA SAKIN KUNG PAANO AKO KAKALMA!" sigaw nya

"OVER KA NAMAN! KUNG MAKASIGAW KA PARANG AKO KALMA NA KALMA DITO! EH NI HINDI KO NGA ALAM KUNG SAANG DAAN BA ANG TATAHAKIN KO KASI HINDI MO NA AKO ININFORM KUNG SAAN APARTMENT MO, TANGING YUNG BLOCK LANG SINABI MO!" pota, ansarap manapak. La na eh, nabismud ako e.

"KASALANAN KO BA YUN?! EH SA HINDI KA NAMAN NAGTANONG!" sigaw nya pabalik

"SHUNGAK! Ba't ka ba nagsisigaw?!"

"Sumisigaw ka rin naman eh!" sabi nya sakin

"Okay tama na yan, pagtiyagaan mo nalang kasi yang fiance mo! Ilang months nalang kaya at ikakasal na kayo. Alam mo namang nagtra-trabaho sya para sa future nyong dalawa diba?" maayos kong sabi sa kanya

"I know! Pero dapat ba talagang 2hrs nya akong papahintayin at papagutomin dito? Eh ba't di nya man lang ako tinawagan?" sagot nya saakin

Napahawak ako sa bridge ng ilong ko. "Alam mo? Para kang buntis. Malay mo naka-off ang cp nya or lobat sya ngayon."

"Eh bakit nya talaga kailangang i-off ang cp nya? At palagi yang may dalang charger at lide bank ano! At hindi ako buntis!"

"Eh bakit ako tinatanong mo? Ako ba fiance mo ha?" sabi ko. Eh lahat nalang eh tinatanong nya sakin. Ako na si kuya Marko ganun?

"Pasensya na. Eh kasi eh, nababagot na ako dito sa kahihintay. Ikaw? Nasaan ka din ba? Don't tell me nasa probinsya ka pa rin?" alam nyo? Kung nandyan lang talaga ako sa tabi ni bessy Avah kanina ko pa sya pinagsasabunot. Kakasabi ko lang eh!

"Babatukan kita dyan eh! Kakasabi ko lang nga kanina diba? Seriously bess? Nakikinig ka pa ba sakin? O sadyang mahina na talaga ang pandinig mo?" sabi ko

"Ay grabe ka ha. Nakalimutan lang ng tao tapos mahina na agad ang pandinig? Ikaw kaya dito! Tignan mo kung makakarinig ka pa sa mga busina ng mga sasakyan dito!" sagot nya at may narinig akong sunod sunod na busina ng mga sasakyan.

"Oo na! Saang shop ka ba nakarating? Pupuntahan kita at tatadyakan natin yang fiance mo pag nahanap natin!" sabi ko

"Haha! Nakakatawa ka bess, anyway nasa Madrigal Restaurant ako. Shop ito nila Marko. Sige ha? Abangan kita sa labas! Ba-byeouu!!" tapos i-nend call nya na.

Aba! Sya pa ang may ganang babaan ako ng telepono ah? Hindi nya ba alam na masakit sa tenga yung toot toot? Hay ewan ko dyan sa bessy kong yan! De bale na nga!

Sumakay narin lang ako ng taxi papuntang Madrigal Restaurant.

A/N: EDITED.

Detective University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon