Chapter 33

10.5K 251 16
                                    

Chapter 33

Emilia clicked her tongue while trying to carry Sebastian. "Dahil lang ba 'yon sa alak?" Napabuga siya ng hangin at inangkla ang braso ng lalaki sa kaniyang balikat.

Napanguso siya sa naiisip. Para bagang nakaramdam siya ng galak panandalian at narating niya ang alapaap ngunit agad din siyang bumagsak.

Hirap na hirap niyang hinilahod ang katawan ng lalaki palabas ng bar. Doon ay sinalubong naman na sila ng driver kaya ipinasa na niya si Sebastian dito. "Thank you!" Hinihingal niyang sabi bago pumasok sa loob ng sasakyan.

Pagkasakay ay idinantay niya ang ulo ni Sebastian sa kaniyang balikat. "Hay Emi, galawan mo." Napangiti na lamang siya at ipinatong ang ulo sa lalaki.

Tahimik nilang binaybay ang daan pauwi. Pagkarating ay hinayaan na niya ang driver na ipasok si Sebastian sa kuwarto. She's really glad, na lumalaki ang kanilang progress sa bawat araw na lumipas. Madalang na sila mag-away, hindi gaya ng dati.

Nagbasa siya ng bimpo at napapalunok na pinupunasan ang katawan ng lalaki. Tinanggal na lamang niya ang polo nito at binalutan ng comforter 'pagkatapos. Nagbihis na lamang siya at tinabihan ang lalaki. Napakagat siya ng labi nang dumantay ito sa kaniya.

Tonight, she didn't bother putting pillows between them.

✿❁❀✿❁❀✿

"Emilia? Emilia! Wake up, please!" Napadilat ang mga mata ni Emilia nang maramdaman ang pagtampal tampal sa kaniyang pisngi. Iniangat niya ang ulo at nakaramdam siya ng pagkahilo kaya ibinaba niya ito agad.

Mariin siyang napapikit bago idilat ang mga mata. Napahwak siya sa kaniyang sentido, bukod sa nahihilo ay sumasakit pa ang kaniyang ulo.

Nag-aalalang mukha ni Sebastian ang bumungad sa kaniya, which made her furrow her eyebrows in confusion. "Damn!" Agad siyang napaupo sa gulat nang marinig ang pagsigaw ng lalaki.

"B-Bakit?" Kinakabahan niyang tanong habang nanlalaki ang mga mata, iniisip kung ano ang ikinagagalit ng lalaking nakasabunot ang mga kamay sa sarili nitong buhok.

Wala naman siyang naaalalang posibleng nagpadulot ng inis sa lalaki, naguguluhan siya sa inaasal nito lalo na't umagang umaga pa lang. Sa puntong ito ay mas pinatutuunan niya pa ng pansin ang lalaking hindi niya alam kung bakit nagkakaganoon.

Marahas na nag-angat ito ng tingin sa kaniya. She flinched, suot pa rin nito ang slacks at wala pa ding pantaas, mukhang kagigising lang din. "Did we.." Hindi na nito natapos ang sasabihin at napabulong na naman ng sunod-sunod na mga mura.

Kinagat ni Emilia ang labi at hinilot ang sentido, masama ang kaniyang pakiramdam at hindi pa nakakatulong ang lalaki. "Ano?" Nakapikit niyang saad, nagsisirko ang kaniyang paningin at napasandal sa headboard ng kama.

"Shit." Napahilamos ng mukha ang lalaki at tumayo. "D-Did we do it?" Napabukas ang mga mata ni Emilia at napakunot ang kaniyang noo sa turan nito.

"Alin?" She feels like a crap, gusto niyang matulog na lang maghapon. Ni ayaw nga niyang gumalaw.

Marahas na napabuntong hininga ang lalaki at mariin siyang tinitigan. "Did I make any advances on you? Did we have sex last night?" Tanong nito habang pabalik-balik ang hintuturo sa sarili at kay Emilia.

Agad na napaunat ng upo ang babae. Nakaawang ang kaniyang mga labi at nanlalaki ang mga mata, hindi mapapagkaila ang pagkagulat rito. Hindi alam ni Emilia ang i-re-react sa sinabi nito.

Bride for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon