Chapter 31

11.3K 235 31
                                    

Chapter 31

Humihikab na tinampal-tampal ni Emilia ang bibig. Much to her surprise, sobrang aga niyang nagising na naunahan niya pa si Sebastian, who is sleeping soundly beside her. She glanced at the clock beside her and much to her surprise, it's only 5AM. 

It was indeed a miracle for her.

She smiled, maganda ang kaniyang tulog, maganda ang kaniyang gising. Wala nang mas gaganda pa sa umaga niya na si Sebastian ang unang masisilayan. Kailanma'y hindi niya nasaksihan ang paggising sa tabi ni Sebastian, ngayon nga ay sinasamantala niya na ang pagkakataong titigan ito habang nakahimbing. Ibang-iba sa Sebastian na may malalalim na titig, na isang malaking misteryo. Siyang tulog ay mukhang anghel na inosenteng-inosente sa mundo. He looks really peaceful.

Pinasadahan niya ng haplos ang ilong nito bago tumayo, baka hindi niya pa mapigilan ang sarili at panggigilan ito ng tuluyan. Yesterday was really wonderful, hinding-hindi niya iyon makakalimutan kahit kailan. Napapangiti na lamang siya tuwing maiisip ito, it's her best memory with the man so far.

Naligo siya at naka-ngusong naghalungkat ng mga damit. Pati ang dinala ni Denise na pambahay ay revealing din. Isang geometric halter jumpsuit shorts na de-tali sa likod ang napagdesisyunan niyang isuot. Nagsuot na lamang siya ng cardigan dahil nilalamig siya.

Bago lumabas ay sumilay muna siya kay Sebastian na natutulog pa rin, what a beautiful sight for her. Napangiti siyang muli nang may maisip na plano.

✿❁❀✿❁❀✿

Kasama niya ngayon ang kasambahay na nakausap niya noong kumuha siya ng tubig, ang head pala ng mga maid na si nana Leni. Nagprisenta siyang ipagluto ng almusal si Sebastian, na unang beses niyang gagawin para sa lalaki.

"Ang sweet naman, hija! P'wede namang kami na lang ang magluto, pero gusto mong magpaka-asawa kay monsieur." Nakangiting umiling-iling si Emilia habang hinahalo ang nilulutong sinangag. She just can't help it, she wants to do nice things for Sebastian.

Nagpapasalamat siya sa kung sino mang anghel ang gumising sa kanjya ngayon, matagal niya na kasing gustong ipagluto si Sebastian. Ngayong binigyan siya ng pagkakataon ay hindi na niya ito pakakawalan.

Naiisip niya tuloy kung ano ang paborito nitong pagkain. Marami pa siyang bagay na hindi alam tungkol sa lalaki, at determinado siyang alamin ang mga iyon.

Usual breakfast lang ang kanilang niluto, omelette, sunny side up, bacon, fried rice, at tinuruan din siya ng nana Leni na magluto ng french toast. Tinakpan niya muna ang mga ito sa lamesa, matapos ay umalis na para gisingin si Sebastian.

Pagkabukas ng pintuan sa kuwarto ay nakadiretso lang ito at nakatakip ang isang braso sa ulo, ang isang kamay ay nakapatong sa comforter. Napangisi si Emilia nang magsimulang mamuo ang isang plano sa kaniyang isip.

Oras na din para siya'y makaganti sa lahat ng mga panggigising nito sa kaniya. Kung gigisingin lang din naman niya ito ay mabuti na sa mapaglaro at nakakainis na paraan na lamang kagaya ng mga ginawa nito sa kaniya.

Sumalida pa ang babae na may mapaglarong ngiti sa labi before slumping on Sebastian's stomach. "Oh!" Usal ng lalaki pagkadagan niya rito, na nakapagpatawa kay Emilia. She exerted a lot of weight for that, and by his groan mukhang epektibo naman ang kaniyang ginawa.

Namatay ang kaniyang tawa at agad na napalitang ng panlalaki ng mga mata at pag-awang ng labi, when the man rolled on the other side. He's now resting on the top of her while pinning her arm over her head. Iniisip niya palang ang kanilang posisyon at ang pagitan ng kanilang mukha ng lalaki ay mas lalong nag-iinit ang kaniyang mga pisngi, isama pa ang magkadikit nilang katawan.

Bride for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon