Chapter 24

9.8K 209 17
                                    

Chapter 24

She woke up early, na talaga namang pinag-effort-an pa niya. Bumili pa siya ng tatlong alarm clock para masigurong magigising siya ng maaga ngayon, at maisakatuparan ang kaniyang plano.

She just wants to do something ridiculous, heto nga at tahimik lang siyang nakaupo sa kama. Hinihintay lamang niya si Sebastian because she wants to see if he'll wake her up. Maski siya ay napapaisip kung ano ang kaniyang ginagawang kalokohan.

Bigla na lamang kasi niyang naisip ang ideyang ito. She finds it silly, but she needs to find something out.

She gasped nang makitang pumihit ang doorknob. Agad siyang nagtalukbong ng kumot, completely anticipating. Pinikit niya ang mata ng maramdamang may humila sa comforter.

She felt someone tapping her cheek lightly. Hindi pa ito nakuntento at inalog alog pa siya. Few minutes later ay nawala na ito. She's trying so hard not to crease her forehead. Pinanindigan niya na talaga ang pagiging isang aktres.

Napasinghap naman siya nang naramdaman ang pagsaboy ng tubig sa kan'yang mukha. Ito nga siguro si Sebastian, isip niya na nagpatuwa sa kaniya. He's the only one who wakes her up in the most ridiculous ways. 

Napaupo siya at agad na nadismaya pagkadilat ng mata. "Ma'am sorry ho, sabi po kasi ni sir eh kapag di kayo nagising, tubig ang solusyon." Nagkakamot batok nitong saad. Disappointed is an understatement for what she feels. Bakit nga ba kasi niya ito ginawa? Ngayon naman ay nadismaya siya dahil sa nauwi ang effort niya sa wala. 

Hindi niya rin naman alam ang kaniyang pinapatunayan sa pagsagawa nito. Wala naman siyang napala kung hindi ang madismaya.

Napalabi na lamang si Emilia. "Nasa'n po si Sebastian?" She got used to Sebastian waking her up in the morning, at ngayon ay dapat na siguro siyang masanay gumising mag-isa, o gisingin ng driver. Lalo na't naputanayan niya na iniiwasan nga talaga siya nito.

"Nauna na po eh, kakahatid ko lang po bago bumalik dito." Ito na yata ang literal na gusto siyang ipatapon sa ibang planeta. Dati ay kahit papaano ay lumalapit pa ito sa kaniya. In fact, nagiging malapit na nga sila bago ang gabing iyon.

She can't blame him, though. Naiilang siguro sa kaniya ang lalaki. Malungkot man sa kaniya ay wala naman siyang masisi kung hindi ang kaniyang sarili.

"Sige po. Gagayak na ako." Nginitian lang siya ng matanda at lumabas na ng kuwarto. Napabuga na lang siya ng hangin, at kinukumbinsi ang sarili na ito ang nakakabuti para sa kaniya. She's getting attached minute by minute and she must be thankful for having space from him. 

Ngunit kahit anong kumbinsi niya sa sarili ay nanatili siyang dismayado.

✿❁❀✿❁❀✿

"She's here!" Bumungad sa kaniya si Therese na ngiting-ngiti. Tipid siyang ngumiti pabalik.

Her eyes landed on Sebastian who's not even looking at her. She sighed deeply at naupo sa tabi nito. "Are you ready for my surprise?" Mukhang mas excited pa si Therese kaysa sa kanila. Seeing her reaction made her think kung ano ang sorpresa nito.

Ngiting tumango si Emilia. Kahit papaano ay nahawa siya sa kasabikan nito. Naisip niya na it must be something big dahil sa reaksyon pa lang ni Therese. Kahit papaano, nawawala ang diskumpyado niyang mood. 

"Guess what?!" Iwnigayway ni Therese ang keychain na may mga susi. Emilia's eyes widen in surprise. 

It can't be what she's thinking!

Bride for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon