Chapter 63

1.6K 42 4
                                    


********
.
.
Hinatid na 'ko ni Kiel kung nasaan si Manong Jude. Bale, nag text na 'ko na sa parking lot nalang kami magkikita. Then, pagkarating namin sa may harapan ng kotse ni Manong Jude ay hinarap ko naman si Kiel na dahilan para mapatingin 'to sa'kin.

"Uhmm, thank you nga pala." Panimula ko na medyo nahihiya sa kanya, saka naman s'ya napangiti habang nakatingin sa'kin.

"Wala 'yon. Pero may kapalit," napakunot noo tuloy ako. Sabi na e, pag may ginawa s'ya sa isang tao? May kapalit nor kondisyon. As usual naman.

"Ano naman 'yon? Dapat pala 'di na 'ko pumayag e." Sabi ko na ikinatawa n'ya.

"Ano na?" Nakasimangot kong saad.

"Well.." nanlaki ang mga mata ko dahil bigla niyang inilapit ang mukha n'ya malapit sa tenga ko. "You own me a dance later." Sabi n'ya. 'Di ko alam pero napalunok ako, na dahilan para 'di ako makatingin sa kanya ng diretso.

Nawala lang yung iniisip ko nang bigla n'yang buksan yung car door sa harapan ko. "Sakay na," saad n'ya.

"Eh, pa'no ka? Andito ba kotse mo?" Tanong ko naman.

"Nasa kabilang parking lot sa taas, pagkatapos ng parking lot 1 dito. Don't worry. Magkita nalang tayo mamaya." Sagot n'ya naman, kaya napabuntong hininga ako bago sumakay sa loob ng kotse sa may backseat, saka n'ya 'yon isinara.

Tiningnan ko naman s'ya saka s'ya ngumiti sa'kin habang nakatitig. "Tara na po ba, ma'am?" Biglang tanong ni Manong Jude kaya napatingin ako bago tumango.

***
Third person's POV
*******
.
.
Nang makaalis ang sasakyan ni Jane ay napatingin naman si Kiel sa kaliwang direksyon, kung saan din nakatingin si Mica sa kanya.

"May relasyon ba kayo ng Jane na 'yon?" Panimulang tanong ni Mica sa kanya kaya napangisi naman si Kiel.

"Why do you care? You're just my freaking spoiled brat ex. So, you have nothing to do with it."

"Just answer me!" Inis na sabi ni Mica kaya sinamaan naman s'ya ng tingin ni Kiel.

"I don't want to waste my time with your whining attitude. Just go home," Sabay tinalikuran niya ito.

"Gusto mo siya, 'di ba? Sumagot ka!" Na dahilan naman para mapatigil s'ya sa paghakbang. "Kilalang kilala pa rin kita Ezekiel Silverio, pag may nasabi ako? Nagre-react ka."

"Would you just shut the fuck up?! Damn." Saka ulit ito naglakad ng mabilis at 'di na nilingon pa si Mica.

Napangisi naman ang dalaga saka ito napa cross arms, habang tinitingnan ang naglalakad na si Kiel papuntang parking lot 2.

"I'll do whatever it takes just to get rid of an insect who's just pestering around, and I'll make sure that Ryle shin will be mine in the end."
-------

"So, how's being the CEO from the company of your dad?" Tanong ni Geo kay Renzo habang nakadekwatro 'to at nagbabasa ng magazine.

"Still the same, but it gives me a little stressed. Well, now I'm handling the position of being a higher profile. How 'bout you? I heard that you're going to be a father?" Sabi naman ni Renzo kay Geo na ikinangiti n'ya, saka ito sumandal sa may couch.

"Hmm, it feels great as usual, haha! Well, ngayon na alam ko yung pakiramdam na katulad din ng naranasan ni dad noon. Basta masarap sa pakiramdam," nakangiting sagot ni Geo. Napatango naman si Renzo habang nag babasa ito ng magazine.

"But, until now, you're still waiting. Anong plano mo lalo pa't 'yong babaeng hinihintay mo, may anak na? What's your plans?" Doon lamang napatigil si Renz dahil sa tanong ni Geo, saka n'ya ibinaba 'yong magazine.

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon