Chapter 42

1.5K 36 1
                                    


*******
.
.
Hapon na at kakatapos lang namin makapag review ni Tiffany sa may library. Vacant kaming pareho kaya naisipan naman namin na magreview muna saglit hanggang sa mag 4pm na.

Si Klein naman? After lang namin mag usap kanina e, may tumawag lang bigla sa phone n'ya kaya naisipan na rin namin na umalis sa may rooftop. Maybe, urgent kaya mukhang nagmamadali s'ya nung mga oras na 'yon.

"Okay na ba 'yung get up natin mamaya?" Tanong ni Tiffany nung napatigil kami sa may tapat ng mga lockers namin. Para kuhanin na rin 'yung ibang gamit namin sa loob.

"Ah, Oo e. Ikaw ba?"

"Oks na oks na, bhest, hehe. I hope nga na hindi tayo ma-out of place mamaya sa party with those guest. You know? Bibihira lang magpaparty si Tita Amellia. 'Yung step mom ni Wendy, remember?" Kasabay na pag lagay n'ya ng sketchers sa may loob ng paper bag. Kaya naman ako? Napa-isip bago magsalita.

"Hmm, nung nag 12 lang ata si Wendy? Maybe. Pero teka?" Napatigil s'ya nung maisarado n'ya 'yung locker saka napatingin sa'kin.

"Bakit?"

"Sino ba nagbigay n'yan? 'Yung sketchers na 'yan." Napatingin naman s'ya sa hawak hawak n'yang paper bag bago magsalita.

"Ahh..ibabalik ko lang naman 'to, pero lilinisin ko muna." Makahulugan n'yang sagot kaya medyo nagtaka ako.

"Hahaha! Ano ba 'yan bhest? Ba't parang ang seryoso mo ata ngayon? Curious ka, 'no?" Dagdag n'ya pa.

"Aysus, kanino ba galing 'yan?"

"Secret! Osya-sya! Tara na at uuwi na muna ako saka ako pupunta sa inyo. Okay ba 'yon?" Ay muntik ko na nga palang makalimutan. 'Yung party pala mamaya!

"Hmm Oo, tara tara." Aya ko kasabay na pagsarado sa locker ko bago kami maglakad na.

Napatingin ako sa wrist watch ko, and it's already quater 4:30pm. Napabuntong hininga ako nung makarating muna kami sa may harapan ng student council area. Nabigyan din kasi ako ng posisyon bilang vice ulit.

"Ah, bhest? CR muna ako, ah? Babalik din kaagad ako!" Tumango naman ako nung pagka-paalam sa'kin ni Tiffany para mag CR.

Kaya naman napasandal muna ako sa may tabi ng pintuan ng SSG Office. Sabi kasi sa'kin ni Klein, dahil naalala ko lang before kami umalis.

"See you at the birthday party."

----
Third person's POV
******
.
.
Seryosong nag uusap usap ang mga Darkwolves, dahil napag-alaman din nila na may mga plano na ang mga kaaway nila laban sa kanila. Parang nagdedebate ang dalawa na sila Yohan at Adrian. Samantala naman, sila Jake at David ay nagbibigay rin ng opinyon at ideya.

May malakas na nagsarado ng pinto, na dahilan para mapatigil silang lima.

"Sa'n ka ba galing, Ryle?" Bungad na tanong ni Yohan dito, saka naman padabog na umupo si Ryle sa may wooden chair.

"I just cleaned a fuckin' big dirt outside. So, what is this all about?" Kasabay na pag dukot nito ng stick na sigarilyo.

"We're just talking about the plans of our opponents. Well, nakuha ko mula sa spy namin last night. He's one of our alley to be honest. And yes? He pretend as a guest." Napabuntong hininga naman si Ryle nang matapos n'yang makapag sindi at saka ito nagbuga ng usok sa kawalan.

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon