Chapter 26

2.1K 43 3
                                    

****
.
.
Nakapamewang lang ako habang nakatingin sa dalawang dress na nasa ibabaw ng kama ko. White ba o caramel? Napakibit balikat ako saka pinili nalang 'yung white dress.

Matapos kong makapag palit ay isinuot ko nalang 'yung sandals sa mga paa ko. Napatingin ako sa paligid ng silid na 'to.

Akala ko pumasok si Ryle rito kaya medyo kinabahan ako kanina bago pumasok sa room 19. Napabuntong hininga ako at tiningnan ang sarili sa salamin.

"Mukhang ayos na siguro 'to, hayst." Nag pabango muna ako bago lumabas ng kwarto. Nakaramdam na 'ko ng gutom. Iniisip ko tuloy kung magkatabi ba sila ni Mica.

'God! Ano ba 'tong iniisip ko?!'

Napailing nalang ako saka isinarado ang pintuan ng room namin. Walang tao sa paligid. Mukhang nando'n nga silang lahat sa may Lobby lounge at ako nalang siguro 'yung wala pa roon. Napatingin ako sa paligid habang naglalakad papalabas ng Vista hotel.

Pag kalabas ko'y sumalubong sa'kin ang malamig na hangin, na dahilan naman para mapayakap ako sa aking sarili. Napatingin ako sa tatlong dining outlets, at nagmumula sa tatlong 'yon ang mga ilaw mula sa loob, kaya medyo maliwanag dito sa may labas.

Asaan ba rito 'yung Lobby lounge-ah! Ayun pala. Nasa pangalawang direksyon.

Akmang papasok na sana 'ko nang makasalubong ko si Klein na mukhang papasok din. Ngumiti s'ya sa'kin.

"Akala ko ako nalang 'yung wala pa, haha! Nice seeing you here, Miss Reyez."

Bahagyang ngumiti lang din ako. "Ako rin e, ahh mauna ka na--"

"Haha no, ladies first." Kasabay na pinagbuksan n'ya ako ng pinto, kaya nahiya naman akong lingunin s'ya.

Nanguna akong pumasok at ramdam kong sumunod s'ya sa'kin mula sa likuran. Naka dim lights ang paligid at tanging spot-light lang ang nagsisilbing liwanag dito.

Medyo nagulat lang ako nung inalalayan ako ni Llein sa paglalakad dahil medyo madilim ang daan.

"Okay lang bang sa'ming table ka muna umupo? Don't worry, kasama ko si---"

"There you are, tsk! I thought I lost you." Napatigil ako dahil naramdaman ko 'yung kamay n'ya sa bewang ko, na dahilan naman nang paninindig balahibo ko at paghuhuramentado ng sistema ko.

Napansin kong napatingin din si Klein sa kanya. "Hey, cuz Ryle! Akala ko hindi ka pupunta, haha!" Bati ni Klein na dahilan para mapatigil ako't nag salit-salitan ang mga tingin ko sa kanila..

WHAT?!

"Tss! Shut up, Klein."

"M-mag pinsan kayo?" Gulat kong tanong at kunot noo naman akong tiningnan ni Ryle.

"Hahaha! Yes. I thought you'd already know about it, Miss Reyez?" Ngising sabat naman ni Klein. "Tara dito." Saad n'ya.

Tulala pa rin ako at napagtantong nakaupo na ako sa table nila Yohan. God, ayaw mag sink sa utak ko 'yung nalamang kong magpinsan sila ni Ryle Shin!

"Naks! Hahaha! Buti nalang at may wine na tayo!"

"Oy gago! Ady! Kakain pa tayo! Haha!"

"Titikman ko lang Yohan! Hahahaha!"

Nakapabilog kami sa isang table at pinaggigitnaan ako nila Klein at Ryle. Kaharap ko naman si Troy na mukhang busy sa phone, at katabi n'ya naman si Jake na nakangising nakikipag usap kay Adrian.

"So, guys!" Nakuha nung isang lalaking may hawak-hawak ng mic ang atensyon naming lahat at nasa harapan s'ya't nakatutok sa kanya ang spot light.

"Goodevening nga po pala sa inyong lahat, mga 3rd at 4th year students!"

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon