Chapter 19

2.7K 48 2
                                    

****
.
.
Matapos ang pangalawang subject namin? Naisipan ko nang ligpitin 'yung mga gamit ko. P.E hours ngayon kaya pupunta kami ng mga kaklase namin. Napatingin naman ako kaila Ryle na papasok palang sa kabilang locker room. Bigla nalang napatingin sa'kin si Ryle na ikinaiwas ko naman nang tingin at agad pumasok na sa loob ng girls locker room.

Tinapik ako bigla ni Tiffany na kakapasok lang rin dito. "See? Same tayo ng time when it comes to P.E, beh haha!" Napangiti nalang ako saka binuksan 'yung locker ko para makapag palit na rin.

"Eh, anong next n'yong subject after this?" Tanong ko habang dahan-dahang nagpapalit ng damit.

"Well? Ayun, basta connected sa fashion designing haha! Ay nga pala! Nakita ko si Luke kanina sa may library." Sabi n'ya habang nag tatali ng buhok na ikinalingon ko naman sa kanya.

"Ha? Kailan?" Kunot noo kong tanong saka naman n'ya ako nilingon.

"Kanina lang before mag bell sa gawing hallway. And guess what? Magkasama sila ni Wendy inside the library. 'Di ko nga alam kung kailan naka-enroll 'yun dito, eh." Napaupo ako bigla sa bench na ikinatingin naman ni Tiffany.

Ang alam ko, hindi ko pa naman naipapakilala si Luke kay Wendy, ah? Magkakilala sila? Since when?

"Pero kasi, pa'no sila nagkakilala ni Wendy? 'Di ko maintindihan, Tiff. May hindi talaga sinasabi sa'kin Luke, eh." Saka naman s'ya tumabi sa'kin habang 'yung iba? Nag aayos na para sa P.E.

"Let's see, mamaya. Ay Oo nga pala, tara na sa gym!" Tumango nalang ako bago tumayo mula sa bench at sumunod na kay Tiffany.

Pagkapasok namin? Rinig na rinig ko 'yung ingay dito sa loob ng gymnisium. Pero nanatili nalang akong nakatingin sa nilalakaran ko. It really bothers me. Mostly about kaila Wendy.

Anong meron sa kanila? Ayoko naman na manghusga kaagad. I want some answers from Luke, that's all.

"All of you! Line up in here!" Nangibabaw 'yung boses ni Mr. m
Magdangal kaya agad kaming humilera.

"Op op! Maiwan 'yung section nila Sir Buenaventura sa may bleach! Ang matitira lang 'yung section ni Miss Aldamayo!" Napatingin naman ako sa section na 'yun na 'yung ilan sa kanila e, napakamot nalang tuloy.

"At kayong section ni Miss Aldamayo, sumunod kayo sa'kin sa may field!"

"Eh? Ano pong gagawin?"

"Jusko naman, Mister Conteverios! Alangan naman na mag lalakad lang tayo sa may tracking field! We'll going to do the running in 5 laps!" Rinig na rinig ko 'yung pag aangalan ng iba.

"Ang hindi tumakbo? Walang points sa card!"

Napatigil lang ako nung naramdaman kong may nakatitig sa'kin kaya nilingon ko 'yun. He's staring at me like that again. Katabi n'ya si Yohan. Sila Troy at Jake naman ang magkapartner, and last? Sila Adrian at Nick

Napatingin na 'ko sa harapan nung nagsalita ulit si Sir Magdangal. Saka ito pumito na dahilan naman para mag-istart na kaming mag jogging.

Grabe, habang tumatakbo ako? Ang laki at malawak pala talaga ng tracking field nila rito to be honest. Nasa likuran pala namin 'yung boys at kami 'yung nasa unahan. Ladies first daw eh.

"Buti nalang at hindi ako kumain hahaha!"

"Mabuti nga 'yun eh. Atleast hindi sasakit 'yang tagiliran mo, loko! Haha!" Rinig ko mula sa likuran namin. Maybe sila Yohan at Adrian ulit 'yun. Sila lang kasi minsan 'yung nag iingay eh. Mostly? Kahit may teacher pa. Nasisita nga lang si Adrian dahil sa malakas tumawa.

Nakaka-two laps na kami pero nakakaramdam na agad akong ng pagod. Sino ba namang hindi mapapagod? Like duh? Ang lawak lawak ng field, jusko. Napansin ko rin 'yung ibang girls eh, naglalakad nalang. Pero kami rito sa unahan? Tumatakbo pa rin.

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon