Chapter 28

2.1K 44 0
                                    

******
.
.
Nagising ako sa sinag ng araw na tumapat sa mukha ko. Kaya unti-unti akong napamulat. Napatigil ako nung napagtantong nakahiga pala ako sa kama. Iginala ko 'yung paningin ko sa paligid. Napatingin ako sa kabilang kama. It's empty.

Baka umalis s'ya?

Napailing nalang ako saka bumangon at napahawak sa ulo ko. I hate this hangover.

Ang kapal ng mukha kong uminom ng isang bote! Tapos, 'di naman pala kaya!

Napansin kong may isang baso ng tubig at meds sa ibabaw ng drawer, sa tabi ng kama ko. Then, may kasama pa s'yang sticky note na nakadikit sa baso na 'yon.

Kinuha ko naman saka binasa.

To: Witch

Take these meds for your hangover.

-RS

'Di ko namalayang bahagya na pala akong nakangiti habang binabasa 'yung note na galing sa kanya.

Akala ko hindi s'ya caring na tao. Pero.. kitang-kita naman at hindi panaginip.

Agad kong ininom 'yung meds at tubig. Napapikit ako dahil nga sumasakit pa rin 'yung ulo ko. God. I admit, masarap ngang uminom pero ang kapalit nu'n? Sasakit talaga 'yung mo. Like parang binibiyak? Basta gano'n!

Dahan-dahan akong bumaba ng kama't saka napahikab. Napatingin ako sa bintana. Kagabi lang, nakasara 'yung kurtina na 'yan. Ngayon, nakatali naman. Si Ryle Shin kaya 'yung nag ayos n'yan? Taka lang akong napatingin saka naisipan ng mag ayos.

Matapos kong makapag ayos sa lahat-lahat? E, isinuot ko na 'yung tsinelas ko't lumabas na 'ko saka isinarado 'yung pintuan ng room namin. Napatingin ako sa paligid at naglakad na.

Napaisip tuloy ako kung anong nangyari sa'kin kagabi. Ni hindi ko matandaan kung anong pinaggagagawa ko. Kapag meron nga akong ginawang ka-wirduhan kagabi? Isang nakakadiring pangyayari! Jusko! Ano ba itsura ko nu'n?

Napatigil ako nung makasalubong ko si Wendy sa daan. Ngumiti s'ya saka binati ako.

"Goodmorning, Jane."

"Goodmorning din..Ahmm, kumain ka na?" Bahagyang ngiti ko.

"Kakatapos ko lang kumain kasama si Luke sa may Cafe veranda," That made me stopped na dahilan para mapawi 'yung ngiti ko. Pero na nanatili lang s'yang nakangiti, "Baka hindi ka pa kumakain, pumunta ka na ro'n."

"Sige, salamat.." Saka n'ya na ako nilagpasan. 'Di pa rin maalis sa dibdib ko 'yung pagkadismaya dahil sa sinabi n'yang magkasama sila ni Luke, na dati lang? Sabay pa kaming kumakain ni Luke everymorning.

Napapikit ako nang mariin. Ayokong gumawa ng kongklusyon o ikasisira naming dalawa. Dahil it shows na napaka immature ko kung mag isip na kesyo, may ganito o ganyan. I have to stay positive.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ako ng hotel vista. Napadako 'yung paningin ko sa Cafe veranda na katabi lang ng Taza fresh table. Bahagyang humangin kaya medyo nilipad ng hangin 'yung hibla ng  buhok ko habang naglalakad ako.

Pinagbuksan ako nung isang waiter na nakangiting bumati sa'kin, kaya ngumiti rin ako bago pumasok ng tuluyan sa loob ng Cafe veranda.

Bumungad sa'kin ang ingay ng mga Darkwolves na mukhang nagkakasiyahan habang kumakain. Napatingin sa'kin si Adrian saka ito ngumiti nang nakakaloko.

"Mameh Jane! Over here!" Tawag n'ya sa'kin kaya bahagya akong natawa saka naglakad papunta sa direksyon nila. Napatingin din sila Yohan sa'kin habang ngumunguya.

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon