Chapter 41

2K 45 5
                                    

********
.
.
It's monday and mamaya na 'yung birthday party ni Wendy. Kitang-kita ko ang mga ka-schoolmates namin na abalang nag uusap-usap dahil aattend din sila mamaya. Hanggang sa 'yun nga, nakasalubong ko ang bruha sa may hallway.

"Bhest! Oh mah gash! This is it pancit!!!" Napangiwi ako sa inasta ng bruha sa harapan ko. Jusko! Ang OA pa rin ng reaksyon kaya napatingin ako sa mga estudyanteng dumadaan dito.

"Ano ba 'yon? Para kang nanalo sa lotto ah?" Saka naman s'ya napahawak sa isang kamay ko habang nakangiti pa rin.

"Alam mo ba?"

"Ay hindi ko nga alam e,"

"Bhest namannnn.." kaya natawa ako nang bahagya.

"Oh, ano nga?"

"So 'yun nga, look oh?" Kasabay na pagpapakita n'ya sa'kin ng sampung tickets na medyo ikinalaki ng mga mata ko. "Nanalo ako sa raffle na trip to boracay! Kaya ikaw 'yung naisipan kong puntahan, then sunod? 'Yung mga mala F6 na Darkwolves hehe. Kasama rin do'n 'yung boyfriend ko hihihi."

"Sigurado ka ba? 'Di ba dapat pati family natin?"

"Nako! Ayaw nila mudrakels! Tsaka, busy rin naman 'yung mudra mo,'di ba? So, bakit hindi natin isama 'yung mga Darkwolves? The more? The merrier!" Masayang sabi pa sa'kin ng bruha na 'to na ikinangiti ko nang bahagya. Kala ko kasi baka nakabusangot na naman 'tong bruha na 'to, dahil nag away na naman sila nung David na 'yon. But thankful ako kasi hindi at mukhang maayos naman sila.

"Oh, kumusta na 'yung isusuot mo para mamaya?" Tanong ko naman nung nagsimula na kaming maglakad para makapunta sa mga classrooms namin.

"Ayon nga lang, pinag aawayan pala namin ni David 'yung isusuot ko. Buti't pinaalala mo, bhest."

"At bakit naman, aber?"

"Eh, kasi bhest? Mas gusto ko 'yung may backless na color red. Kaso ayaw n'ya, masyado raw revealing ang likuran ko. Malamang! Ang ganda pa naman ng likuran ko, tapos, hindi ko man lang ipagmamalaki sa madlang pipol? Kakaloka ah?"

"Hahaha! Ikaw talaga, baka ayaw n'ya lang na may nakakakita ng skin mo na masyadong revealing? You know? Mala possessive rin ata 'yang si David mo." Bahagyang ngisi ko. Saka napairap naman sa kawalan ang loka. Napatigil na kami sa tapat ng room n'ya.

"Os'ya-sya. Ingat ka nalang sa pag pasok mo, ah? Alam mo naman bhest? May masamang damo na nasa paligid lang--"

"Haha! Oo na! Ano ka ba?"

"Sige na! Hahaha!"

Napailing nalang ako saka naglakad na para makapunta sa classroom namin. Inayos ko muna 'yung necktie ko habang naglalakad, dahil hindi masyadong maayos 'yon. It was a long week, at malapit lapit na rin ang midterms namin. As usual? I really need to review more notes para hindi ako kulelat sa finals.

Napatigil ako at nabigla nung nakita ko silang dalawa ni Ryle shin at Mica na naghahalikan sa tabi ng janitor room. Na kulang nalang e, maghubaran na ang dalawa. Para akong binagsakan ng malaking bagay sa dibdib ko, kaya agad akong napaatras saka agad na tumakbo papuntang classroom namin.

Ang bilis nang pagtibok ng puso ko nung makapasok na 'ko't konti palang ang mga estudyante rito. 'Di ko alam kung anong nangyayari sa'kin. Napailing ako nung makaupo na 'ko sa may upuan ko. Ramdam na ramdam ko ang pamamawis ng mga kamay ko, habang mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko. Sino ba namang hindi, 'di ba? I mean-Sinong hindi masha-shock na makakakita ka bigla na may naghahalikan at sa eskwelahan pa? Jusko. Napatampal tampal ako sa magkabilang pisngi ko.

Wala lang 'to Jane! 'Wag kang papaapekto! Kay Luke ka lang tandaan mo 'yan!

Maya-maya pa'y pumasok na ang limang ulupong, ang Darkwolves. Kaso walang pumasok na Ryle shin. Nginitian ako nila Adrian at Yohan kaya ngumiti rin ako nang bahagya pabalik.

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon