Chapter 34

1.8K 36 2
                                    

******
.
.
Nakakapanibago lang. Akala ko kasi e, hindi n'ya ako papasakayin ng kotse n'ya but I was wrong. Tahimik kaming pareho at abala sa pag mamaneho si Ryle papuntang school namin. Nasa backseat naman ang gitara n'ya na may dark lace.

It's just, nakakapanibago lang talaga and mostly? 'Yung kahapon. Parang ibang Ryle 'yung kaharap at kausap ko, or siguro baka nagbabago na talaga s'ya? Napahalukipkip lang ako habang nakatingin sa may bintana.

Nang makarating kami sa may campus ay agad na pinark ni Ryle ang kotse sa may parking lot. Huminga ako nang malalim saka tinanggal 'yung seatbelt ko pero nanguna nang lumabas si Ryle.

Kaya inayos ko 'yung sarili ko. Pagkababa ko ng kotse e, isinarado ko kaagad 'yung pintuan.
Pero medyo gulat ako nung nakita s'yang parang naghihintay sa'kin habang nakapamulsa at nakasukbit ang gitara sa likod n'ya.

Ano na namang pakulo 'yan?

Napabuntong hininga ako bago maglakad saka naramdaman ko naman 'yung pagsunod n'ya-I mean, pagsabay n'ya sa'kin sa paglalakad. Muntik ko nang makalimutan na parehas pala kami ng section.

And here we go again...ramdam na ramdam ko na naman 'yung mga paningin nila sa'ming dalawa. Napatingin naman ako sa mga estudyanteng mukhang mag aayos ng mga decorations sa loob ng CC.

"Bhest!!" Bungad ni Tiffany kaya napangiti ako saka n'ya ako sinalubong yakap. "Nga pala, sorry kung hindi ako nakadalaw, ha? May inasikaso lang ako. Tsaka--"

"Ano ka ba? Okay lang, 'no? Kung ano man 'yon? Naiintindihan ko." Bahagyang ngiti ko at napatingin naman si Tiffany kay Ryle saka napataas ang kanyang kilay.

"Uhh, anong meron?" Taka s'yang napatingin sa'kin. "Tsaka, ba't may dala-dala s'yang gitara?"

"Ahh..ehh, mag pe-perform kasi kami mamaya. You know? I'm just doing this for the grades." Kaya napatango-tango naman s'ya. Napatingin naman ako kay Ryle na nakatingin lang sa kawalan.

"So, sige na. Kita nalang tayo mamaya sa may cafeteria, ha?"

"Sige, sige. Galingan n'yo ah? Baka pumiyok ka hahaha!" Asar n'ya pa.

"Loka! Haha! Sige na." Tumango naman s'ya kaya naglakad na 'ko. Naramdaman ko naman 'yung pagsunod ni Ryle sa may likuran ko. Kaya medyo hindi lang ako mapakali.

Maya-maya pa'y pumasok na kami sa may school building, pero nakasalubong naman namin sila Yohan at Adrian na mukhang bababa ng hagdan.

"Oh! Goodmorning Mameh Jane! Papi Ryle!" Nakangising bati ni Adrian at nakangiti naman nang bahagya si Yohan. Kaso napansin kong may pasa s'ya sa gilid ng kanyang labi.

"A-Anong nangyari d'yan?" Takang tanong ko kaya napataas ang mga kilay ni Yohan saka napaangat ang gilid ng labi n'ya.

"Ah, eto ba? Haha! It's just a scratch, don't worry." Sagot n'ya naman habang nakatingin sa'kin. "Oh, and by the way? Goodluck sa'ting lahat para mamaya."

"Maganda siguro 'yung iperperform n'yo ng kapartner mo--"

"Tss! Let's go." Singit bigla ni Ryle kaya napairap tuloy ako sa kawalan. Napansin kong natawa naman nang bahagya si Yohan sa'ming dalawa.

"Yaan mo Papi Ryle. Time is really a gold one." Nakangising sambit ni Adrian.

"Pfft, loko haha." Napapailing na sabi ni Yohan habang nakatawa. "Os'ya, punta na muna kami sa may CC. para tingnan 'yung loob." Kaya napatango naman ako saka tinapik n'ya si Ryle sa balikat bago nila kami nilagpasan.

Nagulat ako sa paghila ni Ryle sa'kin habang nakahawak sa wrist ko, "Ano ba?! Grabe naman kung mang hila 'to." Medyo naiinis kong sabi. Pero hindi n'ya man lang ako nilingon.

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon