The Secret Agent: 10

Start from the beginning
                                    


"Ammonia." Aniya at dahil sa naging aware na naman ako sa kapaligiran ko ay naramdaman ko ang kirot ng balang nakatanim pa rin sa binti ko.


"Delikado ang tama sa binti mo kapag hindi natin natanggal ang bala." Aniya at tsaka pinunit ang suot kong pantalon at nakita kong umaagos pa rin ang dugo sa binti ko at medyo malalim ang pagkakapasok ng bala.


Tumayo si Magnus at pawang naghanap ng kung ano sa paligid niya. Bumalik ito at laking gulat ko ng bitawan ni Magnus ang bote na kanina niyang hawak at pinagtuunan na ang binti ko, "Aray puta!" ani ko at wala pa sa alas kwarto ng pisilin nito ang binti ko at nakita ko ang pag-agos ng maraming "Araaaaay!" Singhal ko..


Umusli na ang bala at lalong hinigpitan ni Magnus ang pagpisil dito kahit na nakikita ko na ang laman na lumalabas mula sa butas na sanhi ng tama ng baril. Hindi ko na alam kung ano ang ginawa niya at sa hawak niyang gunting pero unti-unti ng nawawala ang pakiramdam ko at namamanhid na ang binti ko.


At ilang sandali pa ay unti-unting nawala na ang liwanag na nasa paligid ko at napapikit ako. "Nikko! Nikko!" Ang mga huling salitang narinig ko.


AHRON:


Lima kaming magkakasama sa van at mayroong susunod na mga pulis sa lugar na kung saan naroon sina Nikko. Dahil raw sa sobrang daming gawain ay aabutin pa raw ng kung hindi sa dalawa o isang oras ang pagdating nila.


"Agent Dela Fuente kung naroon si Magnus at naroon ang boss ng sindikato.. Ibig sabihin kasabwat si Del Fiero?" Tanong ni Agent Custodio sa akin habang nagmamaneho.


"I'm doubting Del Fiero simula noong nakipagusap siya sa'kin na magtulungan kami para mailigtas si Nikko. And my instincts are right at ngayon nasa iisang lugar ang lahat ng kailangan nating maisurrender at pagbayarin sa batas." Mahaba kong sagot at napatango na lang rin ang iba pang sakay ng sasakyan na sina Agent Luna, Rivera, at Lopez.


"We'll see kung may makukuha pa tayo sa DOS na back-up. What will happened if Del Fiero is just an instrument at nagkamali lang?" Kritikal na tanong ni Agent Rivera.


What if?


"Masasagot ang tanong natin kapag nalaman na natin ang totoo." Ani ko sabay tuloy sa pagmamaneho.


Hindi ko alam kung ano pa ang mararamdaman ko. Aaminin ko na napapagod na rin ako dahil sa naging misyon ko kanina para kay Rain at alam kong dapat ang misyon na ito ang isa sa mga misyong hindi ako dapat mapagod.


I don't know how to think para akong paralisado at basta ko na lang ginagawa ang mga bagay na 'to. Ano ba ang halaga ni Nikko sa buhay ko? Bakit ko kwinekwestyon ang mga nangyayari sa'kin ngayon? I am Ahron Dela Fuente, I shouldn't be afraid sabi nga ni Mom noong bata pa ako.


Mahal mo kasi. Bulong ng boses sa utak ko at somehow biglang bumalik ang mga memorya kung paano ko sinabi sa babaeng pinakamamahal ko noon ang mga salitang 'mahal kita'. Paano ko sasabihin iyon kay Nikko kung mawawala siya sa paningin at sa piling ko?

The Secret Agent (COMPLETED)Where stories live. Discover now