CHAPTER 21 "SAVE HER PT-1"

2.9K 115 2
                                    

Third Person's Pov

Nag-aalala na si lola cora dahil limang oras ng hindi umuuwi Si jasmine.Pati na rin Si vera at marah hindi din maiwasan na mag-aalala.

"Gamitin kaya natin ang mirror of truth?!"vera."Tutal matagal na natin hindi nagagamit iyon."dag-dag pa niya.Sumang-ayon naman ang dalawa.

Kinuha ni lola cora ang mirror of truth.

"Ipakita mo saakin ang aking apo."lola cora.Biglang nagliwanag ang salamin at ipinakita nito si jasmine na walang malay at nakatali ang dalawang kamay ng itim na chains.

Alam na agad nila ang kung sino ang kumuha sakanya."darkerias!"banggit ni Imarah.Tumayo siya at kinuha ang wand niya na kulay asul na may pilak na desenyo.

Lumiwanag ito at ipinakita dito kung saan lukasyon ba Si jasmine sa Altariah idinala dahil maraming teritoryo ang mga darkerias.

"Shes in west malapit sa kaharian ng Darkeria."imarah.Tumango naman ang dalawa.Pumunta muna Si lola cora sa kwarto ni jasmine.Para kumuha ng mga damit doon.

Si auntie vera naman kumuha ng mga potions kung sakali may emergency at kinuha narin niya ang kaniyang wand na kulay abo na may emerald na desenyo.

Si imarah inaaral ang mga makapangyarihang spells na hindi niya pa nagagamit noon dahil wala siyang oras Para dito.Pero ngayon kakailanganin niya ito Para iligtas ang kaniyang pamangkin.

Habang kumukuha si lola cora ng mga damit Para may jasmine, agad niya napansin ang isang libro na may gintong desenyo.Kaya kinuha niya ito.

Nanlaki ang mga mata niya ng makilala niya ang libro.Pagkabukas niya ng unang pahina lumiwanag ito at lumitaw ang pamagat ng libro 'La Historia Altariah'

Hindi pa rin siya makapaniwala na sawakas nakita na niya ulit ang libro.Ngunit nagtataka pa rin siya kung bakit napasakamay ito ng dalaga?Paano niya ito nakita?saan niya ito nakita?maraming tanong ang na sa isip ni lola cora.

Kinuha nalang niya ang libro at iniligay sa bag, Tsaka siya nagtungo sa kwarto niya niya Para kuhanin ang kaniyang wand na kulay lila na may mga diyamante na mga desenyo.

Pagkatapos nila kunin ang mga kakailanganin nila, Pumunta sila sa bakuran ng bahay.

Lola Cora's Pov

Nandito kami sa bakuran ng bahay.Ng biglang nagtanong Si vera.

"Mama!papaano ang pharmacy?hindi natin basta basta nalang iyon iiwan."vera.

Tama siya, hindi pwede na nakasara lang lagi ang pharmacy.Dahil sigurado ako marami ang bibili ng mga gamot.At Tsaka marami rin ang magtataka.

"Ako na ang bahala!"imarah.Lumiwanag ang kaniyang wand ng kulay asul at biglang lumitaw ang isang kamukha ko.Bahagya pa Nagulat ako at Si vera."Siya ay ang clone mo aking kapatid, gagawin niya ang lahat ng nais mo ipagawa sakanya."dag-dag pa niya.

Hinarap ko ang clone na hindi naman kasing ganda ko.Siyempre mas maganda pa rin ang original.At mas matalino pa.Tinaasan ko ito ng kilay at nakapameywang ako.Humagikhik naman si vera at imarah.

Itinapat ko ang palad ko sa clone ko na ngayon ay nakatayo lang ng tuwid.And i cast a spell.

"♒♓⛎♍♒"

Tumalikod siya at pumasok na ng bahay.Alam na niya ang gagawin sa tuwing my bibili sa pharmacy.At alam na niya ang sasabihin kung sakali man may magtanong.

Itinapat namin ang aming mga wand sa malaking puno na nasa harapan namin ngayon.Lumiwanag ang gitna ng puno at lumabas ang isang portal na kulay ginto at hinigop kaming tatlo.

Maghintay ka lamang aking Apo ililigtas ka namin.

~~~~~

Hello Guys salamat sa patuloy na pagsuporta ng story ko.

Baka next week or These following days ay magiging mabagal ang UD ko.Malapit na kasi ang pasukan.Sana maintindihan niyo.Salamat sa mga nakakaintindi.

Guys!may riddle ako~

A tree without roots, a speech with No sound, a spine with No bones, What am i?

Kung Sino yung una na makasagot nyan very good kayo^_^bawal mag research be fair ∩__∩

Bye ●﹏●

The Guardians Of Altariah:The Orb Of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon