CHAPTER 18 *THE TRUTH*

3.1K 125 2
                                    

Lola Cora's POV

Bumuntong hininga muna ako paano ko ba sasabihin ito?! At nagsalita na ako ulit."kami ni auntie vera mo ay...altariahn ibig sabihin taga altariah kami. Pati ikaw doon ka nanggaling at doon ka din ipinanganak. Hindi Totoo ang sinabi ko noon na namatay ang iyong mga magulang sa isang accidente. Nakakulong sila ngayon sa altariah pero..."

Paano ko ba ito sasabihin?!wala na Akong balita tungkol sa ama niya.

"Pero...wala na Akong balita tungkol sa ama mo.Pasensya na Jasmine kung ngayon ko lang ito sinabi saiyo. Sana patawarin mo ako Apo." Ako.

Ngumiti lang siya saakin at niyakap niya ako. Sana Hindi niya ako tatanungin tungkol sa ina niya.Ayaw ko siya na masaktan kung sakali man na malalaman niya ang katotohan tungkol sa nangyari sakanyang ina.

Ipinakita ito ng the mirror of truth saakin.

Flashback

Naghahanap ako dito sa drawer ng mga bottles para sa ginagawa kong lotion na ibebenta ko mamaya sa pharmacy.

Pagkabukas ko sa maliit na drawer na nasa gitna tumambad saakin ang salamin na kumikinang dahil sa ginto nitong desenyo.

Ito ang Mirror Of Truth, matagal ko ng Hindi nagagamit ito.Kaya kinuha ko ito at umupo muna ako sa sofa.

Matagal ko ng gustong hilingin na makita ang anak ko.Its been sixteen years since I saw her face.Pero kahit Hindi ko siya nakikita palagi ko parin siya naalala dahil kamukhang kamukha niya si jasmine.

"Show me my daughter!" Ako.

Lumiwanag ng nakakasilaw ang salamin at ipinakita nito ang aking anak na parang balisa.

Tumatakbo siya ngayon sa dead mountain.Gustong-gusto ko siya tulungan pero wala akong magawa.

Nawawala ang Book Of Altariah Kaya Hindi ko siya matutulungan.Tumigil siya at itinapat niya ang kanyang kamay sa kawalan.

May nabuo na Bolang Liwanag dito na kasing laki ng bola ng Golf.At itoy bigla nawala parang may sinabi siyang spell na nagpawala ng bolang liwanag.

Ang sumunod na nangyari ay ang nagpagulat saakin.
.
.
.
.
.
Bigla siyang natumba at biglang lumitaw ang hari na may hawak na dagger na may lason, dahil may green na likido ang nasa blade nito.

Unti-unting kumakalat ang lason sa katawa ng anak ko.Nagiging maputla ang kanyang balat at may parang itim na ugat ang kumakalat sa buong katawan niya.

Pagkatapos nun bigla nalang lumiwanag ang salamin, ibig sabihin tapos na.Tumulo nalang ang aking mga luha na kanina pa gustong kumawala saaking mata.

Flashback End's

Hanggang ngayon Hindi ko parin maalis sa isipan ko ang mga nakita ko. Basta kailangan ko iligtas ang anak ko.

Jasmine's POV

Bakit parang ayaw sabihin ni Lola ang nangyari saaking ina?!parang ayaw niya maging topic iyon.

Tatanungin ko na sana siya kaso bigla siyang tumayo."Apo aalis na muna ako ha?!matutulog na ako ikaw matulog ka na din may klase ka pa bukas."

Tumango lang ako sakanya.Umalis na si lola at kinuha ko na ang libro at nagsimula ng magbasa ulit.

Wait ano toh?!

Ang mga royalties lang ang nakakahawak sa libro patungkol sa altariah. Dahil makapangyarihan ang libro ang kung sino man na Hindi royalty ang humawak nito ay...malalason'

Wait!nahahawakan ko ang libro.At Hindi ako nalason.So ang ibig sabihin ba nito ay...
.
.
.
"Royalty Ako?!"

~~~~~

This is the update for todayyy.

Sana nagustuhan niyo kahit late na.

Lame ba?

Sorry na please.

v

The Guardians Of Altariah:The Orb Of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon