CHAPTER 2 *CRAZY?*

8.7K 285 7
                                    

I hope you'll like this chap.

Enjoy~

***

ANG saya-saya ko dahil Birthday ko ngayon nandito din ang kaibigan ko si Tashia. Itim ang buhok nya at bilugin ang mga mata. Bestfriend ko sya simula pa nung pagkabata.

Mula noon siya palagi ang kasama ko. Suki din ang nanay nya sa Pharmacy namin. Uy wag kayo! effective ang mga gamot namin some are made of organic plants na nasa bakuran lang namin nakikita, and not just ordinary plants, some are like unidentified. Noon nagreresearch ako sa mga ibat-ibang uri ng halaman but it is for safety naman, baka mamaya may nakatanim na palang marijuana jan sa bakuran tas di ko alam. Nagiging botanist tuloy ang peg ng ate niyo.

"Happy Birthday bessy ito nga pala oh! gift ko sa mahal kong Bestfriend."sabi nya na panay ang tili. Tignan mo nga itong babaeng ito mas excited pa kesa sakin.

"Thank you bestfriend."sabi ko naman at binuksan ko kaagad ang regalo napa 'wow' nalang ako. Isang dilaw na bag.

Ngumiti ako at niyakap sya ang sweet talaga ng bestfriend ko. Alam na alam nya kung ano ang gusto ko.

Kinuha ni Auntie ang malaking cake na floral ang desenyo paalala lang po di ako ang pumili ng cake si Lola hayaan niyo na di naman importante ang desenyo ang mahalaga kung gaano kasarap diba?!

"Now make your wish."sabi ni auntie. Na sinayaw sayaw pa yung cake. Nagmumukha tuloy siyang endorser si lola naman may pa hand gesture. Wala na mukha na silang dancer sa wowowin.

Ipinikit ko ang mga mata ko't pagkatapos na akong mag-wish hinipan ko na yung candle. Napaulanan naman ako ng palak-pak at tili galing kay tashia at auntie.

Nag-wish ako na sana, ganito kami kasaya habang buhay. Ngumiti ako sakanila ng matamis, bigla naman may nag meow at pumatong sa lamesa.

"Popcorn yung cake!"

*****

Nagpaalam na si tashia at pinabalutan sya ni Lola at auntie ng maraming pagkain. Kulang nalang magpakain si tashia sa buong baranggay. Dalawang malaking plastic bag ba naman na may tig a-anim na styro na may lamang pagkain.

Nandito ako sa kwarto ko't nakatingin lang sa kisame may nag meow naman at pumatong sa tyan ko. It's Popcorn, ang itim kong pusa. Meron syang dilaw na mga mata. Sabi nila swerte daw ang mga pusa na may ibat-ibang kulay ng mata.

Ako rin naman may dilaw na mga mata. Nag co-contact lense ako kapag may ibang tao. Maski nga si tashia hindi nya alam na dilaw talaga ang mga mata ko tina-tanggal ko lang ang contact lense ko kapag wala ng ibang tao yung kami lang ni Lola at auntie.

Pumunta ako sa vanity mirror at pinagmasdan ang dilaw kong mga mata. Ang ganda parang malulunod ka kung tututukan mo ng matagal. Pumunta naman si Popcorn sa lap ko at doon humiga. Tsk! Papansin talaga Kahit kelan tong pusa to.

Pero iniisip ko pa din ang pinag-usapan kahapon ni auntie at Lola. Totoo ba yun o nababaliw na sila?! Di mawala-wala sa saaking isipan.

FLASHBACK

Nauuhaw na ako kaya pumunta ako sa ibaba at kumuha ako ng baso at nilagyan ko ito ng tubig. Saka ko ito tinungga pabalik na ako sa kwarto ng makarinig ako ng pag-uusap.

Si auntie at si Lola anong pinag-uusapan nila?
Lumapit ako sa pintuan ng kwarto ni Lola at idinikit ang pisngi ko dun.

'Vera ika-labing walong kaarawan na nya bukas.'-Lola.

'Oo nga mama! kailan pa natin balak sabihin ang Totoo?'-auntie .

'Hindi ko din alam...'-Lola.

'Kailangan na natin sabihin sakanya ang totoo kung hindi baka kunin nila siya ng walang alam at di makalaban.'-auntie.

Nanlaki naman ang mga mata ko dun ano ba ang totoo?! Anong sasabihin nila sakin?!

Nababaliw na ba sila?

'Saka na Vera ako nalang ang magsasabi sakanya.'-Lola.

Nakikita ko sa phereperal vision ko na tumango lang si auntie. O to the M to the G they are totally crazy. But suddenly may nag meow sa harap ko si popcorn kinarga ko sya at dali-dali akong umakyat sa itaas sakto naman na bumukas ang pinto sa kwarto ni Lola.

Ikaw talaga pusa ka balak mo pa ako ipahamak!

END OF FLASHBACK

The Guardians Of Altariah:The Orb Of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon