[76]

390 44 18
                                    

mariah

"Why am I wearing this?" nagtataka ako kasi pinasuot ako ni Amanda ng white cocktail dress tapos inayusan ako ng todo. Tapos sya ay nakaayos din. May pupuntahan daw kaming party.

"Aish! Wag ng maraming tanong, tara na. Male-late na tayo." aniya at hinila na ako palabas ng aming bahay at sumakay sa king kotse na sya ang nagdadrive. Nagtataka din ako kung bakit kaninang umaga ko pa di nakikita ang mga magulang ko pati si kuya.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Sshhh! ka lang friendsis." napairap ako at tumahimik nalang. Di din naman nya ako sasagutin ng maayos. Hinayaan ko nalang sya na magdrive hanggang sa makarating kami sa El Palacio Hotel. Ang sikat na sikat at sobrang mahal na Palace Hotel ng Pilipinas.

Di makapaniwalang bumaling ako kay Amanda.

"Are you sure dito ang party?" tumango-tango naman sya bilang sagot.

Sabay kaming lumabas ng kotse pagkatapos ay inabot nya sa valet ang susi at hinila na ako papasok sa loob. Entrance hall palang ng hotel ay nagsusumigaw na ang karangyaan. Palasyong-palasyo.

"Teka bakit ba hila ng hila. Marunong naman akong maglakad." reklamo ko sa kanya.

"Ahihi! Sorry. Bagal mo kasi." inirapan ko na lang sya at sumunod na sa kanya sa paglalakad. Nasa isang hallway kami patungo sa di ko alam kung saan dahil sinusundan ko lang naman si Amanda ng may makasalubong kaming babae na kasing edad namin na mukhang lasing.

Napahinto kaming pareho ni Amanda ng huminto ang babae at mapupungay ang matang tiningnan kaming dalawa na parang sinisino kami. Sa akin nagtagal ang kanyang tingin sa'kin.

"Well, well, well. Look who's here?" she said in a bitchy tone. Wait, kilala nya ako?

"Mariah Han. Pwe!" napaawang ang aking bibig ng banggitin nya ang pangalan ko at sa kanyang inakto.

"Aba! If you're looking for a fight, I'm willing to give it to you.". susugurin sana sya ni Amanda pero napigilan ko.

"Wag mong patulan, mukhang lasing." mahinahon kong ani.

"Miss, I'm sorry di ka namin kilala." sabi ko sa kanya.

"Aww! How sad naman, di mo 'ko kilala." maarte nyang sabi. "Well, let me introduced myself to you. I am Lindsay. Pierre Kim's bestfriend slash girlfriend." malademonya syang ngumisi.

Natuod naman ako sa kanyang sinabi. Biglang kumirot ng matindi ang puso ko. Anong sinasabi nya?

"Nagulat ka ba? Haha! Tanga kasi." malditang aniya.

"Hoy! babae--" muli kong pinigilan si Amanda. Ramdam kong nag-iinit na yong gilid ng mata ko.

"Ang tanga mo kasi naniwala ka kay Pierre na mahal ka pa rin nya pero ang totoo ay hindi. Ako ang mahal nya. Ako ang totoong girlfriend nya, wag kang ilusyonada." sigaw nyang sabi. Di ko naman magawang makapagreak. Ang sakit-sakit sa pakiramdam ng mga sinabi nya. "Wag ka ding mag-ilusyon na pakakasalan ka nya. Hindi mangyayari yon. Plano nya lang gumanti sayo kasi iniwan mo sya noon. Iiwan ka din nya sa ere at kaming dalawa ang magpapasakal."

"Enough." nanginginig kong ani kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.

Totoo ba ang kanyang mga sinabi? How can Pierre do this to me? Ibig sabihin kasinungalingan lang ang lahat?

"Bakit? Masakit ba? Dapat lang masaktan ka? Dapat lang sayo sa kasi nasaktan din si Pierre noon dahil sayo. But I have to thank you, kung di ka umalis di sya mapapasakin. Akin si Pierre. Akin sya."

"Lindsay." sabay kaming napalingon sa tumawag sa kanya.

Gusto kong tumakbo palayo pero parang may pumipigil sa'kin.

"Oh Pierre, babe." lumapit sa kanya si Lindsay at akmang hahawakan sya nito pero iniwas nya ang kanyang sarili at lumapit sa'kin.

"Baby--"

"Totoo ba?" batid ko ang pagaralgal ng aking boses.

"Baby---" bago pa sya magawa ng kasinungalingan ay malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya.

"I hate you. I hate you." bahagya akong umatras saka ako tumakbo paalis.

Narinig ko ang pagtawag nya sa'kin pero di ako lumingon. Ang sakit. Sobrang sakit. Bakit ganito ang ganti nya sa'kin?

Twist and ChaseWhere stories live. Discover now