[29]

391 45 21
                                    

Shit! Hindi talaga ako nananaginip. Nandito talaga sila. Nandito sya. Pero anong ginagawa nila dito?

"Ah! May reunion kayo dito, kuya?" wala sa sarili kong tanong. Sino ba naman kasi ang makakapag-isip ng matino kung ramdam na ramdam ko yong tingin nya?

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko?" aniya. Bwisit. Ba't kelangan nyang alamin?

"Uhm! Y-yong pusa ng kapitbahay. O-oo, yong pusa. Yixing ang pangalan." Letse! Pusang chinese. Ang galing.

Naghihinalang tingin ang ibinigay ni kuya sa'kin. Dumagundong naman sa kaba ang aking dibdib sa ibinulong ni kuya.

"You're lying 'lil sis. I know you." peke naman akong ngumiti.

Pasimple kung sinulyapan si Pierre. And god! Nakatingin pa rin sya sa'kin.

"Kakain kami dito. Inaya ko sila." marahan akong tumango. Natutuwa ako sa isiping nandito sya. Pero di ko maiwasang di mapakali.

We were in the same place. He was in our house but I don't how to approach him. I badly want to but I'm afraid. Paano kung di nya ako pansinin? At isa pa, narito sila lahat. Ito na sana yong chance ko.

"Ahm! Tutulungan muna namin si mom na maghanda." ani ko at sinenyasan si Amanda na sumama sa'kin. Hinintay ko syang makalapit sa'kin bago kami sabay na umalis.

Kanya-kanyang bati sina Lance sa'min ng madaanan namin sila. Tumango lang ako habang si Amanda ay inirapan sila. Abno nya talaga.

Nang matapat ako kay Pierre ay saglit akong huminto at lakas loob na nag-hi sa kanya but I got no response. Di na dapat ako umasa. Napansin naman iyon ni Amanda kaya hinila nya ako.

"Nagmumukha kang desperada sa ginagawa mo." mahinang sabi sa'kin ni Amanda.

"Gusto ko lang namang manghingi ng tawad para matahimik na ang konsenya ko."

"Yeah! Tell that to the cockroaches, they'll surely believe you." sarkastiko nyang sabi. Di naman ako nakaimik. Ganon na ba talaga ako kahalata at di ko sya mapaniwala?

Narinig ko ang mahinang pagtunog ng notification tone ko kaya dinukot ko ang aking phone sa aking bulsa. I saw twitter's message icon on the notification bar kaya tiningnan ko kung kanino galing. Sobrang nanlaki ang aking mata sa aking nakita sabay ng pagbilis ng tibok ng aking puso.

Oh my god! It this for real?

Pierre messaged me.

Twist and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon