[49]

354 41 13
                                    

Mariah

"He'd been to hell. Uh no, it's more than hell." Napakagat labi ako bahagyang napayuko sa sinabi ni Azul. Pakiramdam ko ay ang sama-sama ko. Tinawagan kasi ako ni Lance na imi-meet namin sya. Tungkol daw don sa mga gusto kong malaman.

"Parang syang nawalan ng pinakaimportanteng bagay sa buhay nya. Sobrang mahal ka nya Mariah at halos mabaliw-baliw na sya sa pag-alis mo. Ang laki ng naging epekto sa kanya ng pag-alis mo. Naglalasing sya, tapos nagwawala hinahanap ka. Minsan nalang din syang pumasok tapos naging pasaway pa sa mga teachers which is not him. Lagi syang nawawala tapos malalaman nalang namin na nakipag-away sya. Itinaboy nya kaming lahat sa buhay nya." saglit na tumigil si Azul sa mga sinasabi nya at uminom ng tubig.

"Pinabayaan nya ang sarili nya at di namin alam kung paano sya tutulungan at paano sya mababalik. I admit, we all blamed you for what happened to him. Pero noon yon. Hindi naman kami pwedeng magtanim ng galit sayo. Akala namin di na sya talaga papasok ng school kasi mahigit isang buwan din na wala sya. Then one day, ikinagulat namin na pumasok sya na maayos ang itsura pero di na sya yong Pierre na kaibigan namin at kilalang-kilala namin. He became cold and aloof sa ibang tao. Lalo na sa mga babae. Okay na rin yon keysa naman makita namin syang parang nababaliw na. Kahit nagbago sya, he's still my friend, our friend."

"I'm sorry." wala akong masabi. Hiya-hiyang ako sa mga nalaman ko. Hindi lang kay Pierre pati na kina Azul.

"You don't have to apologize. I understand why you left. Mali lang yong ginawa mong di ka nagpaalam sa kanya. Naintindihan ko din naman yon. You we're on the age before where you usually you made wrong decisions. Di natin pinag-iisipan tapos pagsisisihan natin sa huli. Di naman na din natin mababago ang nangyari, di ba? You just learn from it." kahit papaano ay nabawasan yong matinding kosensya na nararamdaman ko. Hindi ko alam na natino din palang mag-isip to si Azul. Hindi mo aakalain sa personalidad nya.

I was hesitant to asked him one question that's been on my mind. Pero nilakasan ko na din ang loob ko at kinapalan na ang aking mukha.

"Uhm! Sino yong girlfriend nya?"

Nagbaba ako ng tingin ng kumunot-noo si Azul. Di ko na nga talaga dapat itinanong.

"Girlfriend? Sino? Wala naman kaming alam na girlfriend nya."

My jaw dropped sa sinabi nya. Di ba sya nagbibiro?

"Paano naman magkaka-girlfriend yon eh ilag na yon sa mga babae. Nabaog yata." sinundan ng tawa ni Azul ang kanyang sinabi.

Talaga bang wala? Eh sino yong nakita kong kasama nya non sa restaurant? Ang sweet pa nga nya dito.

Iwinaglit ko naman agad ang ala-alang yon sa isip ko ng maramdaman ang pagkirot ng aking puso. Ang sakit nakitang may kasama ayang iba.

"Wala syang girlfriend. Ipupusta ko pa ang baba ni Green."

Loko! Pero, totoo ba?

Twist and ChaseWhere stories live. Discover now