[55]

450 43 40
                                    

mariah

Mataman kong tinitigan si Pierre na ngayon ay mahimbing ng natutulog. Minsan lang ako nagkakaroon ng pagkakataong ganito kaya lulubusin ko na. Kapag kasi gising di ko ito magagawa. Isa pa, di ko magawang tumingin ng matagal sa kanya kapag ang sa'kin ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Ang sikip sa dibdib kapag yon ang nakikita ko.

Gusto kong mabalik 'yong gaya nong noon. Yong paraan ng tingin nya na parang sobrang espesyal ko. Yong pakiramdam ko ako lang babaeng nakikita nya. Gusto kong maging parte uli ng buhay nya. Pero maari pa kayo yon?

Paano kung paggising nya at maayos na uli sya, kung wala na syang sakit ay itaboy na nya naman ako uli? Galit na naman sya sa'kin uli.

Isa pang naman ang gusto kong malaman at marinig mula sa kanya. Na pinapatawad nya 'ko. Yon lang para mawala ang mabigat na dinadala ko sa dibdib ko.

Parang may kusang isip ang aking kamay na inabot ang kanyang mukha at marahan itong hinaplos. I'm perfectly sure I won't have the chance to do this when his in his normal state. Kaya lulubusin ko na ang pagkakataong ito. Lihim ngang nagdiwang ang puso ko ng sinabi nya kaninang manatili ako sa tabi nya. At buong sistema ko ang kinilig ng pinatabi niya ako sa paghiga. Being near him is too much to handle. Pero gusgutuhin at gugustuhin ko pa ring nasa tabi nya.

I traced his nose with my fingers. He really has a perfectly arrogant nose. That thought made me smile. Everything about him is just perfect. I can't see any imperfections of him. Kaya ang swerte ng babaeng mamahalin nya.

Ang swerte ko sana.

"Sana mahalin mo ulit ako Pierre." mahina kong nasambit. Mapait akong napangiti kasabay ng pamumuo ng mga luha sa aking mata. "Mahal pa rin kita. Mahal na mahal. Sana di mo na ako itaboy. Sana bigyan mo ako uli ng pagkakataon." Nakagat ko ang aking ibabang labi para di kumawala ang hikbi sa aking bibig. "I missed you. I missed you so much."

Alam ko di nya naririnig ang mga sinabi ko. Di ko din naman kayang sabihin ang mga yon kung gising sya. May lakas ng loob lang naman akong sabihin yon ngayon dahil tulog sya.

Bigla syang gumalaw kaya nanlaki ang aking mata at dali-dali akong tumalikod ng higa sa kanya. Jusko! Nakakahiya pag nahuli nya kong pinapantasya sya.

Pinakiramdam ko kung nagising ba sya pero mukhang hindi naman kaya nilingon ko sya. Mahimbing pa rin ang kanyang tulog. Buti nalang.

Muling nanlaki ang aking mata ng bigla syang yumakap sa beywang ko. Pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga.

Good god! Torture ba 'to?

Kung ganito ang paraan nyo ng pagtorture sa'kin, sana dalasan nyo. Gusto ko yong pakiramdam na nakakulong sa mga bisig nya. Kung nanaginip man ako ay ayoko pang magising.

Natawa naman ako sa naisip ko. Kung anu-ano nalang ang pumapasok sa aking isipan para na akong baliw.

Ipipikit ko na sana ang aking mata dahil nakakaramdam na ako ng antok ng muntik na akong mapasigaw dahil isiniksik nya ang kanyang mukha sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit nyang hininga na tumatama sa aking balat. Damn! Makakatulog pa kaya ako nito? Walang tigil ang mabilis na tibok ng puso ko. Parang nakikipagkarera sa bilis.

But I feel like I'm on my own home. He is my home and I'm more than contented being with him. Pero alam kong pandalian lang ito. Ngayon lang. Bukas kailangan ko ng magising sa reyalidad.

Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na ang aking mga iniisip. Kinabukasan ay nagising akong magkayakap kaming dalawa.

Good god! I'm really not dreaming.

Twist and ChaseWhere stories live. Discover now