[32]

375 44 8
                                    

"Baby, ayos ka lang." Pinahid ko ang luha sa mata ko bago ako nag-angat ng mukha kay mom.

"Yes, mom. Ito kasing sibuyas eh. Ang hapdi sa mata." pagdadahilan ko kahit iba naman talaga ang dahilan kung bakit naiyak ako.

"Nako baby, hayaan mo na yan dyan. Sina Ate Rose na ang magtutuloy nyan." buti nalang di sya naghinala. Maraming salamat sa sibuyas.

"Uhm! Sige mom, pupunta muna ako sa lagoon." Tango at ngiti ang itinugon nya.

Bago lang pinagawa nina mom at dad ang lagoon. Naroon pa kami non sa America at ilang buwan pa bago kami umuwi. Masyado kasing malaki ang espasyo nitong kinatatayuan ng bahay namin kaya naisipan nila yon. Matagal na nilang plano iyon kung di lang kami umalis ng bansa. Mula ng umuwi kami ay naing paborito ko na syang tambayan. Presko kasi ang hangin doon at tahimik pa. Saktong lugar para mag-isip.

Pagkarating ko ay naupo ako sa isang marmol na upuan na nasa gilid. Actually may kasama itong mesa at dalawa pang upuan na marmol din.

Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa at binuksan ang twitter app ko. Muli kong binasa ang huling mensahe ni Pierre. Napakagat labi ako dahil para na naman akong maiiyak.

Hindi ko kayang gawin ang gusto nya. How can I treat him like a stranger kung ang puso ko ay di sya magawang kalimutan. Napakahirap na gawin iyon. Kahit pa siguro mabagok ako.

I was about to exit my twitter app ng may matanggap na naman akong mensahe.

It was from Yixing.

Agad naman akong mapangiti sa message nya. Hindi ko alam, pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya kahit bago ko lang syang kakilala at isang beses pa lang kaming nagkita sa personal.

Hindi naman siguro masamang magtiwala sa kanya.

Twist and ChaseOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz