[25]

386 41 52
                                    

Hindi ko maintindihan yong sakit na nararamdaman ko. Hindi dahil sa masasakit na salita kundi sa isiping mayroon na talaga syang iba. Ramdam ko 'yong galit nya eh. Yong isiping poproteksyunan nya ito laban sa kahit na kanino. Di ko maiwasang mainggit sa kung sinumang babaeng yon. She so lucky sya ang minamahal ngayon ng lalaking mahal. It should be me. Kung di ko lang sya iniwan.

"Tama na kasi, Mariah. Tama na. Katangahan na yang ginagawa mo eh. Hindi mo na maibabalik ang noon. Please move on." Halos sabay na naglandas ang luha sa aking pisngi.

"Kahit napatawad nya lang ako. Okay na sa'kin, Amanda." Marahan nyang hinaplos ang aking likod. "Kapag napatawad nya na ako, titigil na ako. Susubukan ko ng kalimutan yong nararamdaman ko para sa kanya pag nakuha ko na yong kapatawaran nya. Kahit mahirap. Kahit yon man lang Amanda."

"Aish! Minsan, gusto kitang pukpokin ng malaking bato sa ulo. Nakakainis ka na. Grabe yong pagkapana ni kupido sayo. Sapol na sapol. Malala. Pero ano nga bang nagagawa ko kundi suportahan ka pa rin. Sige na, tahan na. Pinagtitinginan na tayo eh."

Pinahid ko naman ng panyo ang aking mata. Alam ko, nakakahiya. Dito pa ako nagdrama sa restaurant. Nagpasama kasi itong si Amanda sa pagsa-shopping at inabot na kami ng gabi. Gutom na ko kaya di na namin hinintay sa restaurant na kami kumain.

"Ladies room lang ako saglit." ani ko. Kailangan kong ayusin ang aking sarili. Ayokong may mapansin sa'kin ang mga magulang ko pag-uwi ko.

"K! I'll pay the bills then uwi na tayo."

Marahan akong tumango bago ako tumayo at nagtungo ng comfort room. Saktong paliko ako sa malit na pasilyo papuntang ladiea room ng may lalaki akong nakabanggaan. I quickly apologized dahil alam kong ako ang di tumitingin sa nilalakaran ko.

"It's okay, miss." aniya sa lalaking-lalaki na boses.

Nag-angat ako ng mukha at nginitian sya. Saglit naman akong natigilan dahil di ko inaasahan ang itsurang makikita ko.

Hindi sa agad na paghanga but the guy standing in front of me is the personification of Adonis. Matangkad, maputi, he has a perfect jawline, arrogant nose, light brown eyes and naturally red lips. Pero ang nakakuha talaga ng atensyon ko ay yong malalim na dimple nya sa right cheek nya.

Bigla naman akong natauhan. I am checking him out?

"Uhm! Sorry ulit." ani ko. Ngumiti naman sya na mas lalong nagpalitaw sa dimples nya. God! Ang cute. Nakakainggit.

"Ah! Hi! I'm Lay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ah! Hi! I'm Lay. Nickname ko lang. Zhang Yixing ang tunay kong pangalan. Half Chinese." inilahad nya ang kanyang kamay. Tiningnan ko naman iyon. I was hesitant to accept it. Pero kabastusan naman kong hindi ko tatanggapin ang kanyang pakikipagkamay.

"Mariah Han." tipid kong ani sabay nakipagkamay sa kanya. "One forth chinese." natawa naman sya sa sinabi ko na ikinatigil ko. Ang sarap pakinggan ng tawa nya.

"Parehas pala rayong may lahing chinese." aniya. Kimi naman akong ngumiti.

"Uhm! sige. I have to use the ladies room." medyo awkward kasi na nag-uusap kami dito sa pasilyo ng comfort room.

"Ow! Sorry. By the, it's nice to meet." magiliw nyang sabi. Labas na naman ang dimples nya. Sarap dukutin.

"It's nice to meet you too. Sige." ani ko at nginitian sya bago ako umalis. Pero bago pa ako makapasok sa ladies room ay natigilan ako dahil sa sinabi nya kaya nilingon ko sya.

"Hope to see you again, Mariah."

His wearing a smile that could make the whole world fall for him.

Oh my god! Ilang beses ko na syang napuri eh ngayon ko pa nga lang sya nakita at nakilala.

Isang ngiti ang ibinigay ko sa kanya at bahagya akong tumango.

See him again? Bakit hindi?

Twist and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon