[11]

385 35 21
                                    

mariah

"Babe/Bebe labs/Princess/Hon." Lumukot ang aking mukha ng sabay-sabay na sumigaw sina Lance, Trent, Calvin at iba pang asungot na mga kaibigan ni Kuya. Ang lakas pa ng mga boses. Parang mga abno.

"I think I'm gonna enjoy this out of town. Nandito ang honeybunch ko." Siguro ay di na maipinta ang aking mukha ngayon sa lalong pagkalukot dahil sa sinabi ni Lance na umakbay pa sa'kin.

"Get your hands off before I break your bones." Banta ko sa kanya. Wala sanang syang planong alisin ang kamay nyang nakaakbay sa'kin ng si kuya na ang mag-alis nito.

"Kayo, kayo." tinuro sila ni kuya isa-isa. "Lubay-lubayan nyo ang kapatid ko kung ayaw nyo ako ang bumali sa mga buto nyo."

Habang binabantaan sila ni kuya ay palingon-lingon naman ako. Nakita ko sa unahan sina Azul, Gray at Green. Kumaway pa nga sila sa'kin.

Bakit sila lang? Nasaan sya?

"Halata ka masyado." bulong ni Amanda sa'kin. Napairap nalang ako.

"Kuya, punta na kaming rooms namin." Naiinitan kasi ako. Gusto kong magpahinga muna saglit saka ako maliligo para pumresko ang aking pakiramdam.

"Ah! Hindi tayo sa resort hotel magsi-stay little sis. Sa resthouse ng may-ari nito." Napaangat ang aking isang kilay. Ibig sabihin malapit nilang kaibigan nila ang may-ari nitong resort para sa resthouse kami patuluyin. Great.

"Okay! Tara na. Gusto ko munang magpahinga." muling aya ko. Kukunin na sana namin ang aming mga gamit sa likod ng van na amung sinakyan ng magboluntaryo sina Lance na sila na ang magdadala. Syempre pumayag na kami. Mabigat din kaya yong mga gamit namin ni Amanda.

Nauna kaming tatlo ni kuya at Amanda'ng pumunta sa resthouse. Nang makarating kami at makapasok sa loob ay napahanga ako. Dalawang palapag ang resthouse na halong mid-century at moderno ang istilo. Yong mga muebles, halatang mamahalin. May fireplace at may malalaking paintings na nakakabit sa dingding. Ang pinakanakaka-agaw ng atensyon ay ang magarbong chandelier. Maganda ang kabuuan.

"Nasaan nga pala ang may-ari nito, kuya? Ba't di nyo kasama?" takang tanong ko sa kanya.

"Nauna na sila dito kahapon?" Nag-angat ako ng isang kilay.

"Sila?" ani ko. Tumango-tango sya. "Magkapatid naming kaibigan."

"Ah! Sino ba? Okay lang ba sa kanila na sumama kami ni Amanda? Hindi naman nila kami kaibigan." Kita ko namang natigilan si kuya sa aking tanong. Bakit? May mali ba akong nasabi?

"Kuya." pukaw mo sa kanya ng di pa rin sya umimik.

"Okay lang sa kanilang isinama ko kayo. Wala naman akong magagawa eh. Matigas ang ulo mo, kahit di ako pumayag kaya nakiusap ako sa kanila na isasama ko kayo. At yong may-ari nito--"

"O, nandito na pala kayo. Welcome sa aming resort guys." Bago pa maituloy ni kuya ay narinig ko ang isang pamilyar na boses ng lalaki kaya madali aking mapalingon sa kinaroroonan nya. At nanlaki ang aking mata ng masino sya. Agad ang pagdagundong ng aking puso sa tuwa.

It's Ynigo.

At sinabi ni kuya na magkapatid ang may-ari nito ibig sabihin nandito sya. Wala naman kasing ibang kapatid si Ynigo. At isa pa, sinabi din ni kuya na nauna na sila dito kahapon.

Oh my god!

Akala ko masasayang na ang pagpunta ko dito dahil di ko sya nakitang kasama nila kanina. Yon pala, sila ang may-ari nitong resort. Wow!

"Hey! Pierre, nandito na sila." mas lalong lumakas ang dagundong ng puso ko ng banggitin ni Ynigo ang pangalan nya. At para akong natuod sa aking kinatatayuan ng makitang sa may likuran namin sya nakatingin.

"Yeah! I have two clear eyes. I see them."

God! That baritone voice. I knew it very well kahit pa medyo may nabago sa boses nya. Mas naging lalaking-lalaki.

"Pierre." banggit ni kuya sa pangalan nya. Gustong-gusto ko na syang lingunin pero parang may pumipigil sa'kin.

"Dude." Bahagya kong nakagat ang aking pang-ibaba labi ng marinig ang mga yabag nyang papalapit sa kinatatayuan namin. Di ko na napigilan ang aking sarili na lumingon sa kanya.

My breath ragged at the sight of him. God! He looks more handsome and manlier than before.

"Welcome to our resort." aniya kay kuya. I was hoping for him to glance at me but to my dismay, he didn't even just for a second. "Enjoy your stay here, pare. I'll just go upstairs." aniya pagkatapos ay pumanhik na sa second floor ng bahay.

I admit, nasasaktan ako sa di nya pagpansin sa'kin. Na parang wala ako. Na parang di nya ako nakikita. Nanliliit tuloy ako sa aking sarili. I am not welcome here.

But I won't back out. Nandito na 'ko. Gagawin ko ang lahat para lang makausap sya ng maayos at makahingi ako ng patawad.

Napaamo nya ako noon, ganun din ang gagawin ko sa kanya ngayon.

Twist and Chaseحيث تعيش القصص. اكتشف الآن