[03]

563 45 24
                                    

mariah

"Hoy!" Napaigtad ako sa gulat ng may kumalabit sa'kin.

"What the hell! Amanda." Sarap nyang buhusan ng malamig na juice. Kelangan talagang sumigaw eh, magkaharap lang kami.

"Duh! I've been talking for like an hour here and you're not even listening. You're spacing out. My god! Mariah." Napairap ako sa kanyang sinabi. Oo nga, alam ko at naririnig ko na kanina pa sya nagsasalita. Wala namang sense kaya bakit pa. Alangan namang sabayan ko ang kadaldalan nya. Mabuti pang manahimik na lang. "At tsaka, isang linggo ka ng ganyan. Don't tell me, sya na naman ang iniisip mo?"

Muli akong napairap.

"Don't state the obvious." ani ko.

"My god! Mariah. Hindi ka pa rin nakakaget-over sa kanya?" Iling ang itinugon ko. Totoo naman eh. Tsaka, bakit nya pa sinasabi eh alam naman nya.

Amanda had been my close friend for two years. We met when we both entered college. We took the same course, Interior Design. We click in instant and became close friends. Nang malaman nyang uuwi kami ng Pilipinas ay nagdesisyon syang sumama. Pinayagan naman sya ng kanyang mga magulang at ngayon ay sa'min sya nakatira dahil wala silang bahay dito sa Pilipinas. Ayaw naman nyang tumira sa condo mag-isa.

"What if magkita kayo?" she asked all of a sudden.

"Sana nga eh." mahina kong sagot. I heave a deep sigh and bit my lower lip.

I really wanted to him. But I don't how and I don't know where. At medyo kinakabahan din ako. Gusto ko syang makita pero di ko alam kung paano ako haharap sa kanya at kung ano ang sasabihin ko.

"What if may iba na sya?" That hit me hard. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Amanda. Paano nga? Isipin pa nga lang, ang hirap ng tanggapin. Masakit.

Ipinilig ko ang aking ulo. Di ko dapat iniisip yon. Ang kailangan kong isipin ay kung paano ko sya makakausap.

Bigla nalang parang may enerhiyang humihila sa mata ko na tumingin sa entrance ng cafe na kinaroonan namin.

I was froze at the sight of the guy entering the cafe. My heart automatically beats so darn fast. Pakiramdam ko ay para na itong sasabog sa sobrang bilis.

"Hey! Namumutla ka. You okay?" I heard Amanda asked pero di ko maintindihan ang kanyang sinabi. Naka-focus lang ang lahat ng atensyon sa lalaking ngayon ay papalaapit sa gawi namin.

Oh god! Gustong-gusto ko ng tumayo sa kinauupuan ko at salubungin sya at yakapin ng mahigpit.

Lihim kong naidasal na sana ay tumingin sya sa gawi ko. And god did heard my prayer. Isang dipa nalang ang layo nya sa mesang inuukopa namin ni Amanda ng tumingin sya sa gawi ko. I open my mouth and was about to speak ng lumampas sya na parang di nya ako nakita. And it breaks my heart.

Sinundan ko ng sya ng tingin. I swear, he saw me. Nagtama ang aming mga mata. Imposible namang di nya ako nakilala. Wala namang nagbago sa'kin. Physically. Pero bakit ganon?

Mataman ko syang pinagmasdan na ngayon ay nakaupo na sa isang mesa. Ni di man lang sya lumingon.

"Hey!" I snapped out of my thought ng tapikin ni Amanda ang aking balikat. "Uwi na tayo. Inaantok ako." aya nya. Matagal ako bago nakasagot sa kanyang sinabi.

"Oy! ayos ka lang?" doon pa lang ako natauhan.

"Huh? Ah! oo." alangang ani ko. Parang ayaw ko pa kasing umalis.

"Tara na." isinukbit nya sa balikat ang kanyang sling bag at nauna ng tumayo kaya sumunod na rin ako. Para naman syang nagmamadali dahil hinila na nya ako agad.

Habang papalabas kami ng cafe ay di ko maiwasang lumingon sa kanya. Di talaga sya nag-abalang lumingon kahit saglit man lang.

Lungkot ang lumukod sa'kin. Parang mag-iba na sya. Hindi na sya gaya nong dati. Mukhang hindi na sya yong kilala at minahal ko.

Parang nag-iba ka na Pierre Kim.

Twist and ChaseWhere stories live. Discover now