Finale

1.5K 173 93
                                    

Hinawakan ni Ara ang pisngi ko at medyo ngumiti siya.

"Thomas, hindi mo kailangang lumaban"saad niya "Ang kailangan ko ngayon ay ang maghihintay"

Napatungo naman ako at napaiyak siya lalo. Sa tingin ko, hindi ko napabago ang desisyon niya.

"Thomas, masaya na si Nathan kay Jeron at masaya ako para sa anak ko"saad niya.

Napapikit naman ako.

"Thomas, Thomas tumingin ka sa akin"

Tumingin naman ako sa kaniya at tinitigan ko ang mga mata niya.

"Thomas, huwag kang mapapagod at huwag kang susuko"saad niya "Ipapangako ko Thomas, babalik ako"

"Ara"kaagad ko siyang niyakap at umiyak ako sa balikat niya.

"Thomas, maghintay ka lang please? Maghintay ka kasi babalik ako para sa'yo. Babalikan kita"

"Ara"lalo akong napaiyak kasi alam ko aalis pa rin siya at iiwanan niya ako.

"Kailangan mong maging matatag. I know, you are strong and you are brave. You must be strong enough and brave enough for the both of us. Please do that for me, Thomas"saad niya habang yakap namin ang isa't isa "Maghintay ka kasi babalikan kita"

Tumango tango naman ako.

Bumitaw siya sa yakap at hinawakan ang pisngi ko.

"Babalikan kita, Thomas. Babalik ako sa'yo"

Tumango naman ako at ngumiti siya. Alam kong gagawin niya ito para sa anak niya kaya hindi ko na ito tatanggihan pa. Alam ko na ang pamilya ang dapat mauna.

Mahalaga ang pamilya at mahalaga ang ginagapanan niya bilang isang Ina.

Kaya alam ko at naiintindihan ko ang desisyon niya.

"Ara, our flight is here"saad ni Jeron at bumitaw ang tingin sa akin ni Ara.

Tumango naman si Ara at napatingin ako kay Jeron. Medyo ngumiti siya sa akin at tumango lang ako.

Tumingin si Ara sa akin at hindi na ako nakapagpigil pa. Muli ko siyang niyapos at napaiyak muli ako. Umiyak ako sa balikat niya at pinilit kong tanggapin na lang na mawawala na siya.

"Ara"bulong ko at pinatahan niya ako na para bang isa akong bata.

"Thomas, mahirap para sa akin 'to"bulong niya "Pero para sa anak ko 'to. Para na rin sa ating dalawa. Hindi naman ako mawawala eh. Babalik ako sa'yo ipapangako ko yun"

Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko.

"Be mine, please?"tanong ko.

Hinalikan niya ang pisngi ko "I'm all yours"

Napapikit na lang ako at dinama ang huling yakap ko sa kaniya. Huling haplos at huling pagdampi ng balat niya sa akin.

Sinusulit ko na ang bawat segundo ko na kasama siya. Hindi ko sinasayang ang bawat huling segundo ko kasama siya. Kasama ang babaeng mahal ko.

"I have to confess something"bulong ko.

"What?"bulong niya.

"On the day that I first saw you, I was already attracted to you"saad ko "Nagandahan kaagad ako sa'yo kahit hindi pa talaga kita kilala. Hindi ko nasabi sa'yo yun kasi akala ko hindi ka maniniwala"

Narinig ko na medyo natawa siya.

"Palagi akong naniniwala sa'yo, Thomas"saad niya "Sa bawat kasinungalingan o katotohanan mong sinasabi, naniniwala ako sa'yo"

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon