Chapter 55

1.4K 142 37
                                    

Thomas' POV

"Thomas"

"HUH!"

Kaagad akong napamulat at napabangon nung may marinig akong pagtawag sa pangalan ko. Tiningnan ko ang paligid ko, bakit wala si Ara dito?

Napahawak ako sa ulo ko at medyo hinilot ito "Ara?"pagtawag ko at nakiramdam kung mayroong sasagot sa akin.

Bumangon ako sa kama at nagbihis.

"Ara"tinawag ko ulit siya. Nasaan naman yun? 5:30 AM palang. Bumaba ako ng hagdan at nakiramdam. Bakit parang wala naman akong ibang naririnig dito? Bakit parang ako lang ang nandito?

Pumunta ako sa kusina pero wala siya. Sa sala at sa terrace pero wala.

"Ara?"pagtawag ko pa at medyo kinabahan na ako. Tiningnan ko ang sofa, sa wari ko'y dito niya nalapag ang bag niya pero pagkatingin ko doon ay wala na ito.

Kaagad akong tumakbo palabas.

"Ara!"sumigaw ako at hinanap s'ya ng paningin ko.

"ARA!"sumigaw ako sa kaba ko at patuloy kong tinakbo ang dulo ng dalampasigan pero wala akong nakita ni anino niya.

"ARA! ARA!"sigaw ko pa at naubusan ako ng lakas.

Hinanap siya ng paningin ko sa buong paligid pero wala akong nakitang tao rito. Tanging mag-isa lang ako.

Napatingin ako sa bahay at hindi ko alam kung bakit iba ang tibok ng puso ko. Kaagad akong tumakbo pabalik sa bahay at bawat hakbang ko ay dumaragdag sa kaba ko. Iba ang nararamdaman ko.

Why did she leave?

Bakit niya ako iniwan dito?

Bakit siya umalis ng walang paalam?

Umakyat ako sa hagdan at pumunta sa kwarto ng may kaba. Tinawagan ko siya ng tinawagan pero walang sumasagot. Nagri-ring lang ang phone niya.

Nasaan siya?

"Pick up the phone, please?"bulong ko habang pabalik balik sa paglalakad.

"The number you have di-"

"SHIT!"napasigaw ako at nag iba lalo ang pakiramdam ko.

"Ara please pick up"bulong ko at muli siyang tinawagan.

Pero bawat pag ring nito ay lalo kong nararamdaman na may mali. Hindi siya sumagot sa tawag kaya agad kong pinatay ang tawag ko. Napaiyak ako at napaupo sa kama.

"You don't have to leave"bulong ko "You don't have to, Ara"

Napatungo ako at mas lalong napaluha.

Siguro'y umalis na siya dahil alam niyang mas magiging mahirap para sa aming dalawa ito.

Siguro'y umalis siya dahil akala niya nalilito pa ako kung sino ang pipiliin ko.

Siguro, nagkusang loob na siya.

Napahawak ako sa ulo ko at pinilit pa siyang tawagan.

"Ara, sumagot ka"saad ko "Ara please? Sumagot ka"

Pero wala akong narinig na boses niya.

Napahawak ako sa ulo ko at medyo sinabunot ito.

"Ara"bulong ko habang lumuluha. Nanggigil ako sa sarili ko at nagalit.

She left.

Ara left.

"You need to follow her"narinig ko ang malambing na boses niya sa likod ko habang hawak hawak ang dalawang balikat ko. Kaagad akong napailing iling.

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon