Chapter 53

1.6K 214 95
                                    

Ara's POV

(A/N: This is an emotional chapter (for me) so I want you guys to play the song. This chapter made me cry all throughout!)

Habang nakasakay sa bus ay hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa 'to pero ang ating alam ko, gusto ko lang siyang makita ulit. Matagal tagal na rin simula nung huli kaming nagkakita. Ni wala na nga akong balita sa kaniya kundi ang alam ko na nagresign na rin siya sa trabaho niya. Nung dinalaw ko siya sa bahay niya, wala na siya doon. Aaminin ko, hinahanap ko talaga siya kasi gusto ko siyang makita.

Kahit abala na ako sa pag aasikaso ng mga papeles ay sumasagi pa rin sa isip ko si Thomas. Alam ni Jeron yun. Kasi pansin niya na hindi pa rin kami nagkaka ayos. Alam niyang si Thomas pa rin at sasama lang ako sa kaniya ay dahil ni Nathan. Masaya si Nathan kay Jeron, talagang masayang masaya siya sa Tatay niya. Kaya hindi na ako makahindi pa kay Jeron. Ginagawa ko na nga lang talaga lahat para kay Nathan.

Ngayon, nagbabakasali akong nandito siya kaya pumunta ako. Kahit wala akong kasiguraduhan na nandito talaga siya ay pumunta pa rin ako. Nung nandito na ako ay sumakay ako ng tricycle papasok doon sa mismong beach nila. Medyo kabado kasi malakas ang pakiramdam ko na nandito siya. Kahit walang nagsasabi sa akin na nandito siya, malakas yung tibok ng puso ko kapag naaalala ko yung beach na 'to kaya sigurado akong nandito siya.

Hindi pa nagtagal ay nakarating ako rito. Nagbayad ako kay Manong at saka ako pumasok.

Andito nga kaya siya?

Sana nandito siya kasi miss na miss ko na siya.

Pagkapasok ko ay natanaw ko sa kaliwa ang bahay niya. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Thomas asaan ka?

Tumingin ako sa kanan ko at may nakita akong lalaki doon na nakatayo.

I knew it, I will find you here.

Napangiti ako at lumapit sa kaniya. Habang papalapit ako, hindi ko alam kung bakit gumagaan ang pakiramdam ko.

I shut him down in my life already but until now, I regret it. I regret what I did. I should've break him gently. I will never forget the night when he called me but I never answered him back. Natulala lang ako noon at napaiyak.

Ngayon, gustong gusto ko siya makausap bago man lang ako umalis.

Tumigil ako sa hindi kalayuan sa kaniya at naalala ko yung gabi na umiiyak ako rito kasi pakiramdam ko hindi kami magtatagumpay ni Thomas kasi may Arra. Naalala ko yung hangin at ang kalmado tubig-dagat.

Walang pinagbago. Ganito pa rin.

Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko sa may pwetan.

"Sabi na eh, dito lang kita makikita"saad ko.

Lumingon siya at kaagad akong ngumiti sa kaniya.

Nakita ko naman ang mapungay niyang mata na pansin na pansin kong kalmado.

Kalmado dahil natutong tumanggap.

Kalmado dahil natutong maghintay.

Kalmado dahil natutong hindi bumitaw.

Napangiti siya.

"Good to see you again, Sir"saad ko at mas ngumiti.

Hindi na ako nakakaramdam ng bigat. Alam ko sa nagdaang isang buwan natuto na kaming makalimot sa masalimuot na nakaraan.

Kumbaga, nandito na lang kami, nagtititigan at muling nagkita upang ipaalam na kahit wala na kami ay masaya kami.

Kahit hindi kami ang nagkasama ay masaya.

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon